Semua Bab Engaged with an Ex-Playboy (Tagalog): Bab 21 - Bab 30
33 Bab
Chapter 19
Chapter 19Dream CortesHINDI ko alam kung paano haharapin si doc Reeve. Hindi kami nag-uusap. Mabuti nalang rin at hindi ako ang isinama niya sa operating room. “Dream.”Nag-angat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Nakadungaw sa may pintuan si Yannie. Ngumiti ako at tumayo, agad ko siyang nilapitan. “Naligaw ka?”Ngumisi siya. “Wala naman. Ang tahimik kasi ni Kit, naninibago ako.”Nangunot ang noo ko. Tahimik si Kit? Parang imposible yata 'yon? “Sigurado ka?”Humalakhak si Yannie. “See, hindi ka naniwala. Joke lang kasi 'yon. Nag-aalala kasi 'yung bakla kaya bisitahin daw kita dito.”Ngumiti ako. “Okay lang ako, Yannie. Kita nalang tayo sa canteen mamaya.”“Sigurado ka ha?”“Oo naman. Ako pa.”Humagikhik siya saka nagpaalam. Pinanuod ko siyang maglakad palayo. Napabuntong-hininga ako. Pati tuloy s
Baca selengkapnya
Chapter 20
Chapter 20Dream Adelone CortesYAKAP ako ni Blaze sa ilalim ng kumot habang nakatitig kaming pareho sa kisame. Pagkatapos kaming magmilagro sa kotse kanina ay inulit namin dito sa kwarto, sa cr, sa may pinto at sa kama. Siguro ito ang paraan namin para bumawi sa isa't-isa.Kanina, nang banggitin niya na iingatan niya ang puso ko ay naramdaman ko ang sinseridad niya. Alam kong totoo ang sinabi niya at gagawin niya talaga iyon. Tiwala ako. Tiwala akong hindi niya wawasakin ang puso ko tulad ng sinabi niya. Ang kailangan ko lang gawin ay maging matatag at ipaglaban ang karapatan ko bilang asawa niya.“Pwede na ba akong magrequest ng bakasyon? Kahit three days lang? Hindi na natin isasama si Ales, tayo lang dalawa.”Mabilis akong napalingon sa kaniya. “Hindi naman kita ipinagdadamot sa anak mo.”Tinitigan niya ako. “It's okay. Actually gusto kong maghiking.”Napabangon ako sa sinabi niya. Hawak ang kumot
Baca selengkapnya
Chapter 21
Chapter 21Dream Adelone CortesNAGISING ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang hindi pamilyar na paligid. Napangiti ako nang mapatingin sa bintana at nakita ang mga puno at bundok.Tumingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok si Blaze na kumakamot ng batok. Naupo siya sa tabi ko matapos halikan ang pisngi ko. “Nagluto ako.”Nagulat ako. Nagluto? “Marunong ka?”Napangiwi siya. “Iyon na nga e. Nasunog ng konti.”Tumawa ako saka tumayo. Sabay kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Natutop ko ang bibig ko nang makita ang kalat sa kusina. Nilingon ko si Blaze. “Hala, Blaze, baka makagalitan tayo ng may-ari ng cabin.”Bahagya siyang ngumuso. “Hayaan mo na.”Nilapitan ko ang pagkain na nakalagay sa mesa. May spaghetti na maputla at halos madurog na. Nalabog ang pagkakaluto niya ng pasta at kinulang sa sauce.“
Baca selengkapnya
Chapter 22
Chapter 22Dream Adelone CortesNAKAHILIG ako sa dibdib ni Blaze habang nakalubog sa ilalim ng tubig ang katawan namin. Nakasandal siya sa malaking bato habang yakap ang baywang ko. His length is still inside me, unloading the essence of our lovemaking while we both pant against each other's neck.“That was amazing, babe.” bulong niya sa tainga ko saka marahang hinalikan ang pisngi ko.Gusto kong tanungin kung sino ang tinatawag niyang babe. Baka kasi mamaya ay hindi ako ang nasa isip niya.Mahina akong napaungol nang hawakan ni Blaze ang pang-upo ko saka naglakad papunta sa mababaw na parte. Dahan-dahan siyang umahon habang buhat ako at magkadugtong ang aming mga katawan. Nang makaalis kami sa tubig ay marahan niya akong inihiga sa malaking bato saka muling sinimulang halikan ang leeg ko.The pleasure started building inside me again as he slowly thrust in me while kissing my neck.My eyes dilated. I swallowed hard and star
Baca selengkapnya
Chapter 23
Chapter 23Dream Adelone CortesNAGISING ako sa isang malamig na silid at puting dingding. Awtomatiko akong napahawak sa puson ko nang maalala ang nangyari. Nangilid ang luha ko at nang bumaling ako sa kanan ko ay sinalubong ako ng halik ng isang pamilyar na labi.Tuluyan akong napaluha nang pakawalan ni Blaze ang mga labi ko.He smiled. “We have a b-baby. You're pregnant, my wife.”Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. “L-Ligtas...Ligtas ba siya?”Marahan siyang tumango. Mariin naman akong napapikit kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Masaya ako. Sobrang saya ko. Baka siya na ang susi para tuluyan akong mahalin ng daddy niya.Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Blaze. Naalala ko rin ang naabutan niya bago sila nag-away ni doc Reeve. Tinitigan ko siya sa mga mata. “H-Hindi ko alam kung bakit n-nagustuhan ako ni doc Reeve.”Bumuntong-hininga siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “Don't t
Baca selengkapnya
Chapter 24
Chapter 24Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nina dad at Blaze pero nang bumalik sila ay ramdam kong may mali. Parang may kung anong nangyari dahil hindi makatingin ng diretso si Blaze kay dad. Ano kayang nangyari? Anong pinag-usapan nila?Tiningnan ko si dad nang lapitan niya ako. Ngumiti siya. “Sabi ng doktor pwede ka nang lumabas mamaya. Inextend ko na rin ang leave mo para makapagpahinga ka.”Tumango ako. Gusto kong sabihin kay dad na magkakaapo na siya pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko alam kung ano kaya minabuti kong h'wag nalang munang sabihin sa kaniya.“Dad.”“Hmm?” marahan niyang hinaplos ang buhok ko.“Anong pinag-usapan niyo ni Blaze?” napatingin sa akin si Blaze matapos kong itanong 'yon kay dad.Lumapit sa akin si Blaze at pumwesto sa kabilang bahagi ng kama. Pinaggitnaan nila akong dalawa ni dad. Hinawakan niya ang kamay ko
Baca selengkapnya
Chapter 25
Chapter 25Dream CortesHINDI ko iniimikan si Blaze, hindi rin naman niya ako kinikibo. Alam kong guilty siya pero dinadagdagan niya lang ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya. Hindi ba dapat nagsosorry siya at pinapangakuan ako na hindi na mauulit 'yon? Hindi na dapat inaamo niya ako at nilalambing dahil may kasalanan siya? Bakit hindi niya ginagawa 'yon? Bakit pakiramdam ko'y mas lumalayo kami sa isa't-isa? Hindi ko maintindihan. Normal lang bang manahimik ang taong guilty?“Dream, kumain ka pa.”Napatingin ako kay ate Jell. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil maagang umalis si Blaze. Hindi pa man ako nagigising ay umalis na siya—ayon kay ate Jell.Bumuntong-hininga ako. “Wala bang ibinilin si Blaze, ate Jell?”Naupo siya sa tabi ko saka pinakatitigan ako. “Nag-away ba kayo ng asawa mo?”Yumuko ako at umiling. “Wala po kaming pi
Baca selengkapnya
Chapter 26
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata
Baca selengkapnya
Chapter 27
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa.  Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Baca selengkapnya
Chapter 28
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
DMCA.com Protection Status