Share

Chapter 28

Chapter 28

Dream Cortes

MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko.

“Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?”

Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.”

Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!”

Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.”

Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status