All Chapters of Crush ko si Mr. Tahimik: Chapter 31
31 Chapters
Tahimik 15
Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw." Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga. "Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.  Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi.  "Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga." "Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya.  "Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya. "Pakiramdam ko kasi
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status