All Chapters of Arouse Affection: Chapter 41 - Chapter 50
71 Chapters
Chapter 38
Allison POV   Lumapit ako sa mahabang lamesa nang makapasok sina Cassandra. Inismiran nila akong tatlo. Lumabi ako, hindi na lang sila pinansin. Nagsimula na kaming kumain. Salad at shrimp lang ang kinuha ko dahil nawalan na ako ng gana. Samantalang si Jazzer ay nakangiti pang pinagmamasdan ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang hiya ka! Pagdating ng alas otso ng gabi ay lumabas kaming lahat sa videohall. Excited kaming nag-indian sit sa buhanginan at nagpabilog roon. Si Jazzer ang katabi ko sa kaliwa habang si Kaye Ann naman sa kanan ko. Inabutan kami ni Miguel ng tig-iisang beer. "Thanks!" masayang sabi ko.  Pang-anim na gabi na namin dito at bukas ay uuwi na rin kami. Ito talaga ang pinaka-aabangan ko dahil matagal na rin akong hindi nakakatikim ng beer. Kailangan ko pa yatang ma-broken hearted bago makainom nito.  Madilim ang paligid pero nabigyang liwanag iyon dahil sa mga christmas light na nakadisenyo sa paligid.
Read more
Chapter 39
Allison POV   "H-hindi t-totoo 'to," nanginginig na bulong ko. Napuno ng luha ang mga mata ko at nanghihinang napahawak sa posteng nasa tabi ko upang makakuha ng balanse. Balangkong napatitig ako sa bahay namin na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Natatanaw ko ang bukas na pinto at puting ilaw na nanggagaling sa loob. Nagkakamali lang ako. Hindi ito totoo. Buhay ang mama ko! Pakiramdam ko ay dinudurog ako. Hindi ako makahinga. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at parang batang naupo sa gilid ng poste. Umiiyak akong sumubsob sa tuhod ko.  Hindi ko magawang tumitig ng matagal sa bahay namin dahil kinakabahan ako. Mas lalong hindi ko kakayanin ang pumunta roon. Nakakatakot. Hindi ko matatanggap kung ano man ang madadatnan ko. Wala pa mang kumpirmasyon ay hindi ko mapigilan ang paglabas ng emosyon ko. Madaling araw na no'ng makarating ako rito. Nahirapan pa akong makahanap ng masasakyang bus kanina pau
Read more
Chapter 40
Allison POV   Hindi ako sigurado kung saan ba ako pupunta. Tuloy-tuloy lang akong sumakay ng sasakyan nang walang sinasabing address kung saan ako bababa. Hanggang sa namalayan ko na lang na naglalakad na ako papasok sa hospital. Walang ibang hospital dito kaya sigurado akong dito nila dinala si mama bago siya mawala. "Dito ba dinala si Adrianna Barcenas?" tanong ko sa babaeng nurse na nasa front desk. May tiningnan siya saglit sa computer na nasa harap niya bago ngumiti sa akin. "Yes, Miss. Natatandaan ko. Pero noong monday pa po siya na—" "Kilala mo ba kung sino ang doctor in-assign sa kaniya?" "U-uh, wait, Miss. I'll check it first," naiilang na tugon nito at muling humarap sa computer. Sandali lang iyon dahil agad din siyang humarap sa akin. "Si Doc. Alvarez po." "Nasaan siya?" "As of now, may ginagawa po siya sa taas—Hi Doc!" Nakangiti siyang naglipat ng tingin sa likuran ko. Napatingin din ako roon at nakita
Read more
Chapter 41
Allison POV Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Jazzer pero hindi ako lumingon. Nadaanan ko rin ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko.  Hindi matigil sa pag-agos ang luha ko habang tumatakbo. Gusto kong makalayo. Selfish ba talaga ako? Hindi pagiging makasarili ang ginawa ko! Ginawa ko lang kung ano ang tama. Wala silang karapatan! Tumigil ako sa ilalim ng malaking puno na nadaanan ko at naupo roon. Tahimik kong isinubsob ang mukha ko sa tuhod ko. Hindi ako nagsalita. Tinanggal ko lahat ng mga bagay na nasa utak ko at ipinikit ang mga mata. Dinama ko ang sariwang hangin na dumadapo sa balat ko nang sa gano'n ay kumalma ang sarili ko. "Pst, ate." May kumuwit sa akin. Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang bata. May inilahad siyang puting panyo. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Sino ka?"  Napalabi siya. "May nagpapabigay lang po. Huwag ka na raw pong umiyak," sagot niya. Tin
Read more
Chapter 42
Allison POV Matagal ko nang napapansin ang pagiging malapit ni Jazzer at Cassandra sa isa't isa pero hindi ko inakalang aabot sa ganito.Sa sobrang pagtitiwala ko kay Jazzer, hindi ko magawang maniwala sa nasasaksihan ko ngayon.Ito yung pangalawang beses kong magtiwala. At ayokong masira ulit iyon. Loving him means, trusting him. Hindi ko gugustuhing maniwala sa mga nakikita ko lang. I trust him so much. Alam kong may dahilan.Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Meron nga ba? O sadyang niloloko ko na naman ang sarili ko? Palagi na lang bang ganito? Hindi ko akalaing sa pangalawang pagkakataon, pagmumukain ko na namang tanga ang sarili ko. know, I deserve better. Not like this."Don't worry, I'll wait your explanation," bulong ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko habang nakatitig kay Jazzer.Iniiwas ko ang paningin ko at kagat-labing nagbaba ng tingin. Huminga muna ako ng malalim. Balak ko na sanang tumalikod pero may big
Read more
Chapter 43
Allison POV Muli akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog iyon. Si Angel naman ang tumatawag. Sinagot ko iyon at nakita silang dalawa ni Kaye Ann. Nakavideocall pala ito. Kumaway sila sa akin nang makita ako, pilit na ngiti lang ang iginanti ko."Are you okay, girl? Kamusta?" aligagang tanong ni Angel. "Ang pangit na ng mata mo, hula ko, ilang araw ka nang umiiyak. Tahan na, please?"Natawa ako."Hindi ako okay kaya huwag ka nang magtanong.""Allison, may iba ka pa bang problema? About you and Kuya?" si Kaye Ann naman ang nagtanong.Nawala ang pagkakangiti sa labi ko at napabuntong-hininga. Hindi ko inalintana ang pagsikip ng dibdib ko. "Medyo. Hindi ko sigurado kung okay pa kami," sinserong sagot ko."E, girl, nabalitaan ko yung about sa kanila ni Cassandra. You know, Cassandra and Miguel are bestfriends, and Miguel and I are lover. So, he already told me." Inilapit ni Angel ang mukha niya sa camera. Salubong ang k
Read more
Chapter 44
Allison POVNapatingin ako kay Darrel at pakiramdam ko ay nabuhay ang interes ko. Alam kong hindi sila mayaman at may sakit pa ang lola niya na naka-confine noon sa hospital na nasa maynila. Ang tito niya lang ang kasama niya rito sa probinsya at kasalukuyang gumagabay sa kaniya.Napakurap ako. "Gumagawa ka rin ba ng dahilan? Alam naman nating dalawa na babaero ka talaga. Huwag na tayong maglokohan," seryosong sambit ko. Ipinakita ko talaga sa kaniya ang pagkadisgusto ko sa sinasabi niya. Tumingin ako sa oras at napabuntong hininga. Bakit ang tagal ni Jazzer?"Si Mr. Galvez ang nagpapascholar sa akin," dagdag niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Mr. Galvez? "Yes, it's his dad.""A-anong—""You know how much I value my education. If I chose you, I will still leave you. If I chose my study, I will still lose you. Where's my choice?" Mapakla siyang napangiti."H-hindi kita maintindihan.""That J
Read more
Chapter 45
Allison POV "Good morning, Sir! Welcome to Reinhart's restaurant. What's your order, Sir?"Iyon ang kaliwa't kanang naririnig ko sa paligid. Nakaupo ako isang couch habang bored na pinagmamasdan ang mga crew kung paano nila salubungin ang mga costumer na pumapasok. Napasinghal ako sa inis!Isinandal ko ang ulo ko at pinagkrus ang mga binti. Batid kong naiilang sila dahil sa titig ko. Kahapon pang mainit ang ulo ko dahil dito ako ni-assigned ni dad. Nagtatrabaho ako rito bilang isang restaurant manager, iyon ang kinuha ko matapos kong makapagtapos ng college sa DLSU. Ang totoo ay sa manila ko ginustong magtrabaho pero naunahan ako ng kapatid ko. Dito tuloy ako bumagsak sa cebu.Nakakainis.Napatayo ako nang mapansin ang pagdami ng mga costumer. Napailing-iling ako bago naglakad papasok sa room kung nasaan ang mga staffs ko. Sumalubong ang kilay nang makitang nag-uusap sila habang gumagawa.Agad kong hinampas ng malakas ang lames
Read more
Chapter 46
Allison POV "Hello?" sagot ko sa unknown number na tumatawag."Hello, Miss Reinhart! I'm looking for accountant that can help me submit my tax return," panimula niya. Kumunot ang noo ko. "It's my first time I'm doing it so.. I don't have idea kung saan ako magsisimula. Don't worry, I'll pay your service if you're able to assist," dagdag niya pa.Muntik na akong mahilo dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Hello? Who are you? I'm a Reinhart but I'm not an accountan—oh!" Naalala ko ang kapatid ko. "Are you looking for Alleya Brielle Reinhart? Mali ang natawagan niyo." Nakairap na sabi ko. "I will send you her number," dagdag ko at pinatay ang tawag.Pumasok na ako sa loob ng bahay pagkasend ko ng number ni Brielle. Dumiretso ako sa kusina dahil alam kong naroon si Brielle, malamang na puro pagb-bake lang ang ginagawa niya ngayon since nandito lang siya sa bahay. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang nakayuko sa oven at m
Read more
Chapter 47
Allison POV "How can I help you?"Natulala lako sa mukha ni Jazzer. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at maging pagbuka ng bibig ko ay hindi ko magawa. Pinakatitigan ko si Jazzer at agad kong napansin ang malaking pagbabago niya.Halos nakatingala na ako sa kaniya dahil mas tumangkad na siya ngayon, hanggang dibdib niya lamang ang tangkad ko. Nakasuot siya ng white coat gaya ng ibang doctor. He's wearing a short-sleeved shirt inside it at jeans ang pang-ibaba. Nakaka-intimidate ang aura niya.Ilang ulit akong napalunok. I'm not suppose to feel like this. More than six year ko na siyang hindi nakikita kaya dapat ay naka-move on na ako. No feeling attached."Miss Barcenas?"Umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at pilit inalis ang kabang gumagapang sa katawan ko. Saglit ako yumuko, saka ko muling sinalubong ang kaniyang mga mata."I'm a Reinhart," mariing sagot ko. "Hindi Barcenas."Nawala ang ngisi sa labi n
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status