CHARLENE POVLUNES NA ng hapon nakauwi na rin siya sa kanila. Binagsak niya agad ang katawan sa kama, pagod subalit nag-enjoy naman siya sa ilang araw na bakasyon sa Siargao."Nagluto ang ng Balbacua ang Tiya mo, huwag ka muna matulog," ani ng Mama niya nang sumilip sa kwarto.Tumango siya. "Kakain po ako."Bumalik sa isip niya ang mga nangyari sa Siargao, napabangon siya at napaupo."Ma...""Hmm, bakit?""Magagalit ka po ba pag nagkaroon ako ng boyfriend?" nakangiwing tanong niya. Inaasahan na niya tatalakan siya ni Mama dahil sa tanong niya."Hindi. Bakit naman ako magagalit?"Napaawang ang labi niya. Bakit hindi ito magagalit? Bakit?"Seryoso, Ma?""Nak, matalino ka at may tiwala ako sa'yo na hindi mo papabayaan ang pag aaral mo. Normal 'yan— ang ma-in-love, masarap sa pakiramdam pag may taong nagpapasaya sa'yo...kaya bakit ako magagalit? Boyfriend lang naman hindi ka pa naman mag-aasawa," nakangiting sagot ng Mama niya.Matiim niyang tinignan ito."Ma, pangako— gagawin ko ang laha
Last Updated : 2025-08-20 Read more