BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

By:  NIKKYOCTAVIANO  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
8 ratings
19Chapters
4.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?

View More
BAKIT NGA BA MAHAL KITA? Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Madelin Polo Dabon
bakit po wala pang kasunod na chapter..maganda sana.
2024-08-24 19:27:04
0
user avatar
Natoy Pacaonces Papna
masaya po ang kwento nakakaloko..hihihihahahahaahaha.........
2022-01-11 23:07:20
1
default avatar
marygabriellebanaag
Waiting sa next chapter ...️ ang cute ng story.
2021-12-12 12:41:53
1
user avatar
NIKKYOCTAVIANO
Pasensya na kung matagal ang update. Halos isang buwan din mahigit ang inantay ko bago ito ma-signed story. ...... Salamat! Isusunod ko 'to pagtapos ko sa Yakap sa dilim. Abangan niyo rin ang (Init sa tag-lamig) ...... soon.♡
2021-08-24 02:03:41
5
user avatar
SachiTart90
💓☺️ cute story
2021-07-23 11:44:26
1
user avatar
NIKKYOCTAVIANO
😘😘 Hope you'll support this story.
2021-07-20 00:31:20
1
user avatar
SANZA
cute ang story.😍☺️
2021-07-19 09:22:08
1
user avatar
Noella Christaian
maganda po. tuloy mo update. ty
2021-07-18 21:06:20
1
19 Chapters

CHAPTER 1

SHAWN   SIYA si Shawn Perez Rebato, bente-uno anyos, kilalang leader ng isang fraternity group sa unibersidad na pinapasukan niya rito sa Davao City. Ang Otaber Sigma Phi, tatlong taon na rin buhat nang buuin niya ang grupo. Mayroon ng one hundred and twenty-seven members ang grupo niya na puro mga lalaki ang miyembro. Wala naman siyang batayan sa pagpili ng mga ipapasok sa grupo, magawa lang ng isang new comer ang task na ipapagawa niya ay pasok na ito. Ganoon lang ka-simple. Kilala rin siya sa pagiging maangas at sa mga pam-bu-bully niya. Basta pag nairita siya sa isang estudyante, automatic ibu-bully niya ito. Kahit sa bahay, ganoon din ang ugali niya. Siya ang badboy at blacksheep ng pamilya. Never naging proud sa kanya ang Daddy niya, walang ibang pinupuri ito kun'di ang Kuya Shane lang niya. Kesyo si Shane ang matalino, masipag, mabait at perfect na anak. Samantalang siya, siya ang opposite ni Kuya Shane. Napabuntong hining
Read more

CHAPTER 2

CHARLENE   MALUNGKOT at naluluhang nakatunghay siya sa natutupok nilang bahay sa Baseco Compond sa Maynila. Ang sakit lang makita na ang bahay nila ay unti-unti nang kinakain ng apoy. Naririnig niyang humagulgol ang Mama at Papa niya sa tabi niya. Wala silang kahit isang gamit na naisalba, masyadong mabilis ang naging pangyayari kaya sa sobrang taranta nila ay nagtakbuhan na sila palabas at palayo sa compond. "Ano na ang gagawin natin?" wala sa sariling tanong niya sa magulang. Pakiramdam niya natupok din ng apoy ang lahat ng plano niya sa buhay. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ng Mama at Papa niya. Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay buhay sila lahat. Ganoon talaga, ika nga ng iba. Mas okay pa raw ang manakawan kesa masunugan. Kasi pag ninakawan ka, may bahay ka pang babalikan ngunit pag nasunugan ka, wala ka ng bahay na matitirhan. Sa isang evacuation
Read more

CHAPTER 3

CHARLENE UNANG araw niya sa UPM ngayon. Sana talaga marami siyanh kaibigan na meet sa unang araw niya. Pagkapasok sa loob ng university, saglit muna siya dumaan sa registrar office. Sakto naman na mayroon transferee student na kagaya niya. Si Eun Woo, isang pure Korean. Nakakatuwa naman, at least hindi siya gaano maiilang. "Hi! I'm Charlene. I'm also a transferee student." Pakilala niya sa binatang Koreano. Kainis ang kikinis talaga ng mga mukha ng mga Koreano. Ngumiti naman ito sabay lahad sa kamay. Pansin niya na may pagka-nerd looks ito pero para sa kanya cute naman ito. "I'm Eun Woo Soo. Nice to meet you, Cha-lene," nakangiting pakilala nito. Sobrang cute! Lalo na nang mahirapan ito sa letrang 'R'. May pagkahawig pa naman ito sa artistang at host sa isang TV network. Si Ryan Bang. Muli siyang ngumiti at tinanggap ang pakikipag-kamay nito. "Nice to meet you, Eun Woo." Naglakad na sila ni Eun Woo patu
Read more

CHAPTER 4

CHARLENE   PAGKAPASOK niya sa school, dumiretso siya kaagad sa first subject niya. Napansin niyang, hindi siya sinulyapan ni Eun Woo. Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Nailang ba ito? Umiiwas na ito sa kanya? Pagkaupong-pagkaupo nagulat pa siya nang biglang gumewang ang upuan niya at natumba siya. Nagtawanan ang lahat. Great! Wala naman nakakatawa pero tumatawa sila. Ang saya-saya! Tinignan niya ang paa ng upuan, halatang sadya ang pagkakabali nun. Humugot siya nang malalim na paghinga. Ngumiti na lang siya at kumuha ng panibagong upuan. Sa buong klase, hindi na siya kinausap ni Eun Woo. Nalungkot tuloy siya. Nang matapos ang klase, naunang tumayo si Eun Woo at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nagkibit balikat na lamang siya. Kaya naman, mag-isa na lang siyang nagtungo sa cafeteria para kumain. Naupo siya sa bandang dulo table, at tahimik na kumain nang biglang may bola ng basketball ang lumipad at nag-landing mismo sa
Read more

CHAPTER 5

SHAWN   NATIGALGAL siya dahil sa ginawang pagsipa ni Charlene Dimagiba sa kanya. Hindi siya makapaniwala na isang babae lang makakapag-patumba sa kanya. What the hell? Subalit, aminado siyang nakuha nito ang buong atensyon niya. Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi siya papayag ng hindi makakabawi sa panghihiyang ginawa nito. Padabog siyang naupo sa couch, kasalukuyan naroon sila sa hideout place ng grupo niya. May mga newcomers kasi na nais sumali sa grupo niya. Kagaya ng iba, bago makapasok o maging miyembro ay kailangan magawa muna ang isang task na ipapagawa niya. "Ready na ang tatlo, Shawn," sabi ni Sarmiento sa kanya. Napasulyap siya sa tatlong Criminology student, saka napailing. Sumulyap siya kay Sarmiento at Garcia. "Sige, simulan niyo na. Isang daang palo sa hita," tugon niya. Magkasabay na tumango ang dalawa. Siya, si Sarmiento, Garcia, Morris at Morales ang pioneer sa Otaber Sigma Phi. Silang l
Read more

CHAPTER 6

CHARLENE INABOT na siya nang alas-nuwebe ng gabi nang makauwi siya. Naabutan pa niya ang Mama niya sa labas ng pinto tila nag-aabang sa kanya."B-Bakit ngayon ka lang? Pinag-alala mo ako, Charlene," may halong pag-aalala at sita na tanong ng Mama niya."Sorry, Ma. Dumaan pa kasi ako sa library tapos ang haba ng pila sa bus, natagalan po ako," pagsisinungaling niya. Huminga siya nang malalim. Ayaw na niya magkuwento ng kahit ano tungkol sa nangyayari sa kanya sa university.Masyado nang maraming iniisip ang Mama niya kaya ayaw na niya dagdagan pa."Oh, sige na. Magbihis ka na. Sa sunod magtext ka para alam ko dapat palaging may load.""Opo, Ma. Pasensya na po," tugon niya sabay tungo sa kuwarto nila ni Mama. Pasadlak siyang naupo sa kama.Sa totoo lang kinabahan talaga siya na baka hindi makauwi. Mabuti na lang at biglang sumulpot si Shawn at binuksan ang pinto ng CR kung hindi sa CR talaga siya magpapali
Read more

CHAPTER 7

SHAWN NAIINIS na hinampas niya ang nakapinid na pinto ng kuwarto niya. Nakakainis! Gigil na binagsak niya ang katawan sa malambot na kama niya. Pilit niyang winawaksi sa isipan niya ang nangyari kanina sa university, buong hapon hindi siya nakapag-pokus dahil sa Charlene na 'yon.Hindi mabura-bura sa isip niya ang maganda at makurba nito katawan. Shit! Nabigla talaga siya sa ginawa nito paghuhubad sa harap niya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya dahil sa matinding inis na nararamdaman pero mas naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang makita ni Charlene na naapektuhan siya rito. Kung bakit naman kasi bigla siyang tinigasan? Napahiya tuloy siya. Damn that woman!Wala tuloy siyang choice kun'di ang magbabad sa banyo para kumalma ang katawan niya."Humanda ka talaga sa'kin, Charlene Dimagiba..." usal niya habang nasa tapat ng shower. Wala sa ugali niya ang hawakan mag-isa ang sarili ngunit nade-demonyo talaga siya. Kai
Read more

CHAPTER 8

CHARLENE UMINGOS siya habang inaalala ang sinabi ni Shawn kanina sa cafeteria. Sinapian ang animal! Anong akala nito privilege ang maging boyfriend ito? Siraulo! Wala pa sa isip niya ang makipag-relasyon. At kung sakali man maisip niya, hinding-hindi siya papauto sa kumag na 'yon. Pagkalabas niya ng registrar office, sa wakas mayroon na siyang sariling locker. Hindi na siya mahihirapan magbitbit ng mga libro at notes niya. Pagbukas niya ng locker, napasinghap siya sa gulat nang mahulog ang samu't saring kalat sa loob nun. Natawa ang ibang estudyante sa paligid. Nagtagis ang bagang niya. Ginawang smokey mountain ang locker niya. Tsk! Malaki ang hinala niya na si Shawn na naman ang may pakana nito. Argh! Bwiset talaga! Napabuga siya nang malalim na paghinga. Isa-isa niya pinulot ang mga kalat at nilagay sa pinaka malapit na trash bin. Mayamaya pa ay may limang mga babae lumapit sa kanya.Nagtatakang napasulyap siya sa mga ito. Ngunit, nagulat siy
Read more

CHAPTER 9

SHAWNNAPABALIKWAS siya nang bangon. Isang daan bituin yata ang dumaan sa paningin niya dahil sa matinding hilo natamo nang suntukin siya ni Charlene.Nanggagalaiting luminga-linga siya. Nakita niya si Sarmiento na nakaupo sa gilid. Nasa loob pala siya ng clinic. Shit!"Nasaan ang Charlene na 'yon?!" malakas na wika niya.Hindi siya makapaniwala na napabagsak siya ng isang suntok lang at isang maliit na babae pa? Naiiling na nagtatagis ang mga ngipin niya. Lintek!"Basted ka na nga, na-knockout ka pa. Grabe! Ang astig!" nakangising sabi ni Sarmiento."Gusto mo rin ba ma-knockout? Sabihin mo lang," puno ng iritasyon ani niya at nagmamadaling lumabas na ng clinic.Ang walang hiyang, Charlene na iyon. Bigla-bigla na lang siyang sinugod. Nagalit ba ito dahil kinuha niya sa registrar office ang cellphone number nito? Umingos siya. Nagpakahirapa pa naman siyang pumasok sa registrar office para makuha lang ang numero nito. Kainis!Sa
Read more

CHAPTER 10

SHAWNTUMAYO siya at umatras palayo kay Maureen."Puwede ba magdamit ka! I'm sorry, Maureen pero wala talaga akong gusto sa'yo. Kahit maghubad ka pa. Never!" puno ng iritasyon asik niya sa dalaga.Naiinis siya. Paano ba 'to nakapasok sa hideout place? Marahas na lumabas siya. Kita niya na nag-iinuman pa rin ang iba ka-miyembro niya."Ayos ba, tol? Malungkot kasi matulog ng mag-isa kaya pinapasok namin sina Maureen."Napatingin siya sa mga nag-iinuman kasama na rin pala ng mga ito ang ibang ka-grupo ni Maureen. Napailing siya saka matiim na tinitigan ang nagsalita."Sa susunod huwag niyo ako iistorbohin sa pagtulog kung ayaw niyong makatikim sa'kin,"  wika niya sabay marahas na sinipa ang isang silya.Bitbit ang bag niya ay umalis na lang siya. Nawalan na siya nang gana matulog don. Marahil nakainom lang si Maureen kaya ganoon ang ginawa nito. Kung tutuusin maganda at sexy naman ito. Pero hindi siya katulad ng ibang lalaki na maru
Read more
DMCA.com Protection Status