All Chapters of Beautiful Liar: Chapter 21 - Chapter 30
39 Chapters
Chapter Twenty One
VENIXENAGDIDILIM ang paningin ko pagkagising. Maaga akong hinatid kagabi ni Cloud. Hindi rin naman ako uminom kagabi pero pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko.May meeting kami ngayon ng mga elders. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon at maligo.Tinawagan na ako ni Cloud na susunduin niya ako. Tamad na tamad ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog. Alas onse na ng umaga ako nagising pero tila hindi pa rin sapat ang tulog ko. Nagsuot lang ako ng jeans at fitted na blouse.Pagbaba ko ay naabutan ko si Dorris na naglilinis sa sala."Ven, ayos ka lang ba? Para kang may sakit. Namumutla ka." Lumapit din ito sa 'kin at sinalat ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit.""Pagod lang ako Dorris. Alam mo naman, naging busy ako nitong mga nakaraan na araw.""Si Cloud kanina pa nasa labas. Sinabi ko nga na kumain muna, kaso doon na lang daw siya kotse niya maghihintay. Yayain mo nga at nang makakain muna kayo
Read more
Chapter Twenty Two
VENIXEPUTING silid ang agad kong nabungaran pagkagising ko. What happened? Nasaan ako? Inikot ko ang paningin at bumangon ako. May dextrose na nakakabit sa kaliwa kong kamay. Tinanggal ko iyon. Iyon ang naabutan ni Cloud pagkapasok sa loob ng silid. Mabilis ang hakbang na ginawa niya na lumapit sa 'kin. Pinigilan niya ako sa kamay."Stop it, Ven." Awat niya sa akin."Why am I here? Nasaan na sila?" Tinutukoy ko ay ang mga humabol sa amin kahapon.Huminga nang malalim si Cloud. "You need to calm down. Makakasama 'yan sa baby mo," seryoso ang boses nitong saad na parang galit o hindi ko mapangalanan kung ano.Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Baby?Dahan-dahan kung hinawakan ang puson ko hanggang sa tiyan. Totoo ba na buntis ako? May buhay na rito sa sinapupunan ko. Bigla akong napaiyak. Naalala ko si Xander."Ve
Read more
Chapter Twenty Three
VENIXESINULYAPAN ko ang phone ko na kanina pang nagriring. Kanina pa ako tinatawagan ni Cloud at hindi tinitigilan sa pagtawag. Gno'n siya kakulit na malaman kung nasaan ako ng ganitong oras. I'm starting to get pissed off. Hindi ko ipinaalam sa kaniya ang tungkol sa bago kong assignment. Madali lang naman 'tong trabaho ko ngayon. Isang drug user ang tutumbahin ko.Ginamit ko ang koneksyon namin na si Alpha para makapasok ako sa party niya. Hindi kasi basta-basta ang mga bisita nito. Mga kilala sa larangan ng politika, negosyo at may-iilan na celebrity. Mabuti na lamang at kasama ko rito si Alpha."Good evening Ma'am." Bati sa 'kin ng mga empleyado pagkapasok ko."Good evening..." Bati ko rin at nginitian sila.Hinanap ko agad kung nasaan si Carlos. Prente siyang nakaupo at napapalibutan ng mga bodyguards niya. Gano'n siya katakot para sa buhay niya kaya hindi ako basta-basta makakalapit dito. Kailangan ko munang pag-aralan kung paano ako makakala
Read more
Chapter Twenty Four
HININTAY ni Venixe si Carlos na lumabas ng gusali. Nasa opisina niya ito. Tulad ng nakagawian, gagamitin niya ang alindog niya upang makalapit kay Carlos.Sinundan niya ang sasakyan nito na pupunta sa isang bar. Sakay siya ng kaniyang itim na sasakyan ay pumarada si Venixe sa 'di kalayuan ng bar na pinaghintuan ng sasakyan ni Carlos. Isang high-end bar iyon sa Maynila.Pumunta siya sa backseat at nagpalit ng sexy na damit. Isang black skirt at black tank top ang sinuot niya. Tinted naman ang kaniyang sasakyan kaya hindi naman siya kita na nagpalit siya ng damit sa loob ng sasakyan. Nagsuot siya ng maikling wig at naglakagay ng makapal na make-up.Lumabas siya ng kaniyang sasakyan at naglakad patungo sa bar. Pagkapasok niya ay inikot niya ang paningin sa kabuuan ng bar. Maingay at nagsasayawan na ang mga taong naroon. Tumingin siya sa itaas. Alam niyang naroon nakap'westo si Carlos dahil masyadong maingay rito sa baba.Kumuha muna siya ng juice bago umakya
Read more
Chapter Twenty Five
NAPABANGON si Venixe dahil pakiramdam niya ay bumabaligtad ang kaniyang sikmura. Agad siyang tumakbo papuntang banyo at doon nagsusuka. Nakaramdam din siya nang pagkahilo.  Napaupo siya sa sahig dahil talagang masama ang pakiramdam niya.Tuwing umaga ay ito ang problema niya. Mayroon siyang morning sickness at doon siya nahihirapan.Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto."Ven?" Pumasok si Cloud at naabutan siya sa gano'ng ayos.Dinaluhan agad siya nito. Hinawi nito ang buhok na nagtatakip sa kaniyang mukha."I'm okay, Cloud. This is normal," nanghihinang saad niya sa binata."I know. I hope I can make you feel better." Binuhat siya ni Cloud at dinala muli sa kaniyang kama at pinahiga. "Do you want to eat breakfast?"Umiling siya. Hindi na siya nagtataka na nandito si Cloud sa kaniyang condo pagkatapos niya itong imessage kagabi. Alam naman niyang pupuntahan siya nito kahit hindi niya sabihin."You need to
Read more
Chapter Twenty Six
NAGULAT si Xander nang makitang pumasok ang Manager ni Venixe sa loob ng restaurant. Palapit na ito sa kinauupuan niya. Dito pa naman niya piniling makipagmeeting dahil alam niyang hindi makakawala si Venixe sa kaniya.Inis siyang tumayo. "Where's Venixe?" mariin niyang tanong. Hindi na niya naisip na maging mahinahon sa harap ng empleyado ni Venixe.Agad na kinabahan si Thinz sa tono ng boses ni Xander. Galit ito."Ah, e... S-ir s-abi po ni Ma'am ako po ang p-upunta ka-si may gagawin pa siya." Nauutal na sagot ni Thinz sa gwapong si Xander. Nanginginig ang tuhod niya at gusto nang bumigay nito sa takot sa binata. Magkasalubong ang kilay nito at kulang na lang ay singhalan siya nito para ilabas ang pinipigil na galit.Inis na inis si Xander dahil hindi niya mapasunod ang dalaga. Hindi niya magamit ang coffee shop para muling mapalapit kay Venixe. Ano ba ang pwede niyang gamitin para bumalik sa kaniya ang dalaga?Napasuklay siya ng buhok gamit ang d
Read more
Chapter Twenty Seven
INIS NA INIS  si Venixe dahil pinapaalis na agad sila sa building kung saan siya nakalease. B'wisit na Xander! Pakiramdam niya ay pinepersonal siya ng binata. Hindi kasi siya nakikipagkita rito at todo iwas siya. Halos hindi na nga siya pumupunta sa shop para makaiwas sa kaniya. Siya na lang ang naiwan sa loob. "Hindi ka pa ba tapos, Ven?" tanong ni  Cloud. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at nakatingin sa kaniya. Nakacross ang braso sa kaniyang d****b. "Tapos na. Shutdown ko lang ang laptop." Imporma niya kay Cloud. Umayos ito nang pagkakatayo at lumapit sa kaniyang desk at doon umupo sa edge. "Hindi ka na dapat nagpupunta pa rito at nagtatrabaho. Kaya ko kayo buhayin." Napabuga siya nang malalim na hininga sa sinabi ni Cloud. "Ayan ka na naman. Ilang beses ba natin pag-uusapan ang bagay na iyan." Sinara niya ang laptop at tumayo na. Tumayo na rin si Cloud at kinuha ang bag niya. Pinagsiklop nito ang kanila
Read more
Chapter Twenty Eight
"BABE... " Namamaos niyang tawag sa akin. Kakaiba ang dulot ng pagtawag niya sa akin, gamit ang endearment niyang 'yon."X-ander..." mahinang tawag ko rin sa pangalan niya.Bumaba ang kaniyang mukha at muli akong siniil ng halik sa labi. Ngayon ay nakipagpalitan na rin ako ng halik sa kaniya. Dila sa dila. Sabik na sabik na halik. Iyong tipong nagmamadali at madiin. Punong-puno ng emosyon at pagnanasa."Ohh... X-ander," ungol ko pangalan niya.Bumaba ang labi niya para halikan ako sa leeg. Binuhat niya ako at pinaupo sa desk. Lumiyad ako habang nakahawak sa kaniyang ulo. Bawat halik niya ay nag-iinit ako at nagdadala ng kakaibang kiliti at init sa aking pagk*babae.He groaned and cursed in between his kisses. "F-ck!"Pinagparte niya ang binti ko at nasa pagitan siya nito. Pinaikot ko ang dalawang binti ko sa kaniyang baywang. Naglilikot na rin ang kaniyang kamay. Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa kabilang dibdib ko. Mas lalo iyon nakad
Read more
Chapter Twenty Nine
Venixe Chapter 29"BAKIT mo ako tinawagan, Sari? What do you need?" tanong agad ni Cloud pagkaupo sa harapan ni Sari. Nasa isang coffee shop sila.Umiinom ng kape si Sari nang dumating si Cloud. Binaba nito ang hawak na tasa at kalmadong sumandal sa upuan. Ngumiti ito nang tipid sa kaniya na ikinairita niya."Coffee?" alok pa sa kaniya ni Sari.Umiling siya. "No, thanks. Hindi naman ako magtatagal. Susunduin ko pa si Ven." Tila inip na inip niyang saad sa kaharap. Ayaw niya kasing makausap ito nang matagal. Kilala niya si Sari at hindi niya gusto ang ugali nito. Minsan na rin itong nagkagusto sa kaniya noon, mabuti na lang at hindi niya ito pinatulan.Inusod ni Sari ang envelope na nakapatong sa lamesa papunta sa kaniya. Nakakunot ang kaniyang noo na napatingin sa envelope at saka muling tumingin kay Sari. "What is this?" naguguluhan niyang tanong."Open it," utos nito sa kaniya. Binuksan niya ang envelope at halos mapiga ang puso niya sa sa
Read more
Chapter Thirty
"VENIXE is part of an organization called Balzi," seryosong panimula ni Baxia sa pagbibigay ng impormasyon kay Xander.Nasa opisina sila sa bahay ni Xander kasalukuyan. Ang kalahati ng isip ni Xander ay na kay Venixe sa mga oras na iyon. Nag-aalala siya sa dalaga. Masaya siya dahil naging maayos na silang dalawa ngayon. Pinagdarasal lang niya talaga na hindi na magbago pa ang isip ni Venixe. And he is scared of that happening, that Venixe will leave him. Gagawin niya ang lahat, huwag lamang siyang iwan ni Venixe.Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kaniya kahit hindi nito sabihin sa kaniya. Natutuwa siya sa reaksyon ng katawan nito sa kaniya.Pina-imbestigahan niya si Venixe dahil sa sinabi ni Franco na nakipagkita sina Venixe sa mga armadong lalaki nang sinundan niya ito. Ayaw niyang mapahamak si Venixe kaya niya iyon ginawa.Halos mabingi si Xander sa narinig. "What kind of organization is that?""This is a very confidential organization. Hindi la
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status