Share

Chapter Twenty One

VENIXE

NAGDIDILIM ang paningin ko pagkagising. Maaga akong hinatid kagabi ni Cloud. Hindi rin naman ako uminom kagabi pero pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko.

May meeting kami ngayon ng mga elders. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon at maligo.

Tinawagan na ako ni Cloud na susunduin niya ako. Tamad na tamad ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog. Alas onse na ng umaga ako nagising pero tila hindi pa rin sapat ang tulog ko. Nagsuot lang ako ng jeans at fitted na blouse.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Dorris na naglilinis sa sala.

"Ven, ayos ka lang ba? Para kang may sakit. Namumutla ka." Lumapit din ito sa 'kin at sinalat ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit."

"Pagod lang ako Dorris. Alam mo naman, naging busy ako nitong mga nakaraan na araw."

"Si Cloud kanina pa nasa labas. Sinabi ko nga na kumain muna, kaso doon na lang daw siya kotse niya maghihintay. Yayain mo nga at nang makakain muna kayo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status