Lahat ng Kabanata ng Here's Your Perfect (Filipino): Kabanata 31 - Kabanata 40
42 Kabanata
Chapter 30
ChrisI couldn't help but smile when I wake up this morning, feeling more excited to be with Jazmine. It's been three days simula nang pumayag siya na sa iisang Hotel na lamang kami mag-stay, kung saan ako naka check-in. I guess, wala na akong mahihiling pa kung hindi ang sulitin ang bawat minuto at segundo na kasama ko siya. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko siya makakasama, pero para sa akin, lahat ng alaala na meron kaming dalawa sa islang ito ay dadalhin ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay ko. I groaned.Hindi dahil sa frustrated, kung hindi dahil sa kakaibang saya na nadarama, noong maalala ang aming mainit na muling pinagsaluhan kagabi. I owned her last night, every night. At hindi lamang isa, hanggang dalawang beses o tatlo, maraming beses na. Inaamin kong mali ako sa part na hindi ko pinigilan ang sarili ko. Nagpadala ako sa init ng katawan, sa kapusukan, pero iyon ay
Magbasa pa
Chapter 31
Now playing: Pano by Zack TabudloChris"You know what? Ikain na lang muna kaya natin ito, ano? Medyo nagugutom na rin kasi ako eh." Sabay himas ni Nikki sa kanyang tyan.Hindi ako kumibo at tinignan lamang siya sa kanyang mukha.Hindi pa nga rin pala kami nakakapag almusal, lalo na si Jazmine.Kahit na alam kong may ibang kasama siya sa mga sandaling ito, siya parin ang inaalala ko."Saan ba may malapit na at masarap na kainan dito for breakfast?" Tanong ni Terrence na halatang pinagagaan din ang atmosphere.Still, hindi parin ako kumikibo ngunit agad na napamusyon ako sa may unahan, kung saan mayroong malapit na Hotel at the best ang menu nila for breakfast.Minsan na rin kasi kaming napadpad doon ni Jazmine.Pagdating namin roon, ay agad na lumapit sa amin ang dalawang waitress para kunin ang aming order.Hinayaan ko na lamang 'yung dalawa na mag order para sa akin. Habang ako naman ay nalulunod pa rin sa
Magbasa pa
Chapter 32
Chris Now playing: All too well by Taylor Swift  "You came."  Nakangiting sinalubong ako nito habang ako naman ay naglalakad papalapit sa kanya.  Hindi ko siya magawang alisin sa aking paningin ngayon. May pakiramdam kasi ako na ito na ang huling sandaling makakasama ko siya ng ganito.  Nakakalungkot lang kasing isipin dahil parang biglaan yata ang pagbawi ng tunay niyang mundo sa akin.  Hindi man lamang ako nakapag handa. Alam ko naman na mangyayari talaga ang araw na ito, pero hindi ko kasi naihanda ang sarili ko.  Binigyan ko ito ng isang mabagal na ngiti. Pilit na itinatago ko ang lungkot at pangamba sa aking mga mata.  Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil hindi ko yata nakikita si David. O sadyang mag-isa lamang siyang nagpunta rito. "Where's your---"  "Grabe 'no? Ilang months din tayong nagkasama rito." Putol nito sa akin.  Napatango ako bag
Magbasa pa
Chapter 33
Now playing: Malibu nights by LANYChris "Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin. No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili. Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka
Magbasa pa
Chapter 34
Jazmine     "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo.   Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman.   Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi.   O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko.   Ewan ko!   Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris.   Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko.   Miss na miss ko na siya, ngunit
Magbasa pa
Chapter 35
JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat. Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. "Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito. Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal. "Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong. "Thank you for what?" Tanong nito sa akin. Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata. "Dahil nagawa mo akong patawarin. A
Magbasa pa
Chapter 36
Jazmine "Chris!" Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya. Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon. "Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya. "You missed me." Malamig ang boses na sabi nito. Napatango ako. "Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!" Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I
Magbasa pa
Chapter 37
Jazmine Hindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak. Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos. Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan. Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin. Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Magbasa pa
Chapter 38
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV***   Third Person POV   *Flashbacks*   Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin.   Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama.   Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso.   Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo.   At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
Magbasa pa
Chapter 39
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV***   Third Person POV   Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang.   Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin.   Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw,  dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara.   Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status