Lahat ng Kabanata ng Forgotten Scars of Love: Kabanata 51 - Kabanata 52
52 Kabanata
Kabanata 51
a/n: Ito na po ang panghuling kabanata ng FSOL. Epilogue na ang kasunod. Maraming salamat at umabot ka dito^^   RUI's POV Nag-uunahan sa pagkalabog ang puso ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa korte. Napapapikit ako sa mga flash ng camera. Panay ang sunod nila sa amin hanggang sa pigilan sila ng mga pulis. Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil sa matinding kahihiyan.  Nasa tabi ko si Trystan na siyang naging abogado ko magmula nang mamatay si Jin. Kahit anong pampalubag-loob ang sabihin nila, pakiramdam ko kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. May iilang pulis na nakabuntot sa amin. Isa na doon si Jalen na bigo ang mga matang nakamasid. May mga pulis din sa bawat sulok. Ganitong-ganito ang mga eksena katulad sa mga pelikula. Kaya lang, sa pagkakataong ito hindi ako ang bida.   “RUI, ANAK!”   Hinanap ko agad sa dagat ng tao ang boses na iyon at tumig
Magbasa pa
Epilogue
Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin. Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina. “How are you doing lately, Rui?” Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?” “Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status