Warning: Sexual Assault YOHANN's POV (Year, 2003) Isang malutong na sampal ang narinig ko pagkapasok pa lang ng bahay galing sa ekwela. Napanood ko kung paano na naman niya sinasaktan si mama. Tuloy, nabitawan ko ang bag ko at naestatwa. Hinatak niya si mama palapit sa kanya. Sinampal na naman niya ito sa pisngi dahilan para mapalangoy ito sa sahig. Sa sobrang galit, pumagitan ako at itinulak ang lalaking ito palayo. Umaalingawngaw ang hikbi ni mama habang sinusubukan ko siyang patahanin. Palagi na lang niyang ginagawa ito sa tuwing lasing siya. Buong galit kong tiningala ang lalaking hindi kailanman naging mabuting ama at asawa. Hinihingal ako sa sobrang pagpipigil. Nandidilim ang mga mata kong tinitigan siya. Alam kong manghihingi na naman siya ng pera kay mama. Sa murang edad, mulat na ako sa katotohanang may nangyayaring pang-aabuso sa bahay. Pero takot kaming magsalita.
Read more