Share

Epilogue

Lumuhod ako sa harapan ng kanyang puntod para itabi ang purong kulay puting mga rosas. Nagsindi ako ng kandila at mataimtim na nagdasal sa isip. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng katahimikan habang tinititigan ang pagsayaw ng apoy dahil sa hangin.

Paalis na ako ng sementeryo kung saan nakalibing si Jarenice nang matanaw ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya sa harapan ng isang puntod. Awtomatiko akong napahinto sa gulat. Si Trystan.

Ilang taon din kaming hindi nagkita.

Naramdaman niya agad ang presensya ko nang maglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti kami sa isa’t-isa bago namin sabay na hinarap ang puntod ni Jin. Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng lungkot. Dito na ako galing kanina.

“How are you doing lately, Rui?”

Nilingon ko siya. “Maayos naman. Kumusta ka?”

“Hmm. I’m doing well. Kakauwi ko lang galing Australia.” Nasa kay Jin siya nakatingin. Bagamat nakangiti ay kakikitaan ito ng lungkot. “I’m curious what he’s reaction back then. Akala ko bibisi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status