“Jalen?” hindi makapaniwalang usal ko. Lumawak ang kanyang ngiti. Halatang lasing na ang mga mata. Nagbaba ulit ako ng tingin sa mesa niya bago siya nagtatakang pinasadahan ng tingin. “Anong meron?” Nakanguso niyang hinawakan ang dibdib. “Brokenhearted ako” “Ikaw? Brokenhearted?” mabilis na nangunot ang noo ko. Pinagkrus ko ang mga braso nang hindi siya sumagot, panay nguso. “Bago ‘yan ah?” Ngayon lang ata siya nagkaganito dahil sa isang babae. “Eh ‘di sa wakas nakahanap ka na rin ng katapat mo?” “Rui naman” Natatawang umiling ako. Kaya ba kinukulit niya ako kanina na samahan siya? Kasi heto brokenhearted kunu siya? “Uminom ka na lang diyan, balik na ‘ko dun” tatalikuran ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Oh?” “So, waitress ka dito?” "O-Oh, ngayon lang” napapahiyang nakamot ko ang sentido. ”Wag mong sasabihin ‘to kay mama, ah?” “Tsk tsk okay. Kailan&nbs
Read more