All Chapters of Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Chapter 31 - Chapter 40
2077 Chapters
Kabanata 31
“Sampalin mo ang mukha ng anak mo. Titigil ka lang kapag sinabi ko. Kapag nagdalawang isip kang sampalin siya o kaya naman hindi malakas ang sampal mo, tatawag ako ng dalawang malaki at malakas na lalaki para sampalin siya nang isang daang beses gamit ang ilalim ng sapatos nila.”Natigilan si Jade, “Madam Ford, ano… Ano pong sinabi niyo?”Mas natakot si Selene dahil baka maging lumpo siya sa gagawin sakanya at bumagsak sa sahig ang mukha niyang umiiyak.Hindi na inulit ni Grace ang kanyang sinabi at tinanong lang si Jade, “Gagawin mo ba o maghahanap ako ng ibang tao para gawin ‘to para sa’yo?”“Ako! Ako na ang gagawa!” gumapang si Jade at pumunta sa harapan ni Selene. Tinaas niya ang kamay niya at binigyan nang malakas na sampal si Selene.“Ma…” umiiyak si Selene habang nakatingin sa nanay niya.“Mas okay na ‘to kaysa dalawang malaking lalaki ang sasampal sa’yo gamit ang ilalim nang kanilang sapatos.” Tinaas ni Jade ang kanyang kamay at binigyan ulit nang isa pang sampal si Selen
Read more
Kabanata 32
Hindi makita ni Kingston ang ekspresyon ni Sebastian, pero ang tagal niyang walang narinig mula rito.“Master Sebastian? Master Sebastian?” tinatawag siya ni Kingston.Sa kabilang dulo, ang boses ni Sebastian ay nanglalamig, “Ah okay.”Sabi ni Kingston, “Young Master Sebastian, may mga iuutos pa po ba kayo?”“Magiging busy ako sa mga susunod na araw. Ang araw matapos ang bukas, siguraduhin mong masusundo mo si Selene at hintayin niyo ako sa labas ng bahay ng mga Ford.” Gustong gamitin ni Sebastian si Selene dahil lamang sa Old Master.“Masusunod po, Young Master Sebastian. Alis na po ako.” Sabi ni Kingston.“Mayroon pa pala.” Tinawag muli ni Sebastian si Kingston.“Sundan mo siya.” May kaunting galit sa tono ng boses ni Sebastian.“Sino pong susundan ko?” sabi ni Kingston. Noong sinabi niya ang mga salitang ‘yon, pinalo niya ang ulo niya at sinabing, “Sige po, Young Master Sebastian, susundan ko po agad si Manang Scott!”Pagkatapos niyang umalis, nagmaneho si Kingston at sinus
Read more
Kabanata 33
Dumating ang sasakyan ni Nigel sa harapan ni Sabrina, “Sabrina, sakay ka na. Pabalik na ako, hatid na kita.”Tiningnan ni Sabrina ang marumi niyang sarili, umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Hintayin ko nalang ang bus.”“Gabing gabi na. Wala nang dadaan na bus dito, kung meron man, baka nasa ibang lugar na ‘yon. Hindi kita iiwanan dito maliban kung tatawag ka ng taxi.”Tatawag ng taxi?Wala nang pera si Sabrina.“Sumakay ka na.” binuksan ni Nigel ang pintuan para kay Sabrina, sumakay na si Sabrina nang walang pag-aalinlangan.“Saan kita ihahatid?” tanong ni Nigel.“Sa Harmony Hospital.” Matipid na sumagot si Sabrina at hindi na nagsalita matapos ‘yon.Tiningnan ni Nigel si Sabrina nang ilang beses sa buong paglalakbay nila. Tahimik siyang nakatingin sa bintana at hindi nagsisimulang makipag-usap kay Nigel hanggang sa pagbaba niya ng kotse.Gayunpaman, hindi nag-aalala si Nigel.Kapag lalo siya hinahamon sa isang bagay, mas lalo niya itong gusto at umaasa sa mga gusto niyang
Read more
Kabanata 34
“Master Sebastian…” gustong umiyak ni Selene pero hindi nalang niya ito ginawa kaya naman mas naging pangit ang mukha niya. “Alam kong hindi mo ako magugustuhan at ako naman ang may gusto sa’yo. Hindi na ako muling magpapakita sa’yo.”Tumalikod si Selene at umalis.Hinila ni Sebastian ang kanyang mga braso.Mas nainis pa siya kay Selene.Pero, may responsibilidad siya. Niligtas ni Selene ang buhay niya gamit ang katawan niya kaya naman kinain na niya ang nararamdaman niyang inis kay Selene at sinusubukan na huminahon, “Bakit naging ganyan ang mukha mo?”Umiyak si Selene at umiling.“Magsalita ka!” nawalan na nang pasensya si Sebastian.“Si Mama… Sinampal ako ni Mama…” sabi ni Selene.“Ha?!”Nanginig si Selene habang sinasabi, “Ang nanay mo.. May pinadala ang nanay mo para sunduin kami. Sabi niya gusto niyang ipaghiganti ang manugang niya kaya naman hiniling niya sa nanay ko na sampalin ako. Kung hindi ako sinampal ng nanay ko… ipasasampal niya ako sa dalawang lalaki gamit ang
Read more
Kabanata 35
Hinila ni Sabrina ang kamay niya pabalik at sumagot, “Gusto ko lang kumita nang pera.”“Ano ba ‘yan? Anong pagpapanggap ‘yan?!” ngumisi ang isang katulong tinanggal ang kamay ni Sabrina.Natulala si Sabrina at nahulog.Tumingala si Sabrina at nakita si Sebastian na nakatayo sa hindi nalalayong lugar.Nakatingin si Sebastian sakanya at walang ekspresyon sa mukha pero nararamdaman ni Sabrina na hindi siya masaya.Hindi talaga siya masaya.Dahan-dahan siyang naglakad at nahulog sa likod ng grupo ng mga taga-silbi. Tapos, tahimik siyang pumunta kay Sebastian. May ipapaliwanag sana siya pero kinurot ni Sebastian ang baba niya.Nanginig sa takot si Sabrina.Mabilis na nilagay ni Sebastian ang kamay niya sa likod para mahawakan siya, walang babala, yumuko siya at hinalikan si Sabrina.Ang halik na ito ay may halong galit at utang na loob pero mapaglaro rin ito at may pagparusa.Naramdaman ni Sabrina ang kahihiyan. Nahirapan siya bago siya pumiglas at tumakbo agad palayo.Dalawang ko
Read more
Kabanata 36
Bigla nalang tumingala si Sabrina at tiningnan si Sebastian.Hawak ni Sebastian ang pregnancy result. Ito rin ang result sa una niyang check-up. Tinago niya ito sa bag niya pero noong nakidnap siya ni Selene, kinuha niya ang resulta.Nilgtas naman siya ni Sebastian pagkatapos at akala niya na nawala niya ang resulta.Hindi niya inaasahan na nasa kamay ito ni Sebastian.“Ikaw… Bakit nasa iyo ‘yan?” nag-init ang pisngi ni Sabrina dahil sa hiya dahil nabuksan ng ibang tao ang isang bagay na pribado para sakanya.Masyado na siyang napahiya sa harapan ni Sebastian ngayong araw.Pinilit niyang halikan ito sa malawak na sikat nang araw.Hawak niya rin at winawagyway ang pregnancy test result sa harapan niya. Naramdaman ni Sabrina na gusto nalang niyang magpakain sa lupa dahil sa nakikita niya.Pero, malamig ang ekspresyon ng mukha ni Sebastian na naging dahil kung bakit gustong tumalon ng puso ni Sabrina.Natatakot siya kay Sebastian.Nakita ng dalawa niyang mata kung paano niya par
Read more
Kabanata 37
“Wala akong pakialam sa bata na dinadala mo! Dahil may lakas ka nang loob na pumunta rito, dapat mong harapin ang resulta nang ginawa mo. Kung hinihiling mo na sabihin sa lahat ng mga tao na buntis ka sa anak natin para matanggap ka rin ng pamilya ko, hindi mangyayari ‘yon!” tumalikod siya at umalis.Natakot si Sabrina at napaupo siya sa sahig, hindi matigil ang kanyang pag-iyak nang matagal.Bumalik lang siya sa ulirat noong may tumawag sa telepono niya.Luma na ang telepono niya, nasakanya na ito noong nasa kulungan pa siya. Sira na ang screen kaya naman hindi na kayang kumuha ito ng litrato. Kaya naman nanghiram siya ng camera para rito.Pero, hindi niya mahanap kung nasaan ang camera pero nalaman ni Sebastian na buntis siya.Sinagot ni Sabrina ang tawag, “Hello?”“Sabrina, nasaan ka? Sabi ko wag kang umalis. Narito na lahat ng katulong. Bakit ka nagtatago? Pumunta ka na rito. Narito na lahat ng panauhin, kailangan mo silang pagsilbihan ng mga pagkain.” Sabi ng head ng mga kat
Read more
Kabanata 38
Nanonood si Sebastian mula sa pangatlong palapag pero hindi na siya kumilos.Hawak niya ang isang baso ng wine, paikot-ikot siya sa lugar kung nasaan siya.Gayunpaman, bago pa matapakan ng babae ang kamay ni Sabrina, pinigilan na ito agad ng isang lalaki na nakasuot ng pormal na suot.Pinigilan ng lalaki ang babae, “Mindy, hindi ka nag-iingat! Bakit mo tatapakan ang kamay ng isang katulong sa bangketa ng pamilya Ford?”“Pinsan! Ang tanga kasi nya. Hinalikan niya sa publiko si Master Sebastian. Kung pumunta ba ako at kausapin si Sebastian pagkatapos ng insidente, hindi ba ako mapapahiya? Kasalanan ito lahat ng babaeng ‘yan!” pinadyak ni Mindy ang paa niya sa galit.Tumawa ang lalaki. “Si Master Sebastian ang humalik sakanya at nakita ‘yon ng dalawa kong mata. Anong saysay nang galit mo sakanya?”Sabi ni Mindy, “Pinsan!”“Nasa sakin na ‘yon, sa tingin ko ay dapat hindi ka na pumunta ngayon. Maraming babae ang desperada na maging Young Mistress ng pamilya Ford. Sa tingin mo mananalo ka?”
Read more
Kabanata 39
Natigilan si Marcus at nagulat dahil sa paghiram niya ng pera.Matapos ang ilang sandali, sabi niya lang, “Wala akong pera rito. Pwede mo bang ibigay sakin ang numero mo? Pagkatapos nito, bibigay ko ang pera sa’yo.”Tumango si Sabrina, “Sige, salamat.”Pagkatapos ay binigay niya ang numero niya sa isang stranger na nakilala niya lang ngayon.“Marcus!” isang lalaki ang tumawag kay Marcus.Lumingon si Marcus at naktia si Nigel.May hawak na baso ng wine si Marcus at pumunta kay Nigel, “Master Nigel, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?”Sinuntok nang bahagya ni Marcus si Nigel, “Master Shaw, ang bangketang ito ay hinanda ng Lolo ko para maghanap nang mapapangasawa ang pinsan ko. Lahat ng babae na dumalo ngayon ay galingsa South at Kidon City. Bakit hindi ka maghanap ng oportunidad para pumili para sa sarili mo?”Umiling si Marcus nang nakangiti.Ngumiti ulit si Nigel, “Ang pinsan mo na si Mindy, interesado rin siya kay Sebastian?”Huminga nang malalim si Marcus at ngumiti, “Simul
Read more
Kabanata 40
Walang sinabi si Sabrina.Sa sandaling makita niya si Nigel, alam na niya na mayaman ito na naghahanap nang kasiyahan. Naghahanap siya ng laro para ibaling ang atensyon niya dahil sa pagkabagot at kalungkutan.Hindi kayang makipaglaro ni Sabrina pero hindi niya rin naman kayang saktan si Nigel.Pilit siyang ngumiti kay Nigel at nagpatuloy na naglakad.“Sumakay ka na!” sabi ni Nigel habang nakapatong ang mga braso niya sa bintana. Tumawa siya at sinabing, “Hindi mo kailangang matakot. Hindi naman kita kakainin! Kung may masama akong balak sa’yo, wala akong lakas nang loob. Kung hindi, papatayin ako ng pinsan ko.”Tiningnan nang masama ni Sabrina si Nigel.Pinark ni Nigel ang kotse niya, lumabas siya at binuksan ang pinto. “Kapag naglakad ka sa madilim, baka may makita kang lalaki na mas malala pa kaysa sakin. Anong gagawin mo?”Nag-alinlangan si Sabrina sa sandaling ‘yon.Sumakay na siya sa kotse.Sinara ni Nigel ang pinto at mabilis na pinatakbo ang kotse. Nawala ang balanse n
Read more
PREV
123456
...
208
DMCA.com Protection Status