Lahat ng Kabanata ng Lover ko si Bespren: Kabanata 21 - Kabanata 30
174 Kabanata
Chapter Twenty One
NAIINTINDIHAN naman ni GB na kailangang bisitahin ni Chesca si Hannah, siyempre malapit din naman nitong kaibigan si Hannah. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa ni Chesca na isama ang pinsan nitong kinaiinisan niya. Kahit pa inamin na sa kanya ni Chesca na kinasangkapan lang nito ang pinsan nitong ayaw niyang tandaan ang pangalan, hindi pa rin niya mapalis ang inis na nararamdaman dito. Pakiramdam nga niya'y wala itong gagawin mabuti. Kahit pa sabihin sa kanyang mabait ito, hindi pa rin niya ito magawang pagkatiwalaan. Kung mayroong love at first sight. Hate at first sight ang naramdaman niya sa lalaking iyon. Sobra ang bigat na nararamdaman niya rito kaya kailangan niyang manatili sa tabi ni Hannah habang naririto ang lalaking ito. Hindi niya hahayaan na malapitan nito si Hannah, lalo ang mahawakan man lang.
Magbasa pa
Chapter Twenty Two 
HAPPY Birthday -- iyon ang mga katagang nasa streamer nang pumasok siya sa bahay ni GB. Nang una ay nagtaka pa siya kung bakit sa halip na sa kanyang compound ipinasok ni GB ang sasakyan nito tulad ng nakagawian ay sa loob ng bakuran nito ipinasok ang CR-V nito. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti nang maalala niya ang dahilan kaya ganoon ang ginagawa ni GB. Kapag daw kasi sa kanyang compound  niya nakapasok ang sasakyan nito, laging iisipin ng mga babaeng naghahabol dito na wala ito. Kahit hindi sa compound niya nakatira si GB ay mayroon itong sariling susi ng compound at bahay niya. Siyempre, dahil wala naman siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi ito. Isa pa, kapag may emergency ay madali itong makakasaklolo sa kanya. Tulad na lamang nu’ng nangyari sa kanya ng na-allergy siya sa beans. Kung hindi dumating si GB sa takdang oras ay bak
Magbasa pa
Chapter Twenty Three  
SEX is wonderful. Ito ang napagtanto ni Hannah sa isang buwang relasyon nila ni GB. Kung matatawag ngang relasyon ‘yung palagi nilang pagsisiping. Well, ang intensyon naman talaga nila ay magkaanak pero hindi pa rin sila nabibiyayaan. Kahapon kasi’y dumating ang monthly menstruation niya kaya hindi pa sila nakakabuo ni GB.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sobra kasi siyang naiinis ngayon. Hindi lang niya malaman kung dahil sa hindi pa siya nagkaka-baby o dahil sa ilang araw silang walang sex ni GB. Kalimitan kasi, five days tumatagal ang period niya. Ngunit, kahit na no sex sila ngayon ni GB, hindi pa rin niya maawat ang sarili na ‘mag-research’ kung paano mapapaligaya ang isang lalaki sa kama. Sa tingin naman niya ay nagawa na niya ang lahat ng posisyon kaya naman hindi na niya maiwasan ang makaramdam ng takot na b
Magbasa pa
Chapter Twenty Four  
Hindi ba ako magaling? Gusto sanang itanong ni Gray kay Hannah pero hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka 'hindi' ang sabihin nito sa kanya. Shit! Bakit kat mainit ang pagtugon ni Hannah kapag hinahalikan niya ito, mahigpit na ginagantihan ang kanyang yakap at umuungol ng ubod lakas kapag inaangkin niya ito'y parang nakakaramdam pa rin siya ng insecurity.Naisip niya kasing hindi naman maghahanap pa ng ibang 'sandata' si Hannah, kung kontento na ito sa kanya. Kahit naman ang lalaki'y nakikita lang sa video ay hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang emosyon. Ewan lang niya kung dahil nasaktan ang pride niya o nagseselos siya. Malamang pareho. Dati kasi'y walang ibang  ang nais ang mga babaeng nakakasalamuha niya kundi ang kanyang atensyon. A
Magbasa pa
Chapter Twenty Five 
PAKIRAMDAM ni Hannah kaya wala siya sa mood ay dahil hindi niya talaga alam kung anong iniisip ni GB sa kanya, kaya naman tamilmil siya sa pagkain kanina kahit na paborito niya ang ulam. Ano pa ba kundi tapsilog. Para kasing inoobserbahan ni GB ang kanyang mga kilos kaya kahit magana itong kumain ay nasa kanya pa rin ang tingin nito. Nabuking na ba ni GB ang damdamin niya? Masamang babae na ba ang tingin nito sa kanya dahil nakita siya nitong nanonood ng porn video? Kahit mag-bespren sila sa mahabang panahon, hindi niya alam kung ano ang sagot ngayon. Siguro, dahil nag-iba na ang level ng kanilang pagkakaibigan at hindi niya maiwasan ang masaktan.May pakiramdam siya na nagkamali siya ng desisyon na kay GB magpaanak. Paano kung hindi naman sila makabuo? Tapos makakita ng iba si GB? At paano kung tuluyan
Magbasa pa
Chapter Twenty Six 
DAHIL sa nais din naman ni Hanna na patunayan niya sa sarili na kaya naman niya talagang maging busy kaya naman pinili niyang mag-research na lang, Iyon nga lang dahil sa wala naman talagang ibang laman ang kanyang isip kundi si GB ito ang naging inspirasyon niya kung bakit kailangan niyang maging magsaliksik. How to be a perfect girlfriend?Nang basahin niya ang aricle na kanyang na-click ay hindi niya naiwasan ang mapatulala. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nagawa niyang itipa gayung ang lagi naman niya talagang nire-research kapag naiisip niya si GB ay kung paano ito mapapaligaya sa kama. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para hindi siya nito pagsawaan ngunit nang mga oras na iyon ay hindi niya iyon naisip. Bakit? Nagtatakang tanong niya sa sarili. 
Magbasa pa
Chapter Twenty Seven 
Buwisit! Inis na sabi ni Gray nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Kanina pa siya text nang text kay Hannah pero hindi ito sumasagot. Pakiramdam tuloy niya'y iniiwasan siya nito. Marahas na buntunghininga hininga lang ang pinawalan niya nang maisip niyang wala naman siyang masamang ginagawa para isnabin siya nito. Nagsalubong lang ang kilay niya nang maisip niyang may kinalaman ang pagkakahuli niya ritong nanonood ng porn. Napamura lang siya nang maisip niyang kaya hindi sinasagot ni Hannah ang kanyang tawag ay dahil abala na naman ito sa panonood ng porn. Wala tuloy sa loob na nahawakan niya ang kanyang cellphone at hinawakan iyon nang pagkahigpit-higpit. Sobra kasing nag-iinit ang kanyang ulo nang maisip niya ang posibilidad na iyon. Gusto niya ang 'sandata' lang niya makikita nito. Nang tumu
Magbasa pa
Chapter Twenty Eight 
PARANG gusto na maglupasay at humagulgol ni Hannah dahil kanina pa nakahanda ang hapag kainan pero wala pa ring GB na dumarating. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip niya. Baka  may ibang babae na itong natagpuan? Baka  may ka date ito ngayon? Malalim na buntinghininga ang pinawalan niya sa mga baka na kanyang naiisip. Baka kasi hindi na nakatiis si GB at bumalik na ito sa dating gawi. Sa pagiging playboy. Magiging napakasakit sa kanya kapag nangyari iyon pero wala naman siyang magagawa kundi tanggapin. Ngunit nais niyang tuparin ni GB ang pangako nitong hindi siya iiwanan hanggang hindi siya nabubuntis. Talaga kasing gusto niyang magkaanak rito. At hindi rin niya alam kung gugustuhin pa ba niyang magpaanak sa iba. Siyempre hindi na, naiinis niyang sabi sa sarili. Tanging si GB lang ang gug
Magbasa pa
Chapter Twenty Nine 
NAGPU-propose na ba si GB? Maang na tanong ni Hanna sa kanyang sarili. Talaga naman kasing nakabibigla na sabihin na lang na lang sa kanya ni GB na kailangan na nating magpakasal. Sa isang sandali tuloy ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya ni GB kaya ayaw na siya nitong pawalan pa. Alam kasi nitong mangyayari lang iyon kapag natali na sila sa isa’t isa. Ngunit, dahil nga alam naman niyang ang ‘relasyon’ hila ay hindi tulad ng karaniwang magkasintahan na talagang nagmamahalan. Alright, mahal nila ang isa’t isa pero nasa ibang level.  Ows? Hindi niya napigilang mapalunok ng kung ilang ulit. Para kasi siyang tinutukso ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. Tanong nito, talaga bang bespren pa rin ang tingin mo kay GB. Kung hindi kasi niya napigilan ang kanyang sarili’y talagang mapapasagot na s
Magbasa pa
Chapter Thirty 
MAANG na napatingin si Gray kay Hannah. Ang inaasahan niya kasi ay kokontra kapag sinabi niya ritong kailangan na nilang magpakasal. Ngunit, hindi ba ang dapat ay matuwa siya? Ang nais naman niya talaga kasi ay makasama niya sa habambuhay si Hannah. Sigurado naman kasi siyang wala na siyang ibang gugustuhin pang makasama sa buhay kundi ito. At wala man lang siyang pagtutol  na maramdaman buhat dito.  Ngunit,  ang pagtutol nga ba ang isyu as kanya o ‘yung wala man lang siyang nakitang ngiti sa mukha nito na para bang hindi kasiya-siya ang kanyang sinabi? Pakakasalan niya ito. Isusuko niya ang pagkabinata niya para rito tapos hindi man lang ito nasiyahan. Hindi tuloy niya napigilan ang makaramdam ng inis.  Hindi ba ito napopogian sa kanya? Hindi ba talaga siya yummy sa panin
Magbasa pa
PREV
123456
...
18
DMCA.com Protection Status