Lahat ng Kabanata ng Lover ko si Bespren: Kabanata 51 - Kabanata 60
174 Kabanata
Chapter Fifty One 
KAHIT na nakahiga na sila ni GB sa kama ay hindi pa rin nila magawang matulog. Nsnatili lang silang magkayakap, para bang ayaw na talaga nilang pawalan ang isa't isa. Siguro rin ay may takot at pag-aalala pa rin nilang nararamdaman. Ewan lang nila kung dahil sa kakaibang reaksyon kanina ni Silver na para bang may inggit na naramdaman nu'ng iwanan sila. Ayaw naman niyang isipin na dahil may gusto daw si Silver sa kanya. Alam naman kasi niyang mababaw lang ang damdamin nito sa kanya. Baka nga crush lang siya nito. Maaari rin namang dahil sa reaksyon sa kanya ng matandang babae na para bang may malaki siyang kasalanan dito. Pakiramdam kasi nito'y inagaw niya si GB kay Jean. Hah, paanong mangyayari iyon eh kasal siya kay GB? Saka, pagdating kay GB wala siyang ibang babaeng pagkakatiwalaan kundi ang kanyang sarili. Siyempre, hinding-hindi niya ito sasakt
Magbasa pa
Chapter Fifty Two 
NAPABUGA sa hangin si Gray nang dumating si Aling Ester at hanapin siya. Nang una ay inakala niyang hihingi lamang ito ng despensa sa nagawa nito kagabi, subalit, nagkamali siya. Ang nais nito ay tulungan niya itong mahanap si Jean. Wala namang problema kung magpapatulong itong hanapin ang kanyang kababata. Maging siya rin naman kasi ay nag-aalala ng hindi ito umuuwi. Siyempre iniisip din niya na baka may nangyari rito. Ang kinaiinis lang niya ay 'yung sinabi pa nitong siya ang dapat na maghanap sa anak nito dahil siya naman daw ang dahilan kaya hindi ito umuwi at kung may mangyari raw masama rito ay siya ang dapat na managot. “Siguro naman ay may konsensiya ka pa. Kailangan naman ay ayusin mong pananakit mo sa puso ng anak ko. Buong buhay ni Jean ay umasa siya pakakasalan mo siya tulad ng ipinangako mo nu’ng mga bata pa kayo…&rdq
Magbasa pa
Chapter Fifty Three 
"ANG tapang ng Misis ko," bulong sa kanya ni  GB. Malambing na malambing ang mga salita nito kaya hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Nasa boses din kasi nito ang paghanga. Mas humigpit tuloy ang yakap nito sa kanya.Sa tingin ni Hannah ay kakailanganin din nilang mag-testify kung anong oras umalis sa bahay ng mga Lee si Jean. Kaya bumaba na rin sila ni GB sa sasakyan. Nangangamba kasi siyang kapag hinayaan lang nila si Aling Ester na magsalita ay baka madiin lang si GB. Siyempre, hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Kaya siniguro nilang walang pagdidiin na sasabihin ang matandang babae sa mga pulis. Tiniyak din kasi niyang nakarating rito ang piping pagbabanta niya. Hindi naman niya talaga balak itong idemanda kahit na marami itong sinabi kay GB at sa kanya na rin, nauunawaan din naman niya ito. Ang mga salita nito ay bunga lang din ng em
Magbasa pa
Chapter Fifty Four 
KAHIT na gigil na gigil si Ester sa asawa ni Grayson Brian, kailangan na niyang manahimik. Natuklasan kasi siyang hindi ito ang tipo ng babae na mananahimik lamang at tatanggapin lang ang sinasabi ng nakatatanda. Dahil doon ay mas bumigat ang loob niya rito. Malayung-malayo talaga ito sa anak niyang si Jean. Isang sitsit pa lang niya kay Jean ay nagagawa na niya itong pasunurin. Alam na alam kasi nito kung paano siyang magalit kaya wala itong lakas ng loob na suwayin siya. Sa ngayon ay hindi niya alam kung magagawa pa niya itong masaktan kapag umuwi ito sa kanila. Sa sobrang pag-aalala niya kasi rito ay wala na siyang nais kundi ito’y makita, mayakap at mahalikan. Ngayon niya napagtanto na mahal na mahal niya ang kanyang anak at hindi niya ito makakayang mawala sa kanyang buhay. May mga pagkakataon kasing alam niyang sumisibra siya kapag nakik
Magbasa pa
Chapter Fifty Five 
"AKALA ko tulog ka na?" Nanunudyong sabi ni Gray. Obviously, alam nitong nagpapanggap lang siyang tulog kanina. "Naalimpungatan ako," sabi na lang niya. "Saka, ayokong matulog na hindi naglilinis ng katawan.""Good idea," wika ni GB na kumikislap na naman ang mga mata. Dahil sa alam na alam naman niya kung anong tumatakbo sa isipan ni GB, mabilis niyang hinubad ang kanyang damit. Wala na siyang itinira. Bakit ba naman nag-aalangan pa siyang maghubad sa harap nito kung nakita't naangkin na nga ni GB ang lahat-lahat sa kanya?"Sabay na tayong maligo," wika ni GB sabay hubad ng damit. Pati underwear nito'y tinanggal na rin. Kahit tuloy malakas ang buga ng aircon, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam, lalo pa
Magbasa pa
Chapter Fifty Six 
ARAW ng kasal nina GB at Hannah kaya naman  ang mga taga-Nueva Ecija ay nagsasaya partikular na ang mga taga-Alua. Sa baryong iyon kasi naninirahan ang mga Lee, kaya naman doon na ginanap ang pag-iisang dibdib nila ni GB. Ang gusto sana ni Lolo Luciano ay gawing engrande ang kanilang kasal pero dahil sa buntis na siya ay minadali na lang nito ang kasal nila ni GB. Wala namang problema sa kanilang mag-asawa kung engrande o hindi ang kanilang kasal, ang mahalaga sa kanila ay habambuhay silang magsasama. Ngunit, kahit na dalawang linggo lang halos ang preparasyon ay siniguro ng mga Lee lalo na ni Lolo Luciano na mas excited pa sa kanila ni GB, hindi lang dahil sa masasaksihan nito ang kasal ni GB kundi dahil sa parating nitong apo. Kaya naman panay ang bilin nito sa kanya at kay GB na mag-ingat. 
Magbasa pa
Chapter Fifty Seven 
MASAYANG- masaya ang lahat sa pagdiriwang ng pag-iisang dibdib. Nina Gray at Hannah, habang ang isang bahagi ng pagkatao niya ay nagdurusa kaya parang nilalamutak ang kanyang puso. Dapat sana ay sumigaw siya ng 'itigil ang kasal' pero kahit naman gawin niya iyon ay kasal na rin naman sina Hanna at Gray. Kaya't mag-aaksaya lang siya ng lakas na gawin iyon. Sigurado ring sa huli ay siya ang magiging kahiya-hiya. Siyempre, ayaw niyang mangyari iyon kaya pinili niyang magtimpi kahit selos na selos na siya. Ibinaba na lang niya ang hawak niyang baso dahil nangangamba siyang mabasag niya iyon. Mahigpit na mahigpit kasi ang hawak niya lalo na nu'ng patunugin pa ng nga bisita ang kanilang bago sa pamamagitan ng kutsara. Ang ibig sabihin nu'n ay humihiling ang mga bisita na maghalikan sina Gray at Hannah. 
Magbasa pa
Chapter Fifty Eight  
PARANG gustong lumubog ni Ester sa kanyang kinatatayuan nang ibaling sa kanya ng mga tao ang tingin. Hindi man nagsasalita ang mga ito, alam niyang marami sa mga ito ang naninisi sa kanya. Wala siyang kasalanan, gusto niyang sabihin sa mga ito pero alam niyang kahit maniwala ang mga ito sa kanyang sasabihin ay nasa puso pa rin niya ang guilt.  Ang nais lang naman kasi niya ay makaganti sa babaeng iyon na hanggang ngayon ay sinisisi pa niya kung bakit nawawala ang kanyang anak. Kung hindi nito minahal at pinakasalan si Grayson ay masaya sana ang anak niya ngayon at siyempre, ganoon din ang mararamdaman niya. Kapag kasi pinakasalan ni Grayson si Jean ay siguradong aangat na ang kanilang buhay. Hindi na niya kakailanganin pang magkandakuba sa pagtatanim at hindi na niya kakailanganin pang maglabada tuwing Sabado at Linggo. 
Magbasa pa
Chapter Fifty Nine 
DAHIL sa pakiramdam ni Ester ay mas makapangyarihan sa kanya ang salita ng babaeng iyon ay umuwi na siya matapos siyang kumain. Kung kanina ay interesado pa siyang malaman kung anong nangyari sa babae na iyon, ngayon ay may takot na siyang nararamdaman. Sa salita pa lang ng matandang iyon ay parang sinasabi na nitong may makapangyarihang tao na kakampi ang babaeng iyon. Hindi lang basta taong may mataas na katungkulan sa lipunan kundi may alam sa mahika negra. Parang gusto na kaninang mapugto ng kanyang hininga nu'ng sabihin ng matandang babae na iyon na, sa susunod na araw ay siya na ang kakainin ng uod. Sa ipinahayag nito ay nakaramdam siya ng kilabot. Para kasing sinasabi nito na mamamatay na siya. Hindi. Hindi maaaring mangyari iyon. Kailangan mun
Magbasa pa
Chapter Sixty 
Kahit na sinabi na ng doktor na maaari na siyang i-released, hindi pa rin magkandatuto ni GB sa pag-iingat sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya. Pakiramdam tuloy niya'y baldado siya kung tratuhin nito. Napabuntunghininga siya sa kaisipang iyon.Alam niyang hindi ganoon ang dapat. Iyang maramdaman. Dapat pa nga ay matuwa siya sa pag-aasikasong ibinibigay ni GB sa kanya. Ibig sabihin ay talagang mahal na mahal siya nito. "Kaya ko namang…" hindi na naituloy ni Hannah ang kanyang sasabihin ng bigla siya nitong buhatin papasok ng sasakyan. "Para namang paralisado na ko kung makaasikaso ka," natatawa niyang sabi kay GB ngunit ang totoo, hindi siya nasisiyahan. Pakiwari niya kasi'y mahinang nilalang na ang tingin nito sa kanya. Sa buong buhay n
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
18
DMCA.com Protection Status