Ang tanging nais lang naman ni Hannah Marie Montemayor ay magkaroon siya ng tagapagmana. Magbi-beinte otso na siya kaya gusto niyang magkaanak bago siya mag-treinta. Ang problema lang ay wala siyang boyfriend na bubuntis sa kanya dahil wala naman siyang interes sa lalaki. Kaya, naisipan niyang kausapin ang bestfriend niyang si GB o Grayson Brian Lee na mag-donate ng semilya sa kanya para sa IVF procedure. Ngunit, tumanggi si GB. At siya'y hindi papayag. By hook or by crook, makakakuha siya ng semilya ni GB.
Узнайте больше"ANAKAN mo ako, GB..." nagsusumamong sabi ni Hannah Marie Montemayor nang sagutin niya ang tanong ni Grayson Brian Lee, bestfriend niya, kung ano bang gusto niyang regalo sa nalalapit niyang kaarawan.
"Anakan....ka?" manghang bulalas nito.
Sunud-sunod ang kanyang pagtango at abot tenga rin ang kanyang ngiti. Ngayon pa lang kasi ay nai-imagine na niyang may karga siyang sanggol at may hinahabol na bata. Kapag nagkaroon na siya ng anak, sigurado siyang hindi na siya mag-iisa pa. May matatawag na talaga siyang akin.
"A-anong kalokohan ang sinasabi mo?" buong panggigilalas na tanong ni Gray pagkaraan ng ilang sandali. Ang boses nito ay parang kulog na dumagundong sa opisina nito. Talagang manghang-mangha ito sa kanyang sinabi kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mas tumingkad ang kulay ng mga mata nitong kulay abo. Ibig sabihin ay masyadong mataas ang emosyon nito. Ngunit, tiyak naman niyang hindi galit ang naaaninag niya sa boses nito kundi matinding pagkabigla.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Alam naman niyang nakabibigla ang kanyang sinabi pero hindi niya ito pinagsisihan ang kanyang sinabi. Iyon naman kasi ang gusto niyang mangyari-- ang magkaanak bago tumuntong ng treinta. At dahil nga siyam na buwan dinadala ng ina sa sinapupunan ang kanyang anak, kailangan din niyang magbigay ng allowance lalo pa't sabi ng kaibigan niyang si Chesca na tatlong beses ng umiri, mahihirapan na siyang magkaanak kapag tumuntong na siya sa line of 3.
"Hindi kalokohan ang pagkakaroon ng anak. Bestfriend kita kaya alam na alam mong 'yan ang gusto ko, ang magkaroon ng tagapagmana." Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan.
"Iyon na nga, bestfriend mo ako. Kaya, bakit ka sa akin hihiling ng anak?"
"Dahil wala akong boyfriend," simpleng sagot niya. "At wala naman akong planong magkaroon dahil ang mga lalaki, sakit lang sa ulo," aniyang pinakadiinan pa ang bawat kataga.
"Sa palagay mo hindi sasakit ang ulo mo kapag nagkaanak ka ng walang asawa?" wika nito sabay hagis sa hawak na folder sa ibabaw ng mesa. Wari'y doon gustong ilabas ang inis na nararamdaman sa kanya. Ang katuwaang naramdaman nito nang pumasok siya sa private office nito'y parang alikabok na napalis dahil sa kanyang sinabi pero hindi dahilan iyon para mabago ang kanyang inisip.
Siya kasi ang klase ng tao na hindi nagbabago ng desisyon, sukdulang marami ang kumontra sa kanya.
Eh, sino naman ang kokontra sa kanya kung mag-isa na lang siya sa buhay? Ah, ang bestfriend niya mismo. Kahit naman tinanong sa kanya ni GB kung ano ang gusto niyang regalo, hindi nangangahulugan na ibibigay nito ang kanyang hiling.
"Stupid!"
"Ako pa talaga ang stupid?" sarkastikong tanong nitong nagngangalit ang bagang.
Kung makikita lamang ngayon ng mga tauhan si Gray, siguradong makakaramdam ng takot ang mga ito. Madilim na madilim kasi ang mukha nito ngunit hindi dahilan iyon para mabawasan ang kaguwapuhan nito. In fact, mas lumalakas pa nga ang dating nito kapag lumalabas ang bad boy aura nito. Kahit kasi maamo ang mukha nito na kinapapalooban ng mapupulang labi, matangos na ilong, makakapal na kilay, ang mga mata nitong hugis espada ay parang nagiging punyal kapag tumitingin.
Ang badboy aura nito ang mas matinding rason kung bakit maraming babae ang gustung-gustong makasilo rito. Ayon sa mga babaeng nakikipaglapit sa kanya na umaasang magagamit siya para masilo si GB, protektadung-protektado raw ang pakiramdam ng mga ito kapag si Grayson ang kasama.Totoo naman iyon dahil ganoon din ang pakiramdam niya kapag nasa malapit lang ang kanyang matalik na kaibigan. Alam niyang walang sinuman ang maaaring makapanakit sa kanya.
"Kaya nga kasi ikaw ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko dahil alam kong hindi mo ako pababayaan. Na magiging responsable kang ama sa magiging anak natin," wika niyang biglang natigilan. Ang layunin kasi niya kaya niya ibinulalas ang mga salitang iyon ay bolahin ito para makumbinse pero parang may kakaiba siyang naramdaman sa mga salitang magiging responsable kang ama sa magiging anak natin. "Saka, hindi mo naman kailangang sustentuhan ang magiging anak natin dahil makakaya ko naman siyang buhayin. Kaya, nga gusto kong magkaroon ng anak para magkaroon ako ng tagapagmana. Ayoko naman kasing kapag na-deds ako ay kung kani-kanino lang mapupunta ang aking kayamanan."
Hindi rin niya naiwasang mapasimangot nang maisip niyang bukod sa mga magulang niya, ang mga kapatid niya sa mga ito ang pinakamalapit niyang kamag-anak. Ibig sabihin, ang mga ito ang makikinabang kapag bigla siyang nawala sa mundong ito. Hah, hindi niya iyon mapapayagan.
Kahit hindi kasalanan ng mga kapatid niyang iniwanan siya ng kanyang mga magulang para sundin ang tinitibok ng puso, pinili niyang huwag makipaglapit sa mga ito kahit na panay ang add ng mga ito sa kanyang social media site. Tatlo ang kapatid niya sa ama na puro babae at dalawa naman sa kanyang ina na parehong lalaki. Maiinggit lang kasi siya sa mga ito na punung-puno ng pagmamahal buhat sa mga magulang.
Madatung ka naman, mayabang niya sabi sa sarili.
Mag-bestfriend ang kanyang Lola Juana, ina ng Papa niyang si Manolo, at Lola Salome, ina ng kanyang Mama, kaya't pinangarap ng mga itong maging isang pamilya sila. at nangyari naman. But unfortunately, nagpalitan sila ng I do ang kanyang mga magulang dahil sinunod ng nanay at tatay niya ang utos ng kanyang mga lola kahit hindi naman nagmamahalan ang mga ito.
Makalipas lang ang limang taong pagsasama ay tuluyan ng naghiwalay ang kanyang mga magulang at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya. Siya'y naiwan sa kanyang mga lola. At dahil sa gusto ng mga itong makabawi sa kanya, ang lahat ng kayamanan ng mga ito'y ibinigay sa kanya. Mayroon na siyang sampung bahay at lupa na pinauupahan niya, bukod pa sa kanyang tinitirhan tapos mayroon pa siyang 15 milyon sa banko na ibinigay sa kanya ng kanyang mga lola nang pumanaw ang mga ito. Ewan nga lang niya kung bukal sa loob ng mga ito ng sabihin ng mga ito na para sa mga ito'y siya lang ang apo o para lang panindigan ng mga ito ang paninikis sa mga anak na ginusto pang mawalan ng mana kaysa magtiyaga sa piling ng isa't isa. Kaya, pati siya, kinalimutan na rin ng mga ito.
Ni hindi nga maalala ng mga itong batiin siya kapag kaarawan niya. Naisip niya tuloy na hindi naman talaga gusto ng mga itong isilang siya sa mundo.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan," mariing sabi nito sa kanya na punung-puno ng pag-aalala ang boses. Pagkaraan ng ilang sandali ay pinakatitigan siya nito. "May hindi ka ba sinasabi sa akin? May sakit ka ba? Bakit ganyan ka magsalita?"
Sa panic na naaaninag niya sa boses ni Gray, parang gusto niyang maiyak. Damang-dama niya ang concern nito sa kanya.
"Huwag ka ngang OA!" natatawang sabi niya rito sabay iwas ng tingin. Mula kasi sa swivel chair na inuupuan nito'y mabilis itong lumipat sa katapat ng inuupuan niyang visitor chair tapos hinawakan pa nito ang kanyang kamay kaya naman agad niya iyong pinalis. Pakiramdam niya kasi'y may kuryenteng biglang dumaloy doon at nang salubungin niya ang tingin nito'y parang kumabog ang kanyang dibdib.
Shucks, hindi pwede!
Ibig niyang makaiwas sa presensiya at titig ni Gray kaya naman bigla siyang lumayo rito at lumapit sa portrait na nakasabit sa kaliwang bahagi ng opisina nito. "Ang cute natin dito, ano?"
Caricature ang naisipan niyang iregalo dito nu'ng 25th birthday ni Gray. At masarap sa pakiramdam na pinahahalagahan nito ang ibinibigay niya at ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa nu'ng kindergarten sila.
Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Gray. Sa lalim nu'n, alam niyang napipikon ito sa hindi niya pagsagot sa tanong nito kaya't humarap na siya rito at humalukipkip. "Wala akong sakit kaya huwag kang kabahan. Hindi ako mamamatay basta hindi ako maaaksidente o papatayin."
"Shut up!"
Oh, parang gusto niyang maiyak nang mga sandaling iyon. Hindi dahil sa pagsigaw nito sa kanya kundi dahil sa tuwang naramdaman niya sa reaksyong ipinakita nito. Dama niya kasing kahit papaano'y may isang nagpapahalaga sa kanya, ang kanyang best friend.
Her best friend.
Alam niyang kahit na matalik na magkaibigan sila ni Gray ay hindi panghabambuhay ang pagkakalapit nila. Kahit playboy ito'y tiyak niyang gugustuhin din ni Gray na lumagay sa tahimik. Isang araw ay makakatagpo ito ng babaeng mamahalin at siya'y maiiwan din. At iyon ang nagpapasakit sa kanyang kalooban. Ang maiwan nang paulit-ulit.
Mula sa kanyang mga magulang na nagkaroon ng sari-sariling pamilya hanggang sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga lola.
"So, puwede ka bang maging tatay ng anak ko?"
"No," mariing wika ni Gray.
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi para di maiyak. Para kasing ipinamukha ni Gray sa kanya na hindi siya pasado sa standard nito gayung kung tutuusin ay walang binatbat sa kanyang ganda at kaseksihan ang mga babae nito. Iyon nga lang, nalalamangan siya ng mga iyon sa porma. Sa halip kasing red dress at high heels ang isuot niya ay mas gusto niyang maong, maluwag na tshirt at rubber shoes.
"Why?"
"Tinanong mo pa talaga."
Mapait siyang ngumiti. "Oo nga naman. Wala akong kadating-dating kung ihahambing mo sa mga 'kalaro' mo," sarkastiko niyang sabi.
Sa halip na girlfriend, 'kalaro' ang term nitong ginagamit sa mga babaeng nauugnay dito. Wala naman daw kasing emosyong kasama kapag nakikipagrelasyon ito, puro lang physical needs nito ang laging binubusog.
"Hannah naman kasi..."
"Hindi naman ako bubukaka sa'yo, 'no!" mataray niyang abi rito. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan dahil sa pagtanggi nito at sa tinging ibinibigay nito sa kanya na para bang nandidiri habang ini-imagine na kasama siya sa ibabaw ng kama. "Semilya mo lang naman ang kailangan ko. May IVF procedure naman. Anyway, nagbago na ang isip ko. Hindi na ako magpapabuntis...sa'yo."
"Good," wika nito saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Napakabigat ng pakiramdam niya ng mga sandaling iyon kaya naman pilit na pilit ang pagngiti niya ng muli siyang nagsalita. "Sa iba na lang ako magpapaanak."
"What?"
Sa halip na ulitin niya ang sinabi, "Got to go," ang kanyang ibinulalas sabay alis.
"BULLSHIT!" Hindi napigilang ibulalas ni Gray sa gitna ng meeting. Bigla kasing sumingit sa isipan niya ang sinabi ni Hannah. Sa iba na lang ako magpapabuntis. Kasabay noon, parang tuksong pumasok sa kanyang isipan na may kasamang lalaki si Hannah -- kayakap, kahalikan at kalampungan.
Muli'y napamura siya. Hindi niya akalain na rerehistro ang mga iyon sa kanyang isipan habang nakatitig sa pinsan niyang si Silver Madrigal habang bumubuka ang bibig nito at sinasabi kung anong klaseng bahay ang gusto nito.
"Ano bang problema mo?" natatawang tanong nito. Kahit naman kliyente niya ngayon si Silver, hindi pa rin mababago ang katotohanang magpinsan sila kaya't kahit gusto niyang itikom ang kanyang bibig, alam nitong may problema siyang dinadala at sa palagay niya'y wala siyang ibang mapaghihingahan ng kanyang pagka-badtrip kundi ito lang. Siyempre, hindi niya iyon masasabi sa bestfriend niya dahil si Hannah nga ang kanyang pinuproblema.
"Damn!" bulalas na naman niya dahil hindi talaga mawala sa isip niya ang mga eksenang iyon.
Para tuloy gusto niyang magsisi na hindi niya sinundan si Hannah, nang umalis ito sa kanyang opisina. Talaga kasing hindi niya gusto na nagagalit o nagtatampo sa kanya kaya nga hangga't maaari ay lahat ng hilingin nito sa kanya ay ibinibigay niya. Gusto kasi niyang maramdaman nito na may taong labis na nagpapahalaga rito.
"Babae, ano?"
Umiling siya. "My bestfriend."
"Hannah Marie Montemayor, right?" tiyak nitong tanong.
"Wala ng iba."
Tumawa ito. "Eh, di tama ako. Babae nga ang problema mo."
"She's not my girl," mariin niyang sabi. Ewan nga lang niya kung bakit parang ibig niyang manghinayang na hindi isa si Hannah sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
"But still, she's beautiful and hot."
Awtomatikong kumuyom ang kanyang kamao sa paglalarawang iyon ng kanyang pinsan. Sa ilang sandali ay parang gusto niya itong gawing punching bag. Tiyak niya kasing may kung anong kaberdehang naglalaro sa isip. Tiyak niya iyon dahil magpinsan sila kaya't para siyang laptop na nasasagap ang wifi connection nito. Naniningkit tuloy ang mga mata niya ng sabihin niyang, "Huwag mong pagnasaan ang bestfriend ko baka kung anong magawa ko sa'yo."
"I can't help it!"
"Tang ina."
Ang lakas nang tawa ni Silver.
"Shut up!" napipikong sabi niya.
Hindi man siya nakaharap ngayon sa salamin para makita ang reaksyon niya'y alam niyang ang pula-pula ngayon ng kanyang mukha. Dama niya kasing ang init-init ng kanyang mukha't buong katawan.
"So, kayo na?"
"No," mariin niyang sabi.
"Kung hindi pa kayo, pwede ko pa siyang ligawan." Nakangising sabi ni Silver.
Kahit alam niyang pinagtitripan lang siya ni Silver, hindi niya napigilang magbulalas ng 'fuck you'.
Muli, tumawa ito.
"Shut up!? Singhal niya.
"Bakit, sa tagal ba ng pagiging mag-bestfriend ninyo'y ay hindi mo na nakikita si Hannah bilang babae?"
"Mas astig pa ngang kumilos iyon sa akin," wika niya bilnag pagsang-ayon sa sinabi nito.
"May mga mata ka kaya huwag kang maging bulag. Napakaganda at napaka-sexy ng bestfriend mo. Partida pang hindi siya palaayos."
""Hindi niya kailangang pumorma dahil nagtatrabaho siyang Administrative Assistant sa outsourcing site kaya sa bahay lang siya lagi," paalala niya rito.
"So, anong problema ninyo ng bestfriend mo? Sorry kung lumabas ang pagiging tsismoso ko ngayon pinsan. Talaga kasing na-curious na ako sa lalo na't tingin ko sa'yo ngayon ay parang lumilipad ang isip. Ilang beses na tayong nagkaroon ng project pero ngayon lang kita nakitang parang nawala sa sarili."
"Kahit naman siguro ikaw ay mawawala sa sarili kapag ni-request sa'yo ito ni Hannah."
"Anong request ni Hannah?
"Anakan ko raw siya," Wala sa loob niyang sabi. Huli na nang ma-realize niyang hindi niya dapat sinabi iyon.
"Fuck!"
"Amputcha talaga, o!" naiinis niyang sabi dahil talagang nag-init ang kanyang pakiramdam dahil naapektuhan na naman siya nang rumehistro ulit sa isipan niya ang sinabi ni Hannah, Anakan mo ako, GB.
"Hindi ka pumayag?"
"Bakit ako papayag?" inis niyang tanong sa pinsan pero parang gusto niyang manghinayang.
Manghinayang?
Hindi sinagot ni Silver ang tanong niya. Sa halip, pinakatitigan lang siya nito.
"Staring is rude," inis niyang sabi kay Silver tapos siya rin ang napangiwi nang maisip niya ang kanyang sinabi. Applicable lang naman ang mga salitang iyon kapag nakatitig ka sa isang estranghero lalo na kung may kahalo iyong pagnanasa ngunit hindi naman estranghero ang kanyang kaharap at lalong wala itong pagnanasa sa kanya. Talaga lang naiilang siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya na para bang binabasa kung ano bang nararamdaman niya.
Napamura na naman siya ng bigla itong humalakhak.
Naningkit ang mga mata niya nang pakatitigan ito. Iyon nga lang, hindi nito pansin ang matatalim at nagbabaga niyang tingin. Damn, parang gusto na niyang mag-walkout sa sarili niyang opisina dahil halos gumulong na ito sa katatawa. Para tuloy gusto niyang magsisi na itinuloy pa niya ang pakikipag-meeting dito, sa halip sundan si Hannah. Hindi rin naman siya nakapag-concentrate sa dapat nilang pag-usapan.
"Silvester!" Siya naman ang napangisi nang bigla itong huminto sa pagtawa saka sumimangot. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag sa buong pangalan.
"So, talagang paninindigan mo ang pagiging mag-bestfriend ninyo ni Hannah kaya hindi mo pagbibigyan ang 'hiling' niya. Kahit alam ko namang gustung-gusto mo."
"What?"
He laughed. Hindi nga lang tulad kanina ang tawa nito ngayon. Punung-puno na kasi iyon ng sarcasm. "You can deny it to me. But, not to yourself. Tumanggi ka, hindi dahil sa ayaw mo kundi dahil sa pride. Ang sakit naman kasi talaga kapag nanghihingi lang sa'yo ng semilya ang babaeng mahal na mahal mo samantalang pila-pila ang mga babaeng tinatanggihan mong maka-one night stand man lang."
"Bar tayo," aya niya rito sa halip umamin.
Hell, wala akong dapat aminin! Inis niyang sabi sa sarili.
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии