All Chapters of His Suffered Wife: Chapter 111 - Chapter 120
145 Chapters
Chapter 102.7
“Ano ang pag-uusapan natin, Ethan?” Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon, kitang-kita ko ang nagniningningang mga bituin sa langit at ang liwanag ng buwan. Napakaganda nito. “Uhmm…” Napalingon ako sa kaniya, halata sa kaniya ang kaba at di rin ito mapakali. I don’t know what’s wrong with him, kanina pa siya ganiyan. “Anong problema?” tanong ko sa kaniya. “Wala naman, I’m sorry…” Tinitigan lang niya ako kaya nakaramdam ako ng ilang. “May sasabihin ka ba talaga? Kung wala ay babalik na ako, Ethan. Baka hanapin tayo ng mga kaibigan natin,” saad ko sa kaniya. Napahinga siya ng malalim na para bang humuhugot ito ng lakas sa pamamagitan no’n. “Ang laki na ng pinagbago, Dahlia…” Napataas ako ng kilay sa kaniya at napailing. “Ako pa rin naman ito, Ethan. Ano ka ba?” natatawang saad ko sa kaniya ngunit tiningnan niya lang ako ng seryoso. “Alam ko, ikaw pa rin ang Dahlia-ng kaibigan ko noon, pero ang laki na ng pinagbago
Read more
Chapter 102.8
Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon, kasama ko ang kambal, si Mary, John at Tristan. Nag-re-request kasi itong mga chikiniting ko na mamasyal kami sa mall dahil na-bo-bored na raw sila sa mansion. Kay laki ng mansion ko tapos mabuburyo lang sila. May entertainment room, at theater room. Kompleto na roon sa mansion, talagang pinagawa ko iyan dahil mahilig sa laro si Matthew at si Mathilda naman mahilig manuod ng History and Discovery. Mukhang nagsawa na siguro roon kaya napagpasiyahan sigurong pumunta sa mall.“Dito lang kayo kay Tita Mary niyo ah, mommy will go to the C.R. muna,” saad ko sa aking kambal.“Yes, mommy! Behave lang kami rito,” sagot ni Matthew sa akin. Napatingin ako sa aking anak na babae. Siya kasi ang makulit dito, hindi mapalagay sa isang lugar.“Yes po, mommy. I’ll behave as well.”“Good, Mary ikaw na muna ang bahala sa kanila,” saad ko at mabilis na pumunta sa rest room. Nasa rest r
Read more
Chapter 102.9
"Mommy..."Napalingon ako sa aking likuran, kita kong gising na pala ang aking anak na si Mathilda. Kasalukuyan kong inaasikaso ang mga papers ko sa office habang nakabantay sa kanila."Yes baby? Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling lamang ako ito sa akin."Mommy, can I ask you something?" Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi."Ano iyon, baby?"Nakayuko lamang ito sa akin at parang walang balak akong harapin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil doon. "Ano iyon, anak?" tanong ko ulit. Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito. Kita kong naiiyak na ito at patulo na ang kaniyang luha. Napakagat ako ng labi. "What's wrong? Sabihin mo kay mommy. Do you have a nightmare, again?" tanong ko sa kaniya. Umiling lamang ito sa akin. "Do we have a father, mommy? Kita ko po sa picture ang papa namin at kamukha po iyon ng mister sa mall," wika niya.Pagkagulat ang rumehistro sa aking mukha. Nanginig ang ak
Read more
Chapter 102.10
Naghanda ng pa-welcome party si Ms. Strella sa amin. Nagulat nga ako dahil nag-abala pa siyang gumawa ng party, naisingit pa nito ito sa schedule niya kahit sobrang busy na namin.“You don’t need to worry, Ms. Sofia. Balak ko rin talaga magpa-welcome party sa inyong dalawa ni Ms. Lilac. Kayo ang main guest dito sa kompaniya dapat lang na gawin naming sa inyo ito. Nakakahiya naman kung wala,” saad ni Ms. Strella. We’re currently in her office, pinatawag niya kasi kami ni Lilac para sabihin na may party daw mamayang alas syete ng gabi para sa amin.“You don’t need to be plastic, Sofia. Alam ko namang gusto mo itong party eh, isa pa napaka-unprofessional din naman nila kung hindi nila tayo winelcome, remember isa tayo sa sikat na fashion designer sa mundo. They are really lucky,” mayabang na saad ni Aira sa akin na ikinangiwi ko.Seriously? In front of Ms. Strella talaga?“Tumahimik ka na lang Lilac kung wala k
Read more
Chapter 102.11
Marami ang mga taong nagsisipasukan sa venue ng party. Kararating lang namin at kasalukuyan kaming nasa loob ng aking kotse. “Mommy, can we go now?” tanong ni Mathilda sa akin. “Papasukin muna natin ang mga tao sa loob anak, mamaya na tayo pumasok,” saad ko sa kaniya. “Mommy, marami bang mga foods at children doon sa party?” tanong pa niya sa akin. Si Matthew ang busy sa kaniyang tablet at naglalaro ng Roblox. “Maraming foods doon anak hindi ko lang alam kung may mga bata roon,” ngiti kong saad sa kaniya. “Matthew, kanina ka pa diyan sa tablet mong ‘yan baka masira na mga mata mo niyan ah,” sambit ko sa aking anak na lalaki. “Sorry po, mommy,” saad nito at agad na pinatay an
Read more
Chapter 102.12
Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kambal ang rason kung bakit ako nagkaganoon. Hindi ko rin gustong mag-panic dahil hindi ko inaasahang nakita ko si Travis at Emery rito sa party. I should act tough dapat pero hindi ko alam kung bakit nanghina at natakot ako. “Okay ka lang ba, Sofia?” tanong ni Tristan sa akin. Kasalukuyan kaming nakaupo sa table namin. Hindi ko alam kung nasaan na sina Travis ngunit wala na akong pakialam sa kanila. Aalis na sana ako kanina para sundan ang kambal ngunit kinorner naman agad ako ni Ms. Strella. Ilang minuto na lamang daw ay i-me-mention na ang special guest which is kami ni Lilac. “Sobrang nasaktan ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin bigla na lamang akong nag-panic na baka kunin niya ang kambal,” problemadong saad ko sa kaniya. 
Read more
Chapter 103.1
Travis POVNapasuntok ako sa manibela dahil sa frustrations. Nang mag-walkout sa aking harapan si Dahlia ay mabilis ko siyang sinundan ngunit nakita ko na lamang na hinila siya ng isang lalaking hindi ko kilala. Boyfriend niya ba ito? Sino kaya iyong lalaking iyon. Pansin kong sobrang close nila sa isa’t-isa. Mali sigurong pinakawalan ko siya noon. Napapikit ako ng mariin, naalala ko ang tagpo kanina. Iyong mga batang iyon, nakita ko sila sa mall dati. Kaya pala nang makita ko silang dalawa na magkahawak-kamay at umiiyak para bang may pumihit sa aking enerhiya na lapitan sila. Nang makita ko ang batang lalaki nakikita ko ang sarili ko noong kabataan ko at ang batang babae naman ay si Dahlia lalo na ang kaniyang mga matang kulay hazelnut. 
Read more
Chapter 103.2
Dahlia’s POV Nang makauwi ako sa mansion ay agad akong pumasok sa kwarto ng kambal ngunit nabigo akong kausapin sila dahil  tulog na tulog na ang mga ito. Napabuntong hininga ako dahil doon. Dahan-dahan ang aking paglakad papalit sa kanila para hindi sila magising pa. Nang makalapit ako ay agad akong umupo sa tabi nila. Napangiti ako dahil mahimbing na mahimbing ang kanilang pagtulog, humihilikpa nga si Matthew. Hinalikan ko sila sa kanilang noo ng marahan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kanila ang lahat, iyong hindi sila masasaktan. Kaya ko bang sabihin sa kanila ang totoo o magsisinungaling na naman. Ayaw kong masaktan ulit sila dahil hindi ko sa kanila sinabi ang lahat pero may mga bagay nga talagang hindi dapat sa kanilang talakayin pa. They were so young and innocen
Read more
Chapter 103.3
Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap ang party. Back to normal na rin kaming mag-iina. Napangiti ako nang maalalang nag-absent pa ako noon dahil gusto ng kambal na pumunta sa Echanted Kingdom para raw makapag-bonding kami. Hindi namin sinama si Mary dahil may date sila ni John, tanging kami lang ng kambal ang namasyal. Kung tatanungin kung nasaan si Prince Tristan, umuwi muna ito sa Spain dahil may emergency raw sa palasyo nila. Hindi ko na inalam dahil nagmamadali rin itong nagpaalam sa akin. Nakakalungkot nga dahil hindi man lang siya nakasama sa pamamasyal sa E.K. plano pa naman namin ito noong nasa Spain pa lang kami pero may next time pa namin siguro pagbalik na lamang niya, babalik ulit kami sa Enchanted Kingdom.Kasalukuyan akong nasa office at nagtitipa sa aking laptop. Marami pa kasi akong dapat trabahuin at i-review. I have different brands around the world at kailangan kong review-hi
Read more
Chapter 103.4
Tuluyan na ngang na-terminate si Lilac dahil sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko alam na marami pa pala siyang masamang ginawa rito sa kompaniya. She even made the employees here a slave kagaya ng ginawa niya sa akin noon. Hindi na nga talaga ito magbabago, napailing ako sa aking sarili. I am here at my office pinaghahandaan ang pagpunta ko sa kompaniya ng mga Monte Cristo. I have meeting there with Travis at na-e-excite na ako na makita ang kaawa-awa niyang mukha. Yes, he is the father of my twins pero it doesn’t mean na magiging okay kaming dalawa. I am civil kapag nariyan ang kambal ngunit kapag kaming dalawa na lang ibang usapan na iyon. Napalingon ako sa telepono kong tumutunog, it was John kaya agad ko itong sinagot. “Narito na ako sa kompaniya ng mga Monte Cristo, I already talk to
Read more
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status