Lahat ng Kabanata ng His Suffered Wife: Kabanata 131 - Kabanata 140
145 Kabanata
Chapter 106.1
Matapos palang na-admit si Emery sa hospital  ay iyon naman ang pagkahuli kay Lilac. Mabuti naman ay nakulong na siya, hindi ko alam kung paano nahuli ito ng mga pulis ngunit sabi nila ay may nakapag-report daw na tao sa kotse na iyon. Sikat na rin siya sa buong mundo at pansin ko na maraming nagsisilabasang basher niya. Serves her right. Wala akong balak na bisitahin siya sa kulungan para ano pa? Eh hindi ko naman siya ka-close, bahala siyang mabulok sa kulongan, wala akong pakialam. “Saan ka pupunta, Sofia?” tanong ni Mary sa akin. “Pupunta ako sa hospital, bibisitahin ko ang papa at mama ni Travis,” saad ko sa kaniya. “Mukhang nagiging close na kayo ni Travis ah. I mean, not totally close but civil, paano na si Prinsipe Tristan niyan?” tuksong tanong niya
Magbasa pa
Chapter 106.2
Masaya ako dahil nagising na si Tita Carmela. Ilang taon din kasi siyang nakaratay mula sa pagkakahulog niya sa hagdan. Sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Masakit dahil hindi man lang ako pinaniwalaan ni Travis noon ngunit wala na iyon sa akin. Kung tutuusin kasi sobra-sobra na ang karmang nangyayari sa kaniya. Bahala na rin ang Diyos na gumawa ng paraan sa lahat ng mga kasalanan niya. Masaya na rin ako sa aking mga tsikiting ngayon, sila ang kayamanan ko. “Ms. Sofia, may bisita po kayo,” saad ng aking sekretarya sa intercom. “Sino raw?” tanong ko. “Emery raw po…” Wala man lang akong naramdaman nang marinig ko ang kaniyang pangalan. 
Magbasa pa
Chapter 106.3
“Sofia! May bisita ka!” sigaw ni Mary. Narito ako sa aking kwarto, sa aking working space tinitingnan ang email at statistics ng aking fashion house all over the world. Napahilamos ako na mukha dahil mayroon na namang isturbong bumulabog sa akin. Kanina ang kambal, pinatulog ko na nga muna ito dahil hindi ako matatapos kung walang humpay ang pangungulit nila sa akin. Simula noong pag-uusap namin ni Emery ay wala na akong balita sa kaniya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko sa kaniya ngunit mayroong gap pa rin sa akin. Mahirap magtiwala lalo na’t nagawa niya akong saktan ng paulit-ulit. I already forgave her pero hindi ko pa rin masasabing maibabalik ulit ang friendship namin. Nadala na rin kasi ako ilang beses ko na siyang pinatawad ngunit sinaktan pa rin niya ako. Iyong sa amin na
Magbasa pa
Chapter 106.4
Ilang araw na ang nakalipas nang pumunta sa mansion si Ethan. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil naiintindihan niya ako. Natanggap niya na hindi ko kayang suklian ang kaniyang nararamdaman. Hindi na siya nag-atubiling magtanong kung may nagpapatibok na ng puso ko bastang sinabi niya lang na ayos na. Alam kong ginagawa niya lang iyon para hindi na ako mamroblema. Alam ko at halatang-halata naman sa kaniyang mga mata na nasasaktan siya. “Balita ko pumunta rito si Ethan at binasted mo raw?” tanong ni John sa akin. Napalingon ako sa kaniya, kasalukuyan akong nagtitipa ng aking laptop. “Oo, bakit?” “Wala lang naman, I wonder kung bakit mo siya binasted? Okay naman siya ah,” saad niya sa akin na ikinailing ko. “Hindi kami puwede dahil kapatid lang ang turing ko sa kaniya,” sagot ko sa kaniya. “Hm. How about Prince Tristan, Princess Sofia? Are you in love with
Magbasa pa
Chapter 106.5
BUO na ang desisyon ko, kailangan kong pumunta sa Spain, hindi rin naman ako mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag si Tristan sa akin. Nakapag-book na ako ng flight papuntang Spain at mamayang gabi na ang aking byahe. “Kailangan mo ba talagang pumunta roon, Princess Sofia?” tanong sa akin ni Mary. “Yes, I have to. Hindi kasi ako mapakali, hindi niyo naman sinasabi sa akin kung ano ang problema kaya pupunta ako roon para alamin ang lahat at walang makakapagpigil sa akin,” saad ko sa kaniya. “We know pero alam ba ito ng kambal?” tanong niya. Tumango ako sa kaniya, bago pa man ako nagdesisyon ay sinabihan ko na ang kambal at sasama rin sila sa akin. “Sasama sila sa akin Mary, okay lang naman na rito ka muna sa Pilipinas since narito naman si John, kaya ko na ang kambal. Babalik din naman kami,” seryosong sambit ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napailing. 
Magbasa pa
Chapter 106.6
Kanina pa naghihintay sa baba si Travis at ang kambal sa akin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili, ang totoo niyan kanina pa ako nakatitig sa salamin. Iniisip kung kailangan ko pa bang isama si Travis baka mas lalala lang ang lahat. Ayaw kong bigyan ng malisya ang pagsama ni Travis sa akin. Baka isipin ni Tristan na nagkakamabutihan na kami. Huminga ako ng malalim at muling tinitigan ang sarili sa salami. Bahala na nga! Agad akong lumabas sa aking kwarto dala-dala ang aking maleta. Isang maleta ang aking dala dahil ilang araw lang naman kami sa Spain.“MOMMY!” excited na sigaw ni Mathilda sa akin. “Mommy? Why took you so long?” nakabusangot nman na saad ni Matthew. Napangiti naman si Travis sa sinabi reaksiyon ng aking a
Magbasa pa
Chapter 106.7
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan. “Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.” Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a
Magbasa pa
Chapter 106.8
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Magbasa pa
Chapter 106.9
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako. “I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako. “ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
Magbasa pa
Chapter 106.10
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin. “ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila.  Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto. Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.  “ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet. 
Magbasa pa
PREV
1
...
101112131415
DMCA.com Protection Status