Semua Bab Kung Pwede Lang: Bab 21 - Bab 30
72 Bab
KPL 10.2
(Continuation of chapter 10)Hindi na mabilang ni Trixie kung ilang beses na ba siyang napalunok habang dahan-dahang naglalapit ang mga mukha nila.  Natigil ang pangyayaring iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Derrick mula sa bulsa. Doon lang tila sila natauhan at nagmamadaling bumangon para makalayo sa isa't-isa. Hindi sila makatingin sa parehong mga mata. Namumula sa kahihiyan ang babae. "Hello?" wika ng binata matapos sagutin ang tawag. Tahimik lang na naglakad papalabas ng silid si Trixie kahit nanlalabo ang paningin. Abala sa pakikipag-usap si Derrick kaya hindi niya namalayang nakalabas na pala ng kwarto ang babae. Dumiretso ito sa kusina at kumuha ng maiinom.  Ngunit bigla namang naibagsak ni Trixie ang babasaging baso na naglalaman ng tubig. Naging sanhi ito ng ingay kaya narinig agad ito ng binata. "Trixie?" Mabilis niyang pinatay
Baca selengkapnya
KPL 11.1
Third Person's POV"Yes, Joel. Ipadala mo na lang kay Maggie mamaya sa office ni Dad. Thanks." Nang makapasok sa parking lot ng MCC ay kaagad hinanap ng mata niya ang isang tao. Inaasahan niya kasing sasalubong sa kanya si Trixie sa umaga kagaya noon. Ngunit bumagsak lang ang balikat niya nang wala siyang madatnang babaeng nakasuot ng office uniform.  Mukhang hindi pa din magaling ang babae. Pagkaparada niya ng sasakyan ay kinuha na niya ang susi bago lumabas.  "Good morning, Sir." Isang tinig ng pamilyar na babae ang nadinig niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Paglingon niya sa kanyang likuran ay nakatayo na doon ang kanyang sekretarya. Malawak ang ngiti nito habang hawak ang baso ng kape at ang notebook niya. "Here's your coffee," dagdag pa niya at saka inabot ang kapeng hawak para sa bi
Baca selengkapnya
KPL 11.2
(Continuation of chapter 11)Punong-puno ng tissue ang basurahan sa ilalim ng lamesa ni Trixie. Sa wakas ay natanggal din niya lahat ng nagkalat na kulay berde sa mukha niya. Ilang sandali pa'y tumunog ang telepono at kaagad naman niya iyong sinagot. "Hello." "This is me, your boss." Muli na namang nag-init ang ulo niya nang marinig ang boses ng binata.  "Oh, ano na namang kailangan mo?" inis niyang tanong. "Hey! Gan'yan na ba makipag-usap sa boss ngayon?" Napairap na lamang siya. Mabuti na lamang ay hindi siya nakikita ni Derrick.  "Ano ba kasing kailangan mo?" "I want some coffee. No sugar please, hintayin ko hanggang mamaya." Matapos no'n ay pinatay na ng binata ang tawag. Padabog namang ibinalik ni Trixie ang telepono. Tumayo na siya at dumiretso sa vendo mach
Baca selengkapnya
KPL 12.1
Third Person's POV Mabilis na napailing si Trixie.    "M-mauna na po ako, Sir. Baka po hinahanap na 'ko ng anak ko," pag-iiba niya sa usapan at saka tumayo.   Pilit na ngumiti ang matanda.   "I understand, take care, hija."   Paglabas ni Trixie ng opisina ay dumiretso na kaagad siya sa elevator. Hindi din niya alam ang isasagot sa tanong ni Lucas kanina kaya minabuti na lamang niyang magpaalam. Nasabi na din naman ng matanda ang nais nitong sabihin sa kanya kaya wala ng rason para manatili siya doon.    Bigla na lamang bumukas ang elevator at tumaas ang isa niyang kilay nang mabungaran si Derrick.   "Oh, what a coincidence. I thought you're already gone." Pumasok ang binata sa loob at saka na nagsarado ang pintuan.    "Pauwi na sana, kinausap lang ako ni Sir Lucas."   "My dad? A
Baca selengkapnya
KPL 12.2
Third Person's POVNakatayo si Derrick habang nakatanaw sa isang babaeng nakaputi na naglalakad papunta sa kanya. Napaka ganda nito ngunit hindi niya makita ang mukha dahil nasisinagan ito ng liwanag.  Kasabay ng pag-lakad ng babae ay ang pagbilis ng pagpagtibok ng kanyang puso. Hindi niya akalaing aabot sila sa ganito. Sa lahat ng pinagdaanan nila, sila pa din pala talaga hanggang dulo. Ilang dipa na lang ang layo nila sa isa't-isa ngunit malabo pa din sa paningin niya ang mukha ng babae. "You may now kiss the bride," anunsiyo ng pari. Humarap siya sa babaeng ito at nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung sino siya.  "T-trixie?" Mabilis na nagmulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang madilim at masikip na silid. Hanggang ngayon naririto pa din sila sa loob ng elevator. Panaginip lang
Baca selengkapnya
KPL 13.1
Third Person's POVNagising si Trixie na wala sa tabi niya si Marga. Maliwanag na din sa labas, umaga na kasi.  "Marga?" tawag niya sa anak. Wala siyang tugon na natanggap.  Bumangon na siya at ginawa ang morning rituals niya. Pagpihit niya ng seradura ng pinto ay nagulat siya sa nag-aabang mula sa labas nito. "Happy birthday, Mommy!" May hawak si Marga na maliit na chocolate cake at kandila na may sindi. Sa likod niya nakatayo si Dara na nakasuot ng party hat. "Happy birthday, Trix!" bati niya. Kaagad na napaisip si Trixie. July 18 na ngayon, kaarawan na nga niya. Dahil sa pagka-busy sa trabaho ay nakalimutan na niya ang petsa.  "Mommy, wish ka na po." Pumikit siya at saka humiling. Hinipan na niya ang kandila at saka naman pumalakpak si Dara. Bahagya siyang yumuko para mapantayan ang anak na napaka
Baca selengkapnya
KPL 13.2
Third Person's POVPagpasok nila ng paaralan ay hinanap kaagad ng mata nila si Marga.  "Halika, nandoon 'yong classroom nila," wika ni Trixie at naunang maglakad. Pinagtitinginan at pinagbubulungan sila ng ilang mga magulang doon. Kilala kasi siya dito bilang tindera ng puto. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon, idagdag pa ang kasama niya na napagkakamalan din ng ibang asawa ng babae. Sa isang bahagi ng paaralan ay naroroon si Marga. Kanina pa talaga sila pinalabas ng guro. Inabangan kasi siya ng ilan sa mga kaklase niyang babae sa garden ng school kung saan madalas siyang tumambay. "Aray!" daing niya nang bigla siyang itulak ni Lauren. Kasama nito ang dalawa pa nilang kaklase na sila Molly at Nia. "Pakopya ako ng assignment!" sigaw ni Lauren. "B-bawal mangopya, Lauren. Baka pagalitan tayo ni teacher Aimee." "Ay
Baca selengkapnya
KPL 14.1
Third Person's POV "Trix, sigurado ka na ba dito?" tanong ni Dara sa kaibigan.    Nakahanda na sa labas lahat ng bagahe nilang mag-ina. Ngayong araw kasi sila lilipat sa bago nilang matutuluyan. Hindi pa niya ito nakikita dahil si Derrick ang pumili nito.    Nag-aabang na din sa kanila ang isang van na itim. Nakasandal doon ai Joel habang naghihintay. Ito ang inutusan ni Derrick para ihatid sila Trixie at Marga.   "Oo, Dara. Para din mabawasan na ang alalahanin mo, 'wag kang mag-alala, babayaran ko lahat ng naitulong mo sa 'kin—"   "Trix, 'wag mo na ngang isipin 'yon. Masaya ako na natulungan kita, kayo ng anak mo sa loob ng limang taon. Mami-miss ko kayo, lalo na ang kakulitan ng babaeng ito." Bahagya siyang yumuko at saka kiniliti si Marga.   Ilang segundo pa silang nag-usap bago na mapagdesisyonang umalis.   "Ingat ka, Jo
Baca selengkapnya
KPL 14.2
Third Person's POVKinahapunan ay isa-isa nang nag-alisan ang mga empleyado ng MCC. Naiwan naman si Trixie dahil kailangan niya mag-overtime. Hindi niya namalayang unti-unti na siyang ginupo ng antok. Nakatulog siya sa lamesang pinagtatrabahuhan.  Napadaan naman doon ang binata. Nagulat ito nang maabutan doon ang sekretarya na natutulog. Napatingin siya sa wrist watch, 7:30 na ng gabi ngunit hindi pa din umuuwi.  Nakapamulsa niya itong nilapitan at bahagya siyang yumuko upang pagmasdan ang mukha ito. Wala sa sarili siyang napangisi. May ideya na siyang si Trixie ang nagpakalat ng video niya. Wala namang ibang tao ang may lakas ng loob na gawin iyon sa kanya kundi ang babae lang na ito. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at saka itinutok ito sa mukha ng babae. "Smile," bulong nito at saka clinick ang camera. Napabungisngis na lang siya nang makita ang letrato. Na
Baca selengkapnya
KPL 15
Third Person's POV"Mommy! Mommy!" Nagising si Trixie sa malakas na sigaw ng kanyang anak. Dali-dali siyang bumangon dahil sa pag-aalala. Anong nangyari kay Marga? "Marga? Anak?!" Tumakbo siya papunta sa pinagmumulan ng sigaw. Nang makarating siya sa sala ay nabungaran niya doon ang anak na may kausap sa labas.  Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking nakasuot ng hapit na hapit na itim na sando. Short na itim at saka rubber shoes naman sa pang-ibaba, may hawak din itong sports bag.  Sabay silang napalingon kay Trixie. "Anong ginagawa mo dito, Derrick?" tanong niya at saka lumapit sa kanila. "I'm going to gym, sumama ka sa 'kin." "Huh. At bakit ko naman gagawin 'yon? Secretary ang in-apply-an ko hindi pagiging katulong." "Well, kapag hindi ka sumunod sa sinasabi ko, ba
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234568
DMCA.com Protection Status