Third Person's POV
Pagpasok nila ng paaralan ay hinanap kaagad ng mata nila si Marga.
"Halika, nandoon 'yong classroom nila," wika ni Trixie at naunang maglakad.
Pinagtitinginan at pinagbubulungan sila ng ilang mga magulang doon. Kilala kasi siya dito bilang tindera ng puto. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon, idagdag pa ang kasama niya na napagkakamalan din ng ibang asawa ng babae.
Sa isang bahagi ng paaralan ay naroroon si Marga. Kanina pa talaga sila pinalabas ng guro. Inabangan kasi siya ng ilan sa mga kaklase niyang babae sa garden ng school kung saan madalas siyang tumambay.
"Aray!" daing niya nang bigla siyang itulak ni Lauren. Kasama nito ang dalawa pa nilang kaklase na sila Molly at Nia.
"Pakopya ako ng assignment!" sigaw ni Lauren.
"B-bawal mangopya, Lauren. Baka pagalitan tayo ni teacher Aimee."
"Ay
Third Person's POV "Trix, sigurado ka na ba dito?" tanong ni Dara sa kaibigan. Nakahanda na sa labas lahat ng bagahe nilang mag-ina. Ngayong araw kasi sila lilipat sa bago nilang matutuluyan. Hindi pa niya ito nakikita dahil si Derrick ang pumili nito. Nag-aabang na din sa kanila ang isang van na itim. Nakasandal doon ai Joel habang naghihintay. Ito ang inutusan ni Derrick para ihatid sila Trixie at Marga. "Oo, Dara. Para din mabawasan na ang alalahanin mo, 'wag kang mag-alala, babayaran ko lahat ng naitulong mo sa 'kin—" "Trix, 'wag mo na ngang isipin 'yon. Masaya ako na natulungan kita, kayo ng anak mo sa loob ng limang taon. Mami-miss ko kayo, lalo na ang kakulitan ng babaeng ito." Bahagya siyang yumuko at saka kiniliti si Marga. Ilang segundo pa silang nag-usap bago na mapagdesisyonang umalis. "Ingat ka, Jo
Third Person's POVKinahapunan ay isa-isa nang nag-alisan ang mga empleyado ng MCC. Naiwan naman si Trixie dahil kailangan niya mag-overtime. Hindi niya namalayang unti-unti na siyang ginupo ng antok. Nakatulog siya sa lamesang pinagtatrabahuhan.Napadaan naman doon ang binata. Nagulat ito nang maabutan doon ang sekretarya na natutulog. Napatingin siya sa wrist watch, 7:30 na ng gabi ngunit hindi pa din umuuwi.Nakapamulsa niya itong nilapitan at bahagya siyang yumuko upang pagmasdan ang mukha ito. Wala sa sarili siyang napangisi. May ideya na siyang si Trixie ang nagpakalat ng video niya. Wala namang ibang tao ang may lakas ng loob na gawin iyon sa kanya kundi ang babae lang na ito.Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at saka itinutok ito sa mukha ng babae."Smile," bulong nito at saka clinick ang camera. Napabungisngis na lang siya nang makita ang letrato. Na
Third Person's POV"Mommy! Mommy!"Nagising si Trixie sa malakas na sigaw ng kanyang anak. Dali-dali siyang bumangon dahil sa pag-aalala. Anong nangyari kay Marga?"Marga? Anak?!" Tumakbo siya papunta sa pinagmumulan ng sigaw. Nang makarating siya sa sala ay nabungaran niya doon ang anak na may kausap sa labas.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking nakasuot ng hapit na hapit na itim na sando. Short na itim at saka rubber shoes naman sa pang-ibaba, may hawak din itong sports bag.Sabay silang napalingon kay Trixie."Anong ginagawa mo dito, Derrick?" tanong niya at saka lumapit sa kanila."I'm going to gym, sumama ka sa 'kin.""Huh. At bakit ko naman gagawin 'yon? Secretary ang in-apply-an ko hindi pagiging katulong.""Well, kapag hindi ka sumunod sa sinasabi ko, ba
Third Person's POV"Hoy! Kanina ka pa tulala d'yan," saad ni Dara sa kaibigan.Bumisita ito sa apartment ni Trixie tutal ay Linggo naman. Kanina pa din malalim ang iniisip ng babae. Hindi mawala sa isip niya ang napanood sa TV."Dara, may ideya ka bang pinapahanap ako ni Papa?"Natigilan si Dara sa ginagawa at napalingon sa kaibigan."Anong ibig mong sabihin?" Naupo ito sa tabi ng kaibigan. Nagpakawala ng buntong-hininga ang babae."Kahapon, napanood ko sa balita. Hinahanap na 'ko ni Papa at Tita Martha. Dara, ayaw ko nang bumalik sa kanila. Ayaw ko na." Mahigpit ang kapit nito sa palad ng kaibigan.Hinaplos naman ni Dara ang buhok nito at pilit niyang pinapakalma."Shh… 'wag kang mag-isip ng gan'yan. Wala naman silang alam na nandito kayo ngayon. Ang tamang bagay siguro na gawin ay ang magdasal
Third Person's POV Paikot-ikot sa higaan si Trixie. Kalagitnaan na ng gabi pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Derrick kanina habang nasa rooftop silang dalawa. Akala niya'y nagbibiro lamang ito ngunit mukhang seryoso nga. "Argh! Bakit mo ba 'ko ginaganito?" bulong niya sa hangin. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya mula sa side table. Pagkakuha niya no'n ay namilog ang mga mata niya at mabilis na napabangon. From: Sir Derrick Still awake? Mukhang gising pa nga ang binata at hindi din makatulog. Kanina pa kasi nito iniisip ang nasabi niya sa sekretarya. Hindi niya din alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Kaagad na nagtipa si Trixie ng reply at mabilis na sinend. To: Sir Derrick Yeah. Ikaw? Bakit gisi
Third Person's POVUnti-unting minulat ni Trixie ang mga mata at kaagad na bumungad sa kanya ang puting kisame. Binaling niya ang tingin sa taong nakaupo sa couch na nasa tabi ng kanyang hinihigaan. Si Derrick ito habang nagbabasa sa magazine."Nasa'n ako?"Kaagad na napunta ang atensyon sa kanya ng binata at mabilis na napatayo upang lapitan siya."You're in the hospital. Nawalan ka ng malay kanina. Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?"Ospital? Anong ginagawa niya sa ospital?Ilang saglit pa'y nabuo sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Si Rachelle ang dahilan kung bakit siya ngayon nandito ngunit totoo ba 'tong nakikita niyang si Derrick ang kasama niya? Ibig sabihin ay ang binatang ito ang nagdala sa kanya sa ospital? Muli ay iniligtas na naman siya nito."I-I'm okay, medyo nahihilo lang. Anong or
Third Person's POV Ito na siguro ang pinaka masayang birthday celebration ni Marga. Napaka daming tourist spots ang nais nilang bisitahin ngayong araw pagkagising pa lamang. "Saan ang punta natin?" tanong ni Trixie habang nagkakabit ng seatbelt. "I'm thinking of Fort Pilar. May museum do'n, baka magustuhan niyo. They say that Fort Pilar, is a 17th-century military defense fortress built by the Spanish colonial government here in Zamboanga." Tumango-tango ang babae habang unti-unti nang umaandar ang kanilang sasakyan. Simple lamang ang suot niyang column dress na light red at saka sandals na pula. Si Marga naman ay nakasuot ng jumper at si Derrick ay nakasuot ng reap jeans, black polo na short sleeves, at saka itim na sapatos. Ilang minuto din ang binyahe nila mula sa hotel papunta sa Fort Pilar. Pagbaba pa lamang nila ng sasakyan ay kitang-kita na mula sa
Third Person's POV"We're here," wika ni Derrick at inayos ang suot na t-shirt. Tinanggal niya ang salamin at saka isinabit sa damit.Nakatayo silang tatlo ngayon sa harap ng isang lumang bahay. Wala itong ikalawang palapag at nangingitim na ang pader na gawa sa kahoy. Maging ang bakod ay nilulumot na at ang gate ay kinakalawang na din. Halatang napaglipasan na din ng panahon."Sigurado ka bang dito pa din sila nakatira?" tanong ni Trixie. Hawak niya ang kamay ni Marga na abala sa pagkain ng surbetes.Tumango ang binata at saka naunang pumasok sa gate na wala ng kandado. Sumunod na sa kanya ang mag-ina. Inilibot ni Trixie ang paningin sa kabuuan ng bakuran, lanta na ang mga halaman dito at matataas na ang damo sa gilid ng bakod. Nagkalat din ang mga tuyong dahon sa lupa na nagmula sa patay na puno ng kaymito.Kumatok si Derrick sa kahoy na pinto. Dalawang beses niya iyon