All Chapters of My Sugar Daddy's Brother : Chapter 111 - Chapter 120
131 Chapters
Chapter 108
Ang sayang naramdaman ni Mateo ay mabilis na napalitan ng lungkot. Saglit niya lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, dahil iniwan na siya nito.Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mamatay si Tita Amelia. Hindi maikakaila sa boses at mga mata ni Mateo ang lungkot. Ngayon pa lamang silang nagkakasundo ng ina subalit binawi na kaagad ang buhay nito.Hawak ang tatlong piraso ng tsokolate ay tinanaw ko siya mula sa labas ng opisina nito. Pasado alas-otso na nang gabi ngunit narito pa din siya at nagtatrabaho. Sa umaga ay wala siya dito sa opisina dahil inaasikaso niya ang pagbubukas ng sarili niyang negosyo. Sa hapon naman hanggang gabi ay naririto siya upang tapusin ang trabaho.Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagkawala ng ina. Nakiramay ako sa kan'ya subalit hindi ganoon kalalim ang mga sumunod namin na pag-uusap. Kung mag-uusap man kami ay tungkol iyon sa trabaho.Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kan'yang op
Read more
Chapter 109
Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga papeles sa aking lamesa na kailangan ng lagda ni Mateo. Iniisip kong personal na ihatid na lamang ito sa kan'yang opisina upang maibigay na din ang tatlong piraso ng tsokolate, na itinabi ko para sa kan'ya.Sa kabilang banda, iniisip ko rin na baka mag-isip siya ng kakaiba kung gagawin ko iyon at aabutan pa siya ng tsokolate.Base sa naging pakikitungo niya kagabi at nang mga nagdaang araw, pakiramdam ko ay mayroong nagbago. Hindi na ito katulad ng dati na ako pa ang dumidistansya sa kan'ya, ngayon ay ito na ang gumagawa sa akin.Ganito rin ba ang nararamdaman niya nang itinataboy ko siya?Pumikit ako at hinilot ang sintido. Nang dumilat ako ay ang nakangiting mukha na ni Lesie ang bumungad sa akin.Hindi ko napigilan ang batuhin siya ng ballpen, na tumama lang naman sa kan'yang damit, dahil sa gulat."Gulat na gulat tayo. Ano'ng iniisip mo?" mapang-asar na sabi nito.Umirap ako at iniab
Read more
Chapter 110
One, two, three or ten times. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit nang nag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa ng brown slacks ko habang nasa isang mahalagang meeting ako kasama ang mga head ng bawat department. Biglaan ang meeting na ito dahil nagkaroon ng problema sa budgetting ng pundo para sa plantasyon ng cacao sa Hacienda Miraflor. 'Ni hindi ko na nga nagawa pa'ng dumaan sa aking opisina at kaagad na inasikaso ito. Wala si Lesie at Attorney Sheldon dahil imbitado sila sa grand opening ng construction supply business ni Mateo.  "What is it again?" pagpapaulit ko sa suhestyon ng isang empleyado nang hindi iyon marinig dahil sa sandaling naukopa ang isipan ko ng pagbubukas ng bagong negosyo ni Mateo at hindi ako imbitado. Tinanggap ko ang suhestyon niya at sinabing pag-iisipan at pag-uusapan namin iyon nang mabuti. "Just a minute." Hindi na ako nakapagpigil na kunin ang cellphone sa aking bulsa at tingnan kung sino ang nangungulit sa
Read more
Chapter 111
Mabilis ang pagtibok ng aking puso sa kaba nang pumasok ako sa loob ng bagong construction supply hardware ni Mateo. Dumoble pa ang tibok ng puso ko nang banggitin niya ang aking pangalan at ituro pa ako sa mga tao, bilang inspirasyon niya.  Bumaba siya ng entablado habang hindi pinuputol ang pagtingin sa akin. Ito'y kahit pa halos lahat ng bisita ay sinalubong siya upang batiin. Subalit hindi iyon ang makakalimutan ko, bagkus ay ang biglang pagbagal ng aking mundo nang matamis siyang ngumiti sa akin. Lahat ng masasayang alaala namin noon ay nanumbalik sa aking isipin. No doubt, my feelings never change.  He mouted me 'wait', when an old guy approached him. Tumango ako at ngumiti sa kan'ya nang makabawi mula sa pagkabigla sa mga sinabi niya sa harapan ng mga bisita. Nagsialisan ang mga tao sa tabi niya at nagtungo sa kan'ya-kan'yang lamesa upang kumain. Kinuha ko ang pagkakataon upang maglakad palapit sa kan'ya.  Narinig kong na
Read more
This is not an update
Hi guys! I will update maybe later or tomorrow. Gusto ko lang mag-share. This past few weeks were really hard for me. Pinagsasabay ko ang pagsusulat at pag-re-review. Writing this novel was my way of releasing my stress, kaya hindi ako nayayamot o nakakaramdam ng pagod sa pagsusulat. Kung maaari nga lang magsulat maghapon ay gagawin ko, pero syempre may mga responsibilities din ako, katulad ng pag-take ng board exam. Sadly, I didn't pass. May isang subject ako na mababa ang nakuhang rating and that's the same subject na hindi ko maabot-abot ang passing rate.  Pa'ng third try ko na 'to, pero 'ni minsan HINDI sumagi sa aking isipan na baka hindi para sa akin ang engineering. Honestly, hindi ko pangarap ang maging isang engr, but it is my parent's dream for me, kaya hindi ako susuko hanggang hindi iyon naiikabit sa pangalan ko. My dream is to be a writer, an author, isang panunulat. Unti-unti ko na'ng nakukuha ito mula sa suporta ng mga magu
Read more
Chapter 112
'There can be miracles when you believe.'Iyon ang sabi sa kanta at isang milagro din ang kailangan ayon sa doctor, upang magising si Mateo."Sinadya ng shooter na tamaan siya sa ulo. The criminal obviously wants him dead," ani Attorney Sheldon. Nasa coffee shop kami sa ibaba ng ospital, kasama ang dalawang kapatid ni Mateo. Katulad ko ay pursigido din silang mahuli ang bumaril kay Mateo.Si Lesie ang nagbabantay sa itaas kasama ang tatlong undercover police na ibinigay sa amin bilang bantay. Nagtatago lamang ang mga ito sa paligid bilang ordinaryong tao, upang kung sakali man na puntahan ng kriminal ang kwarto ni Mateo ay mabilis itong mahuhuli."Wala pa rin balita ang imbestigador na kinuha namin. Masyadong mailap si Veronica at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang binayaran niya upang bumaril kay Mateo," ani kapatid ni Mateo.Nang isang araw ay nakuha na namin ang cctv footage mula sa kalapit na gusali ng negosyo ni Mateo ku
Read more
Chapter 113
Papasibol na ang liwanag nang magkarating ako sa Top Hill Park. Higit pala na mas maganda magtungo dito kapag mag-uumaga na dahil walang tao.Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Dinala nito ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha ko kaya inipit ko ito sa likod ng aking tainga. Niyakap ko ang aking sarili nang muling umihip ang hangin.Bumuntong hininga ako kasabay ng pagpikit. Napakapayapa ng aking pakiramdam. Para ba'ng wala akong kakaharapin na panibagong problema ngayong araw."Gutom ka na ba?" ang malambing na boses ng paborito kong tao ang nagpadilat ng aking mga mata.Hindi pa ako makalingon sa kan'ya dahil abala itong itali ang aking buhok."Saan ka kumuha ng panali?" Hindi ako madalas magdala ng pang-ipit sa buhok."I have it inside my car." Napasimangot ako at lumingon sa kan'ya gamit ang matalim na tingin."Bakit mayroon ka n'yan? Kaninong babae 'yan?"Sa halip na matakot sa reaksyon ko ay tumawa ito at muli akong
Read more
Chapter 114
Kayumanggi ang kutis at may katamtamang laki ang pangangatawan ng babaeng nahuli ng mga pulis. Hindi ko man nakita ang itsura ng suspek na nagtangka sa aking buhay ay sigurado akong siya iyon, base na rin sa mga sugat na mayroon ito sa kamay."Nakipag-agawan ako ng kutsilyo sa kan'ya kaya sigurado ako na mayroon siyang sugat sa mga kamay," kwento ko sa pulis nang ipasalaysay nito sa akin ang nangyari.Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ng babae na nakaposas na. Pamilyar ang kan'yang mukha ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita.Sa una'y itinatanggi niya ang ginawa sa akin ngunit hindi naglaon ay umamin rin ito."Sino ang nag-utos sa'yo? Si Veronica ba?" Malaki ang posibilidad na si Veronica nga ang nag-utos rin dito upang pagtangkaan ang buhay ko at kung totoo man iyon ay mabilis ang magiging proseso ng paghahanap dito at pagsampa ng kaso."Hindi mo na ba ako maalala?" tanong nito gamit ang matalim na mga titig at nangangalaiting boses
Read more
Chapter 115
Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng mga oras at araw sa dami ng mga bagay na inaasikaso namin sa kompanya at sa paghahanap ng hustisya para kay Mateo. Sa kabila ng pagiging abala, hindi pa rin ako pumapalya sa pagbisita sa kan'ya."Good news mahal, umamin na si Ligaya na tumatanggap siya ng pera mula kay Veronica simula ng mawalan siya ng trabaho. Sinisiraan din ako nito sa kan'ya kaya lalong tumindi ang galit niya sa akin. Kaya niya nagawang pagtangkaan ang buhay ko. Mayroon na tayong ebidensya laban sa kapatid mo." Hinawakan ko ang kan'yang kamay at minasahe.Hindi pa maiuugnay si Veronica sa nangyari kay Mateo ngunit makakatulong ang sinabi ni Ligaya upang mapalakas ang kaso na isasampa namin laban dito."Ikaw? Siguro ang layo na nang nilalakbay mo d'yan? Nag-e-enjoy ka ba? Well, let me tell, mas masaya dito. I apologize for being rude to you, but I promise to be kind and gentle to you once you open your eyes. Hindi na ako magpapa-bebe, gumisin
Read more
Chapter 116
Nawala ang antok ko ng gabing iyon. Panay ang pagkwento ko kay Mateo ng mga masasayang pangyayari sa loob ng isang buwan niyang pagkaratay sa kama. Ito'y kahit pa nabanggit ko na iyon sa kan'ya noong wala pa siyang malay. Sa susunod ko na lamang ikwekwento ang nangyari sa akin ng nakaraan at kaganapan sa paghuli sa suspek na nagtangka sa kan'yang buhay, kapag magaling na siya.Mahinang mga tango ang isinasagot niya sa akin. May mga sandaling sinusubukan niyang magsalita at matiyaga ko siyang pinapatapos at iniintindi iyon. Hindi niya man maipakita sa mukha ang kagalakan ay alam kong masaya siya."I am sorry Mateo. Magpagaling ka na dahil pangako ko sa'yo babawi ako." Tumayo ako at hinagkan ang kan'yang noo.Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa kan'yang katawan nang lamunin na siya ng antok. Epekto iyon ng gamot na itinurok sa kan'ya.Sumisibol na ang araw sa labas nang dapuan ako ng antok. Mayroon pa akong pasok sa trabaho ngunit hindi ko yata kayang iw
Read more
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status