LOGINMahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
View MoreWho says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews