Semua Bab The CEO's Secret: Bab 81 - Bab 90
126 Bab
Kabanata 81
Gio’s POV Nang makaalis ako sa Siargao ay agad kaming pumunta ng America. Hindi na ako kumuha ng mga damit sa aking condo dahil mayroon naman akong town house doon. Doon na rin ako namamalagi kapag mayro’n akong Business trip dito sa America. It’s so sad that Scarlet is not here. Ayaw ko mang umalis ngunit kailangan talaga ako rito, baka mawalan kami ng mga investors at iyon pa ang pagkabagsak ng kompaniya na ilang taon ko nang iniingat-ingatan. “Good afternoon, Sir,” bati sa akin ng aking assistant kasama niya si Anne na nakangiti sa akin. “Sir, Mabuti at nakarating kayo,” saad ni Anne sa akin ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. “Anong sabi ng investors, Ian?” tanong ko sa aking assistant. Bukod kasi kay Mr. John ay mayro’n akong isa pang assistant na si Ian. Bago pa man ako umalis sa Pilipinas ay tinawagan ko agad si Mr. John para pumuntang Siargao to assist Scarlet there. “Bukas daw ay babalik sila and he wants you here,” saad
Baca selengkapnya
Kabanata 82
Ilang oras din kaming nag-usap ni Scarlet bago ako nagpahinga. Sumasakit na kasi ang aking ulo dahil din sa jetlag. Rinig ko ang tunog ng aking cellphone hudyat na may message sa aking email. Tiningnan ko agad ito baka importante ngunit napasimangot ako nang makitang si Anne pala iyon. Agad kong binasa ang kaniyang e-mail.“Good morning again, Sir. The attached file is your presentation tomorrow. If you have a query, don’t hesitate to call me.” Iyan ang nakasulat sa kaniyang message. Napakunot ako ng may kiss emoji siya sa hulihan ng message. Napailing ako at humiga na lamang sa aking kama para magpahinga, mayamaya ay nakatulog na ako.Katok na malalakas ang gumising sa akin. Napainat-inat ako at napapikit-pikit. Sino na naman ang isturbong gumising sa akin nakakainis ah. Napatingin ako sa orasan sa aking gilid, gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makitang mag-a-alas otso na pala ng gabi. Damn!Ilang oras ba ako natulog? N
Baca selengkapnya
Kabanata 83
Gio’s POV Kinabukasan ay agad akong pumunta sa kompaniya. Maaga akong pumasok para i-review ulit ang presentation ko mamaya. Kailangan ko nang tapusin ang gagawin ko rito para makauwi na ako kay Scarlet. Hindi lang iyon, para makalayo na rin ako kay Auntie Leila. Kailangan kong kumilos baka may gawing masama na naman ito sa akin or worst pilitin na naman ako nitong galawin siya. Napapikit ako ng mariin, siya ang dahilan kung bakit naging marahas ako kay Scarlet noon. Walang sawa niya akong binaboy sa loob ng bahay niya. Hindi niya ako tinigilan. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari noon. *** Matapos kong makausap sa telepono si Auntie Leila ay agad akong napabuntong hininga. Nang mabalitaan niyang naging kami na ni Scarlet at seryoso na ako sa kaniya ay agad siyang nagalit sa akin. She wants me to cut ties with Scarlet ngunit ayaw kong pumayag to the point na nam-bla-blackmail na siya ngayon. Kagaya nga ng ginagawa niya ngayon. She wants me to go to her house or else something
Baca selengkapnya
Kabanata 84
“Sir…”Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Anne lang pala. Matalim ko siyang tinitigan ngunit hindi man lang ito nawindang o nailang.Medyo matagal ding nawala ako sa aking sarili mabuti na lang at tinawag ako ni Anne.“What?” masungit na tanong ko sa kaniya.Napalunok siya at napangiti ng peke. Siguro ay hindi niya nagustuhan ang aking pagtrato sa kaniya.“The investors are here, hinihintay na po kayo,” saad niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at agad na na naghanda para sa presentation. Pansin kong hindi pa ito umaalis at nakatitig lamang sa akin.“Do you need something? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya.“I need you, sir…” Nagulat ako sa kaniyang sinabi.“Ano?” tanong ko sa kaniya. Tila ba natauhan siya kaya napaiwas siya ng tingin.“Wala sir, alis na ako sabi ko. Sumunod na lang po kayo,” pekeng tawa niya sa
Baca selengkapnya
Kabanata 85
“Meet me at Hemingway Café in front of your hotel. I have something to discuss with you. It’s about the sudden death of your girlfriend’s father.”Kanina ko pa tinitigan ang text na na-receive. I have to go, hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagkamatay ni Tatay dito ngunit na-cu-curious talaga ako sa text na ito. Agad akong napapikit, iniisip kung ano ang dapat ko bang gawin.Mabilis akong nagbihis para puntahan ang nag-text nito sa akin. Kahit kinakabahan ay kailangan kong pumunta dahil tungkol ito sa girlfriend ko. Nang makalabas ako sa hotel ay agad akong tumawid papuntang Hemingway Café, malapit lang naman siya nasa bungad lang talaga ng hotel ko.Nang makapasok ako ay umupo ako sa sulok para i-meet ang taong pasimuno ng text na iyon. Siguro naman ay kilala niya ako. Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makitang kahina-hinala. Lahat naman ay busy sa kani-kanilang pagkain, ang iba ay nagtatawan at nag-kuwe-kuwentu
Baca selengkapnya
Kabanata 86
Lily’s POVAnak ako ni Leila Berkshire, isa sa sikat sa mga business woman sa Pilipinas. Marami ang nagtatanong kung paano nga ba ako naging anak niya. Sabihin na nating nabuntis siya ng isang amerikanong naka-one night stand niya sa America. Sa madaling salita ako ay nabuo sa isang pagkakamali. Dalaga pa noon ang aking ina nang mabuntis siya kaya naman ay hindi niya talaga ako naalagaan ng mabuti. Kinamumuhian niya ako.Namulat ako nang wala akong tatay sa aking tabi. Sabi ng aking ina noon ay namatay na raw ang tatay ko. Sampung taong gulang ako noon, sa Amerika nanirahan at laging nakakulong sa kwarto. Walang pagmamahal sa magulang at puro masasakit na salita lamang ang naririnig ko sa bibig ng aking ina.I grew up thinking that my life was normal. That it’s normal for my mom talking bad to me at pinapalo kapag naiinis o kaya naman ay nagiging makulit ako. Na normal lang na umuuwi ang aking ina ng mga iba’t-ibang lalaki at kung sino-sino rin
Baca selengkapnya
Kabanata 87
Scarlet POVNgayon ang burol ni tatay marami ang dumalo karamihan ay mga kapwa niya mangingisda. Marami ang nalungkot nang malaman na nawala ang tatay, iyong mga karatig-isla naming ay tumawid para makiburol.Sobra kaming nalulungkot lalong-lalo na si Nanay ngunit kailangan naming tanggapin na wala na talaga siya sa aming buhay.Masakit, sobrang sakit mawalan ng ama. Wala nang ang aming haligi ng tahanan, iyong maggagabay at magtatanggol sa amin sa masasama. Hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala ang aming ama ngunit kakayanin namin. Mawala man ang aming haligi, narito naman ako puwedeng maging ama sa aking pamilya.Gusto kong kumbinsihin si Nanay na umalis na lamang sa isla at lumipat sa Manila ngunit sa ngayon ay ayaw niya. Sana pagdating ng panahon ay makumbinsi ko siya, hindi rin magtatagal na sa Maynila na rin mamalagi ang dalawa kong kapatid para roon mag-aral lalo na ngayon, magkokoloheyo na ang aking ikalawang kapatid.Hanggang ngayon ay wala p
Baca selengkapnya
Kabanata 88
“Bakit may mga pulis, iha? Ano ang ginawa nila rito?” tanong ni Nanay sa akin. Hindi ko alam na nagising na pala siya at lumabas na ng kwarto. “Kumain muna tayo ‘nay alam kong gutom na rin kayo,” saad ko sa kaniya at inakay siya papuntang mesa. Naroon na rin ang aking mga kapatid naghihintay sa amin. “’Nay!” tawag ni Patpat na kasalukuyang sinusubuan ni Mikaela. Napailing na lamang si Nanay sa kaniya. “Patpat kailangan mo nang matutong kumain ng mag-isa. Mikaela turuan mo ang kapatid mo huwag mong baby-hin malaki na iyan.Balang-araw ay tayo na lang dalawa rito sa bahay dahil ang mga ate ay pupuntang Maynila, kaya dapat ay matuto ka na,” pangaral ng aking ina kay Patpat. Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Puwede naman kasing doon na kami tumira sa Maynila para sama-sama kami. “’Nay bata pa po si Patpat, apat na taong gulang palang siya,” mahinahong saad ko sa kaniya. “Iyon na nga eh, noong bata pa kayo edad na tatlong tao
Baca selengkapnya
Kabanata 89
Scarlet’s POVKinabukasan ay agad kong sinamahan si Nanay sa himpilan ng mga pulis upang sadyain ang litrato na sinasabi ko sa kaniya. Maaga pa lang ay agad kaming pumunta roon. Hindi rin naman kalayuan ang headquarters kaya agad kaming nakapunta roon.Hanggang ngayon wala pa akong balita kay Gio. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi rin naman siya tumatawag sa akin simula ng huling pag-uusap naming noong nakaraang araw.“Magandang umaga po,” bati naming sa isang pulis na nasa labas.“Magandang umaga rin ano pong maitutulong ko sa inyo?” tanong ng pulis sa amin.“Gusto lang po naming makausap si Mr. Nuevas iyong nag-aasikaso ng kaso ng tatay ko,” saad ko sa kaniya.“Ah, si Mr. Nuevas ba? Nasa loob po, teka pasok po muna tayo tatawagin ko na rin si Mr. Nuevas. Umupo na rin kayo roon habang naghihintay kayo,” ani nito at agad na pumasok sa loob.“Maraming salamat, sir,” wik
Baca selengkapnya
Kabanata 90
“Isang eroplano ang nag-crash sa silangang bahagi ng Pilipinas.Marami ang nasawi sa naturang plane crash, ang iba ay sugatan at ang iba ang hindi pa nahahanap, isa na nga roong ang isang sikat tycoon business man na si Giovanni Berkshire–” Agad na pinatay ni Aira ang T.V. sa harap namin. Kakarating lang nila galing Manila kasama niya si Tom.Nang malaman nila ang nangyari kay Gio ay agad silang lumuwas sa Maynila para puntahan ako.“Okay ka lang ba, BFF?” nag-aalang tanong ni Aira.Walang imik ko siyang tiningnan sa totoo lang, hindi. Sino ba naman ang taong magiging okay ang pakiramdam kung ang mahal niya sa buhay ay nawawala?“Huwag kang mag-alala makikita rin si Gio, masamang damo kaya iyon,” saad niya sa akin.Napatango na lang ako sa kaniya at napabuntong hininga.Tiningnan ko naman ang litrato naming dalawa sa aking wallpaper. Sana ay okay lang siya. Huwag na sana niya akong iwan dahil hindi ko kakayanin.
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
13
DMCA.com Protection Status