SPG ALERT ❗ WARNING: Viewer discretion is advised. Contains graphic sex scenes, mature contents, adult language and situation intended for mature readers only. Si Scarlet ay isang office assistant sa isang kompaniya. Siya ay isang dakilang utusan sa kanilang departmento. Utos doon, utos dito. Kahit busy siya sa kaniyang sariling trabaho ay hindi ito makatanggi sa kaniyang kasamahan. Kahit hindi siya pinapasalamatan ng mga ito, ay ginagawa pa rin niya ang utos nila, dahil kahit papaano ay nakakatulong siya sa kanila. Nang mag-aya ang kaibigan ni Scarlet na magdiwang ng kaarawan nito sa isang eksklusibo at respetadong male strip club ay wala naman itong nagawa kung hindi ay pumayag. Doon niya nakilala ang isang lalaking stripper na nakamaskara, sinayawan siya nito ng mapangakit at mapanghalina. Hindi niya malaman ang kaniyang nararamdaman pero gusto niya itong makilala at malaman ang pangalan man lang. Hindi niya mawari kung anong sumapi sa kaniya dahil nakita niya na lang ang kaniyang sarili na nakaabang sa backstage at lihim na sinusubaybayan ang lalaki. Nagbibihis ito at nang hinubad ang kaniyang maskara ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman--- “Bakit siya? Bakit ang Boss niya pa?”
View MoreHingal-hingal akong tumakbo papuntang kompaniya para ibigay itong binili kong mga kape at dougnuts para sa aking mga katrabaho. Ang totoo niyan, bago pa man ako pumasok sa trabaho ay binibilhan ko na sila ng breakfast nila. Gawain ko na rin ito simula ng makapasok ako dito sa kompaniya. Lahat ng iniuutos nila ay ginagawa ko, hindi rin naman kasi ako makahindi sa kanila.
Ibinigay ko na ang mga kape sa ka-workmates ko at nagpasalamat sila sa akin. Masaya ako dahil kahit papaano ay natutulungan ko sila.“Scarlet, pakitapon naman nitong kape ko.”“Scarlet, paki photocopy nga nitong document ko.”“Scarlet, pakilinisan nga ng desk ko.”Iyan ang mga naririnig ko sa office.Ako si Scarlet Hart, isang office assistant dito sa kompaniya.“Scarlet, pakitapon nga ito,” utos ng isa kong katrabaho.“Patapon din nito, Scarlet ha.”“Sige,” nginitian ko naman sila saka kinuha ang mga basura.Habang itinatapon ko ang mga basura ay bigla namang may pumalo sa braso ko. Napakunot ang aking noo at napalingon ako sa likod.“Ano ka ba! Bakit ba ginagawa mo na naman ang mga utos ng mga walang hiyang iyon? 'Di ba sabi ko sa iyo huwag mo na itong gagawin? Napakatigas talaga ng ulo mo!” Kinuha niya ang mga dala kong basura at tinulungan akong itapon iyon.Siya si Aira ang aking matalik na kaibigan. Siya ay isang office manager dito sa department namin.“Happy Birthday, Best friend!” pagiiba ko ng topic. Tiningnan lang niya ako at tinaasan ng kilay.“Kailangan kong sundin ang mga gusto nila,” sabi ko naman sa kaniya at nagiwas ng tingin.“Hindi ba sabi ko sa iyo ay tumanggi ka naman kahit minsan lang?” galit niyang sabi sa akin.“Bakit nga ba hindi ko magawang tumanggi?” Napayuko na lang ako, tila ba nahihiya sa kaniya.“Naku ka talaga Scarlet! Bakit kasi ang bait mo?” tanong niya sa akin.“Hindi ko nga rin alam kung bakit ang hirap tumanggi.” Napabuntong hininga ako at pilit na sinsisi ang sarili kung bakit ako palaging ganito. “Sige ganito na lang, since birthday ko naman. I dare you! Idi-dare kita na tumanggi ka kapag may iuutos sa iyo ngayon. Tingnan mo ‘yong papalit na maarteng babaeng ‘yon. For sure, uutusan ka na naman niya. Tumanggi ka ha!” wika ni Aira sa akin.Hindi nga siya nagkakamali, lumapit nga sa amin si Anne. Nginitian niya ako ng napakatamis at sinuklian ko naman iyon.“Hi Scarlet! May ginagawa ka ba? Pa-photocopy naman ng papers ko oh. Sige na,” utos niya sa akin.“Ah, k-kasi may gagawin pa ako eh,” tiningnan ko ang aking best friend para ipakitang tumanggi ako sa kausap ko. Tuwang-tuwa naman ito at bumulong sa akin. “I’m proud of you!”“Sige na Scarlet, sumasasakit kasi ang aking puson, eh,” arteng sabi nito sa akin.Pumikit ako ng mariin at pinipigilan ko ang sarili ko na mag-oo sa kaniya.“S-sige na nga, huwag nalang. Hay ang sakit talaga parang mapapa-hospital ata ako nito kapag may ginawa pa ako,” pangongonsensiya niya sa akin.Kaya naman ay agad ko siyang pinigilan.“S-sige na, ako na. Akin na ‘yang papers mo, ako na ang magpapa-photocopy.” Kinuha ko sa kaniya ang dala-dala niyang papers at ngumiti.“Salamat Scarlet! The best ka talaga! Pakipatong na lang sa desk ko ah! Bye!”Naramdaman ko ang pagbatok ng aking best friend sa akin.“Kita mo na! Talo ka sa dare hindi mo nagawang tumanggi, kaya naman sasamahan mo ako mamaya sa club! Samahan mo akong mag celebrate. Bawal tumanggi, pero sabagay hindi ka naman tumatanggi sa mga tao eh, sa best friend mo pa kaya,” mahabang saad nito sa akin.Wala naman akong nagawa at tumango na lang sa kaniya. Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at bumalik sa trabaho. Inihatid ko ang papers ni Anne sa desk niya at nakita ko itong paupo-upo lang at nag-F* pa. Napailing ako sa nakita ko. Akala ko ba masakit ang puson niya? Bakit pa-F*-F* lang ito? Hayaan na lang nga.Alas sais na ng gabi nang matapos ako sa aking trabaho, gano’n din si Aira. Sabay kaming nag-out at pumunta na ng apartment.“May isusuot ka ba mamaya?” tanong niya sa akin.“Oo, magje-jeans lang ako at t-shirt, bakit?”“WHAAAAT!!?” exaggerated niyang tanong sa akin.“Anong what? Para ka namang timang diyan, Aira,” sabi ko sa kaniya.“Hindi ka magje-jeans at t-shirt! Magdi-dress tayong dalawa! Fitted dress! Kuha mo?” Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na magsuot ng mga dress. “Wala akong fitted dress, Aira.”“Problema ba iyon? Pahihiramin kita!” Tumango ako bilang pagsang-ayon.Binigay niya sa akin ang isang fitted dress na kita ang likod. It was bold and sexy black dress. Seryoso ba siya? Susuotin ko ito? Huwag na lang kaya.“Hep, Kung ano man iyang nasa isip mo, huwag mo nang gagawin! Iyan ang isusuot mo, tapos! Pagbigyan mo na ako, birthday ko naman eh,” nguso niyang saad sa akin.“Panget mo namang ngumuso,” biro kong sagot sa kaniya saka tumakbo sa cr para magpalit.“Aba’t!” Hahabulin na sana niya ako kaya lang naisarado ko na ang pinto.Lumabas ako ng banyo at pinakita ang suot kong dress kay Aira. Pumalakpak naman ito at sinabing “Perfect!”“Hindi ba nakakahiya itong suot ko? Masiyadong maiksi at kita pa ang likod,” sabi ko sa kaniya.“Hindi ah. Tingnan mo ‘yong sa akin, mas maiksi pa nga iyong dress ko sa iyo eh.”Matapos kaming mag-ayos ay pumunta na kami ng club. Sabi sa akin ni Aira, ito raw ay highly reputable at exclusive na male strip club dito sa Pilipinas. Lahat ng mga mayayamang business woman ay nandito. Nagtataka nga ako kung bakit afford ni Aira iyong ganitong club eh.Nang nakarating na kami ay kita ko ang pangalan ng nasa taas ng parang gusali.“Royal Night Club?” sabi ko sa aking sarili.
“Oo! Tara pumasok na tayo.” Agad na hinila ako ni Aira papasok. Kitang-kita ang mga nakakasilaw na ilaw at mga usok sa itaas. Nakakabingi naman ang tugtog na “Turn Down for What” ni Lil Jon. Lahat ng tao ay napapasayaw sa indak, pati na rin si Aira. Umupo kami sa isang table na ni-reserve niya at umorder ng maiinom at pagkain.“Wohooh!!! Let’s celebrate because it’s my birthday!!” sigaw niya sa akin.Napangiwi ako dahil sa sigaw niya. “Oo, Happy Birthday!” sigaw ko rin sa kaniya.“Salamat!!” sigaw ni Aira at sumayaw ulit.Maya-maya ay huminto ang tugtog sabay hiyawan ng mga tao. The crowd was going crazy na para bang may artistang darating sa stage.“Anong mayroon?” tanong ko kay Aira.“Magsisimula na ang main show!”“Ha? Anong main show? Alam na alam ah, parang suki rito?” tanong ko.“Parang ganoon na nga,” malandi nitong sabi sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay na para bang nagtatanong kung seryoso siya. Hindi rin kasi nito kinikwento na pumupunta siya rito sa club na ganito.“Joke lang! Main Show! Iyong mga lalaking nags-strip sa dance floor! For sure magugustuhan mo ang performance nila, lalo na ‘yong mga Abs nila! Ang ho-hot sobra! Parang ‘yong napanuod nating movie! Ano nga ba ang title ‘non?”Nagisip kami at mayamaya sabay napasigaw.“MAGIC MIKE!”Omg!! As in? Sabog na naman ovary ko nito. Kahit naman medyo mahinhin ako, may pagkamalandi ako kahit papano. Lalo na kung iyong Magic Mike ‘yong pinaguusapan. Shit!Agad naman akong napaupo ng tuwid at nag-focus sa stage. Bigla namang umilaw ang stage at pumasok ang isang lalaki na n*******d na may dalang mike.“ARE YOU READY … TO BE WORSHIPPED?”Hiyawan ng mga tao ang naririnig ko kaya napasabay naman kami ni Aira.“ARE YOU READY… TO BE EXHAUSTED?”Sumigaw naman ulit kami ng “YES!”“HERE COMES THE ROYAL NIGHT!!!”Mas lalo namang naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae. All of the woman are going crazy.Nagsimulang itugtog ang “My Pony by Ginuwine at bigla namang lumabas ang sampung lalaki sa stage. They were oozingly dancing. It was sexy and the crowd was getting crazier. Bumaba naman ang isang lalaki sa stage at papalapit ito sa amin. OMG!!“A-aira, papalapit siya,” kinakabahan kong sabi sa kaniya.“Oo best friend, hindi ako bulag." Kabado rin ang mukha ni Aira at napapalunok ng mariin.Bigla akong hinila ng lalaki at napatanga ako sa stage. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko idagdag pa ‘yong kaba kaya nanginginig ako.“Relax,” sabi naman sa akin ng lalaki.Pinaupo niya ako sa isang upuan sa gitna.The music changes from “My Pony” to “All the time by Jeremih”“Go Scarlet!!” sigaw ng aking kaibigan at ako naman ay napalunok sa kaba.The light started to flash yellow and white. I saw a man with a mask approaching me. He then smiled at me and smirked. He was undressing in front of me slowly.Is this true? Kung totoo man ‘to wag na sana akong magising.“Oh my God!” Huminga ako ng malalim at napapikit.“Open your eyes,” malanding bulong sa akin ng lalaki. Siya siguro iyong leader kasi siya lang ‘yong naiiba. Siya lang ‘yong nakamaskara.As I open my eyes, I saw him crawled between my legs and started to move seductively. I wanted to burst out my scream but I cannot. He pulled me up and kicked the chair out of the way. He laid me down to the floor and started dancing and grinding in front of me.Naririnig ko ang mga sigawan ng mga babae sa background, lalo na ang sigaw ng aking kaibigan.“Pucha, Scarlet! Sana all!” sigaw pa niya.This time pinadapa niya ako at nagsimulang mag-grind ulit sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko basta iyong puso ko ay parang sasabog na sa sobrang kaba. Inalalayan niya akong tumayo at tinitigan. Bigla itong ngumiti at kumindat.After that the music stops.Kinuha ako ng isang lalaki at inalalayan pababa hinatid niya pa ako sa table namin.“Oh, my goodness, Scarlet! Napakaswerte mo! Sana all nalang talaga!”“Oo nga sana all—este! Anong nangyari?”“Gaga! Uminom ka muna ng tubig para mahismasmasan ka!” Kinuha niya iyong basong tubig at binigay sa akin, ako naman ay ininom iyon. Bigla akong nauhaw.“So, kumusta? Masaya hindi ba?”“Oo,” sabi ko sa kaniya at nagsimulang hanapin iyong lalaki kanina.“Wait lang magsi-cr lang ako,” paalam ko kay Aira.Ang totoo niyan gusto kong hanapin ‘yong lalaking naka-maskara. Hindi ko alam kung ano ‘yong sumapi sa akin pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa back stage na. Tumago ako sa isang sulok at nagpalinga-linga para hanapin siya. Gusto ko siyang makilala at malaman man lang ang kaniyang pangalan. Hindi ko alam pero parang naattract ako sa kaniya. It was something magical. Ewan! Nakakabaliw!“Sumayaw lang sa iyo, na in love ka na agad, anong kalandian ‘yan, Scarlet? Love at first dance lang ang peg?” bulong ko sa aking sariliMaya-maya ay nakita ko siyang nagaayos ng kaniyang gamit. Likod pa lang alam na alam ko nang siya iyon. Lumapit pa ako sa kaniya para mas makita ko pa ang kaniyang mukha. Nagtago ako roon sa likod ng hanging rack at napapakagat ang labi. Para akong manyak na stalker na ewan pero wala akong pakialam! Nakita kong nagsuot siya ng kaniyang t-shirt at unti-unting inalis ang kaniyang maskara.Natulala ako sa pagkakatitig sa kaniya.“OMG!” bulong ko sa aking sarili. Bakit siya? Hindi ako nagkakamali! Siya nga! Hindi naman ako tanga para hindi ko siya makilala! Big revelation ito!Aalis na sana ako ng masagi ko iyong hanging rack at ito ay natumba.“Ay tanga” bulong ko sa aking sarili.Bigla naman siyang lumingon sa direksiyon ko at nagulat. Shock was evidence in his eyes. Hindi siya maka-react at makagalaw. Kaya naman, I grab the opportunity to escape. Tumakbo ako ng napakabilis palabas at sumakay ng taxi. Tinext ko na lang si Aira na na jejebs ako kaya naman ay umuwi ako ng biglaan at nag sorry sa kaniya.Nang makauwi ako ay hinanap ko ang aking wallet sa bag at bulsa para magbayad ng pamasahe, pero hindi ko ito mahanap. Patay! Naiwan ko siguro sa Club.Buti ay may barya ako sa aking bag at ito na lang ang aking ibinigay sa driver. Pumasok ako sa aming apartment at iniisip kung bakit siya iyong nakita kong lalaki na nakamaskara. Totoo ba iyon? Hindi ba ako nanaginip lang? Kinurot ko ang aking balikat at napa aray sa sobrang sakit. Totoo nga!Sa sobrang pagiisip ko ay nakatulog na lang ako. Sana ay panaginip na lang ang lahat at sana hindi ako makilala ng lalaking iyon dahil katapusan ko na kapag nagkataon.
Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya
Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea
Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not
GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko
GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat
I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments