All Chapters of NOTORIOUS: Chapter 91 - Chapter 100
175 Chapters
CHAPTER 48.1
Location: White District, Urvularia City Warrior Hall, White PalaceHindi mapakali si Lalamon sa loob ng Hall. Pabalik-balik naman si Madam Voodoo habang malalim ang iniisip. Mahigpit namang nakakuyom ang kamay ni Zyrex dahil sa pagtitimpi ng galit. Halata rin ang pagtitimpi sa itsura ng Prinsipe. "Bakit nila hinuli si Miss Reyna na parang isang kriminal?" Hindi na napigilan ni Lalamon ang bugso ng kanyang damdamin, "Ano bang pruweba nila para akusahan siya ng ganoon? Wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Bakit pinagbintangan siyang kasabwat ng nakaitim na 'yon? Kasalanan ba ni Miss Reyna na pumalpak ang teknolohiya nila at may nakapasok na kalaban? Napaka-unfair nila!" Nagdaramdam na sambit ni Lalamon.  
Read more
CHAPTER 48.2
"H-hindi ko po alam. W-wala akong ideya. Ang alam ko lang kasali ako sa paligsahan, pagkatapos nagising akong narito na," kwento niya.  "Interesting." Nahihimigan niya ang pagkamangha sa boses nito, "May naalala rin akong katulad mo ang naging sitwasyon. Sana nga lang hindi ka humantong sa ganoong kalagayan." "A-ano pong ibig mong sabihin? Ano po bang lugar 'to?" "Ang lugar na ito ang nagsisilbing kulungan sa White District. Na sa loob mismo ito ng White Palace." "H-hindi ba Black district po ang kulungan sa Urvularia?" Naguguluhan niyang tanong.  "Iyon ang alam ng lahat, pero tuso ang mga Lucent. Kapag alam nilang hadlang sa kanilang kapangyariha
Read more
CHAPTER 49.1
Bastille Criminal House, White PalaceHuminga ng malalim si Emperador pag-alis ng mga Elite Soldiers. "Mauulit na naman ba ang mga pangyayari?" Tanong ng matanda sa sarili. "Iba na ang takbo ng pangyayari ngayon, Mahal ko." Sagot ng isang tinig mula sa kabilang selda. Napangiti si Emperador ng marinig ang boses ng asawa. "Kay tagal kitang hinintay Mahal ko. Umaasa akong makakalabas na rin sa seldang ito ngunit hindi ko inaasahan na ikaw pala ang papasok dito," naiiling niyang sagot. "Kailangan ko pang ayusin ang lahat ng pangyayari bago tayo magkita. Nang sa ganoon magiging panatag ang aking
Read more
CHAPTER 49.2
"Ililibing ko ng buhay. Nalipol ko ang buo niyang angkan, ano pa kaya kung nag-iisa na lang siya?" Muli itong tumawa, "Isasabay ko sa apprentice mo." Muling ngumiti si Madam Voodoo. "Siguradong katapusan na rin ng anak mo kapag nangyari iyon. Nakakalimutan mo yata na isang atake na lang ng kanyang emosyon, mawawala na siya ng tuluyan," "Hindi ko hahayaan mangyari 'yon." "Okay sabi mo e. Umalis ka na nga sa harapan ko. Nakakainis ang pagmumukha mo." Tinalikuran ito ni Madam Voodoo. "Tandaan mo Doniela. Ang lahat ng nalalaman mo ay mababaon din sa hukay oras na hatulan ka ng kamatayan." Galit na banta ng Hari bago umalis.  
Read more
CHAPTER 50.1
Location: Somewhere in Urvularia City "Cheers!" masayang itinaas ng lalaki ang kopita. Masyadong masaya ang pinuno sa mga nangyayari ngayon. "You're Highness, nagawan ko na po ng paraan ang pagmamatyag ng Elite Soldier Captain sa akin. Napaalis ko na rin ang mga Agents na nagtungo sa Blue District," Pagbibigay alam ni Venus sa kanilang Pinuno.  "Magaling," masaya nito sabi. "Pagbibigyan kitang makasama ng ilang araw ang iyong kapatid bilang reward," "Talaga po? Maraming salamat You're Highness!" Kitang-kita ang saya sa mga mata nito. "Kontrolado ko na lahat sa Black District maliban sa Dungeon
Read more
CHAPTER 50.2
Lihim na nasaktan ang Supreme Havoc. Bilang isang Ama na matagal nawalay sa pamilya, hiniling din niyang makasama kahit minsan ang anak. Alam niyang may mabigat itong tungkulin sa katabing kaharian, ngunit umaasa pa rin siyang kahit papano gusto rin siyang makasama ng kanyang pamilya.  "Kapag natigil ang kaguluhan, saka kita pupuntahan." Malungkot na ngumiti ang matanda. Nasambit nito ang nangyaring pananakop sa kanilang lugar habang wala ang kanilang Hari. Ayon kay Rose, nakagawian na ng kanilang Hari ang umalis ng Palasyo at iyon ang sinamantala ng mga kalaban. Sa ngayon, patuloy pa rin ang kaguluhan sa lugar at hindi pa nagpapakita ang Hari. Si Rose ang pinagkakatiwalaang maghanap sa Hari at pansamantalang iniwan ang sariling hukbo, ngunit sa ilang araw nitong paghah
Read more
CHAPTER 51.1
Location: White District Urvularia City White Palace "You're Majesty, nagkaroon po ng pag-aaklas ang dalawang distrito," Panimula ni Elder Duko sa kasalukuyang nagaganap na monthly forum sa Palasyo.  "Sa Black District inaalipin ang matatanda, sapilitang pinag-eensayo ang mga kalalakihan at ginagawang aliwan ang kababaihan. Kung hindi sumusunod hinahatulan nila ng kamatayan. Samantalang sa Blue District, bali-balita ang assassination sa Lady Warrior at kanang kamay niya na ngayo'y pansamantalang namumuno sa lugar. Hindi na rin po sila sumusunod sa mga patakaran ng palasyo. Napag-alaman namin na muli silang gumagawa ng mga armas." Dugtong ng Elder.  "Maaari tayong magpadala ng karagdagang Elite Soldier sa B
Read more
CHAPTER 51.2
"Cho, kukunin ka na nila. Magkakalayo na tayo. Pakiramdam ko hindi na tayo muling magkikita," Umiiyak nitong sabi. "Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Tinarayan pa kita noon at pinapaalis. Ayoko kasing maging Protector ka. Ano bang kaya ng isang babaeng katulad mo?" Natawa si Lirasia kahit tumutulo ang mga luha. "Pero ipinakita mo sa'kin kung gaano ka kagaling. Kung paano ka makipaglaban habang pinagtatanggol ako. Maraming salamat Cho. Ikaw lang ang tanging kaibigan na hindi ko makakalimutan. Ikaw lang ang aking kakampi sa lahat ng bagay. Paalam kaibigan." Marahang tumayo si Lirasia. Isang sulyap ang binigay niya sa kaibigan bago ito iwanan.  Nang makalabas ang Prinsesa, pumasok naman sa silid ang Supreme Havoc.  "Mukhang napalapit ka sa kanya ng husto, Pamangkin." Sambit nito habang nakatunghay sa natutulog na babae,
Read more
CHAPTER 51.3
Nagtungo naman ang Prinsipe sa hardin ng Warrior Hall. Muling nanumbalik ang ala-ala nilang dalawa sa kanyang isipan.  "Bakit kailangan kong sumang-ayon?" Walang emosyon nitong tanong. Sisiguraduhin kong magkakaemosyon na ito sa gagawin niya. "Dahil kailangan mo akong protektahan," sagot niya. "From Lira?" Lumunok muna siya bago sumagot. Sinusuri kasi siya nito ng tingin. "Y-yes. Hindi niya ako tinitigilan. Nagpanggap pa siyang Noble Warrior para pakasalan ko. Kapag alam niyang nagmamahalan tayo, titigilan na niya ako," "Why not marry
Read more
CHAPTER 52.1
Location: White District Urvularia City Bastille Criminal House, White Palace"Bitiwan niyo ko! Nasaan ang babaeng 'yun? Nasaan ang kriminal na 'yun?"  Galit na boses sa labas ang narinig ng mag-asawa mula sa magkabilang selda.  "Mahal na Reyna, hindi ka po maaaring pumasok. Utos po ng Hari na walang makakapasok sa loob maliban sa kanya," "Wala akong pakialam! Buksan ninyo ang pintuan o kayo ang aking parurusahan?" Banta nito. Narinig ng dalawa ang pagbukas ng pintuan. Kasunod ng marahas na mga yabag papalapit sa kanilang selda. 
Read more
PREV
1
...
89101112
...
18
DMCA.com Protection Status