"... Tapos nakita kong nasundan ako ng grupo ni Maylo. Nataranta ako kaya't nahiwa ako sa leeg. Nakalimutan ko kasi may patalim nga palang nakatutok sa leeg ko, pero alam kong iniwas yun ni Blacky dahil kung hindi, nahati na ang leeg ko," masiglang pagkukwento ni Reyna, "hinila ko si Blacky para makapagtago, pero nakatulog ako ng may maramdaman akong mahapdi sa batok ko. Kinagat yata ako ng lamok." Uminom ulit siya sa hawak na bote ng softdrinks. Nakaupo naman ito sa harapan niya habang mataman siyang pinagmamasdan habang nagsasalita. "Bukod sa nakabalot ng itim yung suspek, ano pa ang natatandaan mong pagkakakilanlan niya?" "Boses." Napaayos ito ng upo. "What kind of voice?" seryoso nitong tanong.
Read more