Semua Bab The Pregnant Virgin: Bab 41
41 Bab
Special Chapter
"Nag-away ba kayong dalawa? Hindi kasi tumugon ang asawa mo nang tanungin ko kung nasa'n ka. Mano-mano tuloy ang ginawa kong paghahanap para lang makita ka."Napabuntong-hininga si Finn sa sinabi ni Emerson."May topak na naman kasi — " May idadagdag pa sana siya pero biglang may sumulpot sa pintuan at nakapamewang."Ituloy mo lang, Hon. Makikinig ako."Matamis ang pagkakangiti ni Angielyn sa kanya pero para iyong red alert na nagpatikom sa kanyang bibig. Tumawa tuloy ang gago niyang kaibigan na nasa gilid nang makita ang kanyang naging reaksyon. At may balak pa talaga itong dagdagan ang pag-aaway nila ni Angielyn. "Bakit? Ano ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?" tanong nito na ang mata ay nasa babaeng tila nakakita ng bagong kakampi."Ganito kasi 'yon. Dahil nga naging abala ako kanina dahil umiiyak si David, siya ang inutusan ko na mag-order ng Carnation dahil iyon ang hinahanap ng isa kong kliyente. Napaka-importante ng task n
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
DMCA.com Protection Status