Semua Bab Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Bab 3051 - Bab 3060
3080 Bab
Kabanata 3051
“Ayos lang siya.” Huminto si Luke nang marinig niya na binanggit ang tatay ni Gwen, pagkatapos ay nagpatuloy siya ng may namamaos na boses, “Gwen… Alam mo ba na nagdala si Ben ng ibang babae sa bahay mo?”Napahinto si Gwen, pagkatapos ay tumango siya. “Napagkamalan ng mga tauhan ni Tyson ang isang kawawang babae na si Gwen ito at ito ang nahuli sa halip na si Gwen.Kahit na dumating sina Joshua at Luna, takot na takot pa rin si Gwen sa pangyayari. Kung hindi nagpakita si Ben at ang babaeng ‘yun, siya ang makikita at huhulihin ng mga tauhan ni Tyson.Sa ibang salita, niligtas ni Ben at ng girlfriend nito ang buhay niya.Tumango si Luke at nagpaliwanag siya, “Siya ang kinuha nila sa halip na ikaw, at sinabi nila sa amin ni Kurt na nahanap nila kayo. Akala ko ay kinuha ka na nila…”Nang mabangit ito, humigpit ang yakap ni Luke kay Gwen na para bang hindi niya na ito hahayaan na mawala ulit. “Pagkatapos ko itong mabalitaan, hinanap ko sila sa isang hotel, pero noong pumasok ako, nap
Baca selengkapnya
Kabanata 3052
Tahimik ng ilang sandali si Joshua, pagkatapos ay umiling siya. “Hindi ko alam.”Kahit na magkausap sila ni Stefan nitong nakaraan, si Luke ang lagi niyang kausap—hindi si Steven.Nang maisip niya ito, ang huling beses na makausap niya si Steven ay halos dalawang linggo na ang nakalipas.Ang dalawang magkapatid ay magkahati sa isang katawan, ngunit ito ay para bang naglaho ang konsensya ni Steven, at si Luke na lang ang naiwan.Nagtataka din si Joshua tungkol dito at binanggit niya na ito kay Luke noon.Kahit na si Luke ang namumuno sa kanilang katawan, wala ring ideya si Joshua kung saan napunta si Steven, o kung paano ito pababalikin.Iminungkahi ni Joshua kay Luke na ipatingin ito, ngunit busy si Luke sa pagharap kay Tyson at sa pag iisip ng plano para iligtas si Andy, kaya naman walang oras si Luke para bumisita sa doctor.Ang prayoridad nila ay ang hanapin at iligtas si Andy; ipapasuri ni Luke ang sarili niya kapag tapos na ito.Sino ang mag aakala na ang pekeng Gwen ay an
Baca selengkapnya
Kabanata 3053
“Nakasalalay ang buhay?” Tumayo si Tara nang marinig niya ito at kumunot ang noo niya. “Ano ang nangyari? Tinatakot ka ba ng asawa mo na magpapakamatay siya dahil sa tingin niyo ay pinagtaksilan mo siya?”Gumulong ang mga mata ni Joshua dahil dito. Bakit parang bata siya?Huminto si Joshua, pagkatapos ay nagpatuloy siya ng may mahinang boses, “Kailangan ko ng tulong mo para ipadala ang mga tauhan mo para iligtas ang isang tao. Isang matandang lalaki.”Tahimik si Tara ng ilang sandali bago niya mapagtanto ang nangyayari. “Gusto mo na iligtas ko ang tatay ni Gwen, hindi ba? Sige. Ipapadala ko ang mga tauhan ko.”Pagkatapos, nagdalawang isip siya ng ilang sandali, pagkatapos ay tinanong niya, “‘Yun lang ang kailangan kong gawin, hindi ba? Kailangan ba ay nandoon ako mismo?”“Hindi na kailangan,” Ang sagot ni Joshua.“Mabuti naman!” Pagkatapos, ibinaba ni Tara ang phone at tumawag siya sa manager ng Sharnwick City branch ng Moore Group.Pagkatapos ipasa ang mensahe ni Joshua, tumaas
Baca selengkapnya
Kabanata 3054
Tumaas ang kilay ni Tara nang marinig niya ang sagot ni John.Kilala niya kung sino si John, kaya naman inimbitahan niya ito para uminom at makisama. Tutal, kailangan niyang gumanap sa tungkulin niya para makumbinsi ito. Kung pumayag siya na tumulong kay John sa oras na humingi ito ng tulong, maghihinala si John na may kakaibang nangyayari.“May anak ka sa bahay at isang taong may malalang sakit?” Ang tanong ni Tara. Tumitig siya kay John habang nakataas ang mga kilay. “Sino naman ‘yun? Siya ba ang asawa mo?”Naalala niya base sa pag research niya kay John na ang asawa nito ay pumanaw na. Hindi lang ‘yun, ang pagkamatay pa ni Anne ang rason kung bakit pumatay si Luna at nakulong ito.Kaya naman, malamang ay isang tao lang ang inaalagaan ni John, at ito ay ang anak nila ni Anne.Sino pa ba ang inaalagaan niya? Buhay pa ba si Anne?Hindi inaasahan ni John na interesado si Tara sa buhay niya. Uminom siya ng mabagal para lumipas ang oras, pagkatapos ay sumagot siya ng nagdadalawang i
Baca selengkapnya
Kabanata 3055
Namutla si John dahil dito.Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya sa sarili at tumingin siya kay Tara ng nakangiti. “Ang kondisyon niya ay medyo komplikado para ipaliwanag ngayon.“Meron na akong doctor na nag aalaga sa kanya, kaya nahihirapan na lang ako sa pera kaya naging desperado ako, kaya hindi ko kailangan ang tulong niyo sa ngayon, President Moore. Pero, salamat sa pagmamalasakit niyo.”“‘Wag kayong mag alala. Tatawag ako kung kailangan ko ng tulong sa susunod.”Alam ni Tara na wala nang punto ang ipagpatuloy ang topic na ito, kaya ngumiti siya at nakipag toast siya kay John. “Sige pala. Tawagan mo lang ako kung kailangan, araw o gabi, nandito ako para tumulong.”Huminto si John, pagkatapos ay inubos niya ang buong baso ng wine. “Kailangan ko nang umalis, President Moore. Magkita na lang tayo sa bid!”Pagkatapos, ibinaba niya ang baso at umalis na siya.Pinanood ni Tara na umalis si John habang nakangiti siya, pagkatapos ay tumawag siya sa number ni John.Sa sandali
Baca selengkapnya
Kabanata 3056
Dumilim ang ekspresyon ni John nang mabanggit ang tungkol sa surgery.Huminto siya ng ilang sandali. Pagkatapos, nilabas nia ang isang piraso ng papel na binigay sa kanya ni Tara at sinabi niya, “Hindi ako sinubhukang tulungan ni President Moore. Ang ginawa niya lang ay ang bigyan ako ng chansa para makipag kompetensya sa ibang mga competitor.”Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Sinabi niya sa akin na ang taong gumagawa ng desisyon ay hindi mula sa Scarnfield City at garantisado na patas ang bid. Basta’t ipresenta ko ang kumpanya at ipakita ang sinseridad ko, sa tingin niya ay may chansa ako. Syempre, hindi rin ako sigurado dito.”Nagbuntong hininga ulit siya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya. “Robyn, mukhang kailangan ko munang mabigay ng mas maraming oras at lakas sa kumpanya, at ikaw…”“‘Wag kang mag alala!” Ngumiti si Robyn. “Tutulungan kitang alagaan si Anne at Sammie! Hindi ako walang kwenta na tulad ng iniisip mo. Graduate ako ng nursing school, kaya’t ‘wag ka
Baca selengkapnya
Kabanata 3057
“Kailangan lang natin maghintay.” Nagbuntong hininga si John at tinapik niya sa balikat si Robyn. “Matagal na proseso ang pag galing, at hindi natin ito dapat madaliin.”Ngumiti si Robyn. “Masaya ako na positibo ka mag isip, John. Maswerte si Anne na makasama ka.”Tumawa si John nang marinig niya ito. “Hindi ako sang ayon dito.”Minsan, iniisip niya kung siya ang humila pababa kay Anne.Pagkatapos makilala ang social circle ni Anne, napagtanto ni John na hindi dapat nagpakasal si Anne sa isang ordinaryong lalaki na tulad niya.Ang lahat ng mga kaibigan ni Anne ay miyembro ng social elite. Halimbawa, si Luna ay mula sa isang makapangyarihan na pamilya kahit na dati siyang inampon ng mga Gibson.Samantala, si Bonnie naman ay ang tagapagmana ng malaking halaga ng pera.Si Anne ay isang prestihiyoso na plastic surgeon at may mataas na reputasyon siya sa larangan na ito. Madali lang na magpakasal siya sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya na kayang kumuha ng mga bodyguard para
Baca selengkapnya
Kabanata 3058
“Kailangan kong dumalo sa isang social obligation, at uminom ako ng konti.” Ngumiti si John nang makita niya ang mga mata ni Anne. Umupo siya sa tabi nito sa kama at umakbay siya sa balikat ni Anne.Maraming timbang ang nabawas kay Anne at ang nararamdaman ni John ay ang buto ni Anne mula sa balat nito. Kahit na isang payat na babae si Anne dati, at least ay malusog siya. Ngunit, hindi na ito ang sitwasyon ngayon.Nagbuntong hininga si John. “Sinabi ni Robyn sa akin na natutulog ka na. Bakit pala hindi ka pa tulog?”Tinikom ni Anne ang mga labi niya at nagsimula siyang magtype sa phone niya. [Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kay Robyn.]Tahimik ng ilang sandali si Jon bago niya hinalikan ang noo niya. “Anne, sa tingin ko ay… hindi ka mauuwi sa ganito kung hindi dahil sa akin.”“Lagi kitang sinisisi at sumama ka sa mga taong hindi dapat samahan at tumanggi pa ako sa tulong ni Joshua, pero ang katotohanan, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko para sa lahat. Kung hindi mo pin
Baca selengkapnya
Kabanata 3059
Nagbuntong hininga si Anne at pinunasan niya ang mga luha ni John. Pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti.“Pwede ka bang magsalita, Anne?” Nanginginig ang boses ni John. “Sinabi ng doctor na ayos lang ang vocal cords mo, at wala ring problema sa mga tainga at bibig mo. Walang pumipigil sayo sa pagsasalita. Isang mental block lang ito…”“Sabihin mo sa akin ang nasa isip mo, Anne. Sabihin mo sa akin, at haharapin natin ito ng magkasama.”Tumulo ang mga luha ni John sa leeg ni Anne at papunta sa shirt nito. “Anne, gusto ko talaga marinig ang boses mo. Hindi ko mahintay na marinig ulit ang boses mo.”Malaki ang pressure sa kanya simula noong umalis sila ng Banyan City, at lalo na ngayon at dumating sila sa Scarnfield City.Pinili niya na pumunta dito dahil akala niya ay maganda ang buhay ni Robyn, ngunit sa huli ay nagkamali siya.Hirap na si Robyn, at ang pagdating nila ay nagpalala lang ng sitwasyon niya.Si John ay isang masipag na tao, at hindi niya intensyon na gumawa ng gulo pa
Baca selengkapnya
Kabanata 3060
Matagal na niyakap ni John si Anne bago siya bumalik sa pagiging kalmado. Hinalikan niya ito sa noo at hinawakan niya ng malambing ang mukha nito. “Matulog na tayo? Gagawa ako ng isang baso ng maligamgam na gatas para sayo kung hindi ka makatulog.”Tumango si Anne.Pagkatapos, ngumiti si John at hinalikan niya ulit si Anne bago siya umalis ng kwarto.Madilim ang sala, ibig sabihin ay tulog na si Robyn.Binuksan ni John ang ilaw, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa kusina at kinuha niya ang karton ng gatas at pinainit niya ang isang tasa ng gatas.Bumalik siya sa bedroom dala ang tasa ni Anne, nakita niya na nakatitig si Anne sa apartment building sa labas ng bintana.Sa sandaling ito, ang buong gusali ay puno ng ilaw at puno ng sigla. May mga kotse na nakapark sa labas ng gusali at maraming mga lalaking nakasuot ng itim ang pumasok sa gusali na para bang may hinahanap sila.Kumunot ang noo ni John. “Mga pulis ba ‘yun?”Hindi mukhang mga pulis ang mga lalaking ‘yun, pero kung
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
303304305306307308
DMCA.com Protection Status