All Chapters of The Cold Heartless Bitchy Nerd: Chapter 71 - Chapter 80
108 Chapters
KABANATA LIX
VENUZ POV  "Nasaan na naman ako?" saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kwartong kinalalagyan ko.   Hindi puti ang paligid ko, kaya malamang wala pa ko sa langit. Ewan ko na lang tanggapin pa ako do'n. Pero, teka nga.  "Sino ka?" Baling ko sa babaeng ngayong ko lang napansin na nasa gilid ko pala.  "Pinatulog lang kita, te. Ano nakalimut agad?" sarkastiko nitong sagot sa akin.  Napa-irap naman ako sa babaeng 'to, malay ko ba naman kasi. Sino nga ba ulit siya? Rosy? Rossie? Russ?  "Rose, Rose ang pangalan ko. Naalala mo na?" Ngayon naman ay nagtataray na ito sa akin. Moodswing, ah!   "Ah! Tama, ikaw 'yong babaeng bumaril sa akin."
Read more
KABANATA LX.1
  THIRD PERSON POV  "Hoy, Venuz. Kanina ka pa tulala diyan. Ano ba kasing iniisip mo?" untag ni Alex kay Venuz na nakatitig lamang sa kawalan.   Unang araw muli nilang pumasok sa klase, at nandito sila ngayon sa field kasama ang grupo ng Vermin. Nag-desisyon silang magpulong-pulong roon para sa kanilang gagawin.   Tila nagising naman ang diwa ni Venuz sa ginawang pagwisik ni Dexie ng tubig sa mukha niya.   "Hoy! Ano ba 'yon?" sagot nito sa kaniyang mga kasama at pinunasan ang mukha niyang natalsikan ng tubig.  "Anong, ano ba 'yon? Sira ka, kanina ka pa tulala diyan dakdak kami nang dakdak dito. Haler!" Maarteng lintanya ni Alex sa kaniya.&nb
Read more
KABANATA LX.2
   Katulad kahapon ay hindi pa rin iniimik ni Venuz si Kevin. Tahimik lang ang kanilang byahe, pinakikiramdaman lamang ni Kevin si Venuz kung ito ba ay magsasalita. Gaya nga ng pangako niya ay sinundo niya ito sa bahay nila.  "Babe, okay ka lang ba talaga?" Hindi na nakatiis pang magtanong si Kevin.  "Uhm, oo. Medyo masakit lang ulo ko sa mga nangyayari."   "Gusto mo ba bumalik na lang tayo sa inyo? Magpahinga ka na muna, baka ikaw naman ang ma-hospital niyan." Hininto ni Kevin ang sasakyan sa gilid at hinarap si Venuz.  Hinawakan niya ang pisngi nito at masuyong hinaplos. Nakatitig lang sa kaniya si Venuz na para bang kinakabisado nito ang kaniyang mukha at bigla na lamang itong umiwas din agad.  "Okay lang ako. Marami pa tayong
Read more
KABANATA LXI
Parang napako sa kinauupuan si Venuz ng mapagtanto niya ang taong nasa harapan niya ngayon."Bakit ganiyan kayo makatingin? Para kang nakakita ng multo, ah," walang ganang usal nito sa kanila at umupo ito sa tapat ni Venuz dahil iyon lamang ang bakante.Halos lahat sila ay nakatitig lang kay Angelica, hindi sila makapaniwala na lumitaw ito sa harapan nila na para bang wala itong ginawa sa kanila."Kumusta?" Halos mahigit ni Venuz ang hininga niya para lang makapagsalita sa kaniyang kaibigan.Tahimik lang itong kumakain dahil sa bigat at tahimik na tensyon na kanilang nararamdaman sa bilog na lamesang iyon. Tanging si Venuz lang ang nagtangka na makapagsalita sa kanila."Good." Tipid lang nitong sagot sa kaniya.Napatango na lamang si Venuz sa sinagot nito at napa-inom sa kaniyang lemonade juice. Tila nagbago ang ihip sa bagay na gustong itanong ni Venuz kanina lang, pakiramdam niya umatras ang dila niya ng
Read more
KABANATA LXII.1
Nagising si Alex dahil sa gutom at napagdesisyunan niyang kumuha na muna ng pagkain sa kanilang kusina. Pero, inis niyang isinara ang refrigerator dahil wala siyang nakita na kahit anong pagkain doon. "Ate Luz!" sigaw niya mula sa kusina. Agad naman lumitaw sa kaniyang likuran si Luz na naghihikab at nagtatakang napatingin sa kaniya. Inis na nilingon ito ni Alex at pinagkrus ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib. "Ate Luz, bakit naman walang pagkain dito?" "Ah...eh, sorry po. Pero kasi, bukas pa po kasi kami ng umaga mamimili ulit. Hating gabi na po, bakit gising pa po kayo?" "Aish!" Umalis siyang naiinis at hindi na pinansin ang tanong nito. "Ano bang klase bahay ito? Ang laki-laki pero wala man lang makain. Peste!" Padabog siyang umakyat ulit sa kaniyang kwarto. Kumuha siya ng jacket sa kaniyang walk-in closet, naisipan niyang lumabas para humanap ng makakain. Paalis na siya nang mapansin niya ang
Read more
KABANATA LXII.II
Masayang umuwi si Alex dahil ang mga katanungan niya sa kaniyang sarili ay nasagot na rin. Hinatid siya ni Angelica sa kanila dahil ang sasakyan niya ay pinapa-ayos nito dahil sa nangyari. Hindi maipinta ang ngiti ni Alex sa kaniyang mga naalala.   Pinakain din muna siya ni Angelica bago siya nito ihatid. Masaya siya dahil nakakwentuhan niya pa si Angelica kahit noong matapos itong magkwento ay maikli na lamang ito kung magsalita, hindi naman siya nainis dahil noon pa man bago niya pa lang ito makilala ay hindi talaga ito pala-salita. Klaro na rin lahat ng alaala sa kaniya. Kahit ang aksidenteng nangyari ay naalala na rin niya. "Hindi ako mapaniwalang dahil sa naghahabulan na mga sasakyan na iyon, ay madadamay kami. Ilang taon din akong nagtiis na malaman ang bagay na bigla na lang lumalabas sa alaala ko." Hindi makapaniwalang bulalas ni Alex sa kaniyang sarili. "Ma'am, nakauwi na po pala kayo. Nandiyan na po ang mommy niyo po." Nakakunot
Read more
KABANATA LXIII.1
 Angelica's POV  "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" usal ko sa kausap ko sa kabilang linya.  Naka-upo lang ako rito sa aking office matapos ang pag-uusap namin ni Alex kanina lang. Tapos ito, may kausap ako ngayon sa telepono, siguradong matutuwa ako sa gagawin ko ngayon. Easy money!  "Oo. Ilang araw ko rin pinag-isipan ang bagay na ito, pero puro galit lang ang nananaig sa akin kada makikita ko siya." Ramdam ko ang gigil nito kahit sa telepono pa lang kaya napa-ngisi ako kahit hindi nito nakikita.  "Okay. You said so."   "Teka, kailan mo ba balak gawin ang inuutos ko?"   Saglit akong napa-isip, masyado pa akong nag-eenjoy sa taong iyon. Pero siguro mas mag-eenjoy siguro ako
Read more
KABANATA LXIII.2
    Pinagmasdan ko ang apat na na ginapos ko sa kaniya-kaniya nila mga upuan. Siniguro kong hindi sila basta-basta makakawala sa taling ginawa ko at hindi rin nila ito basta-basta mapuputol kung sakali mang mayroon man silang nakatagong matulis na bagay.   Ang tatagal gumising ng apat, masyado ng nasarapan matulog. Kumuha ako ng timba at nilagyan ko ito ng mga ice tube na binili ko bago kami makarating dito sa pinagdalhan ko sa kanila. Walang taong dumaraan sa lugar na ito, at syempre pagmamay-ari ko rin ito.   ibinuhos ko sa apat ang tubig na may yelo para magising na sila dahil naiinip na ako kakahintay sa kanila. Hindi naman ako nagkamali dahil nagising din naman sila agad at lamig na lamig sa kanilang naramdaman. Dapat lang!  "Ang la
Read more
KABANATA LXIII.3
Nanlilisik ang mata ni Venuz na nakatingin kay Kevin at nasisiyahan ako sa nakikita kong iyon. Tila gusto kong pumalakpak sa tuwa at tumawa nang tumawa sa nakikitang hitsura ni Kevin na ngayon ay namumugto ang mga mata na umiiling sa harap ni Venuz.Kitang-kita naman ng mga mata ko ang selos sa mga mata ni Marie, napapangisi na lang ako sa tagpong nasa harapan ko ngayon."B... babe.""Huwag mo akong matawag na babe! Dahil nandidiri na ako sa tuwing naririnig ko ang tawag na 'yan!" Halos lumabas na ang litid sa leeg ni Venuz sa galit.Isang malakas na tunog nang sampal ang umalingawngaw sa aking tainga matapos ang gawin ni Venuz. Hindi ko na napigilan pa kaya't mahinang tawa ang kumawala sa aking bibig. Hindi makapaniwalang napatingin si Kevin sa ginawa ng aking matalik na kaibigan."Masyado ka kasing nagpauto sa mga bagay na sinasabi ko sa 'yo, e," usal ko kay Kevin habang pinaglalaruan ang kunai na hinugot ko sa ulo n
Read more
KABANATA LXIV
  "Sigurado ka ba sa nalaman mo, James?" usal ni Steve sa kaniya.   Tumango siya rito bilang sagot, tila mawawasak ang lamesang bakal na nasa kanilang harapan dahil sa lakas ng pagbagsak ni Steve sa kamao niya rito. Si Romnic naman ay nakahawak sa kaniyang sintido habang si Kurt ay napapikit at malakas na sinuntok ang pader na kaniyang kinasasandalan.  "Paanong nangyari 'yon?! Sino may gawa no'n?!" nagtatagis ang ngipin ni Steve sa galit at hindi ito nakuntento sa kaniyang ginawa sa lamesa. Itinaob niya ito at binigyan pa ng sipa.  Narito sila ngayon sa kanilang hideout na tinawag na rin nilang headquarters nila pagbalik sa madugong larong kinalagyan nila sa kamay ni Angelica.  "Calm down, hindi naman makakatulong iyang pagwawala mo," sambit ni Kurt na ngayon ay nakatitig sa l
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status