All Chapters of The Cold Heartless Bitchy Nerd: Chapter 61 - Chapter 70
108 Chapters
KABANATA LV.1
  "Kailangan talaga hiwa talaga sa dalawa? Grabe, 'di kinakaya ng sikmura ko," usal ni Thea kay Dexie paglapit nito sa kanila.  "E, ayaw mamatay, e." Napa-iling na lamang sila Venuz sa sinagot nito.  "Mabuti pa umalis na tayo rito, nang makapagpahinga na ang iba," utos ni Dexie sa kanilang mga kasamahan.  Mabigat man ang damdamin nilang nilisan ang lugar dahil halos nangalahati na lamang sila sa grupo ay pilit nilang tinatagan ang sarili. Habang sila'y naglalakad sa madilim na kanilang dinadaanan ay bigla na lamang umimik si Venuz.   "Gusto kong magalit, pero alam kong hindi ito ang tamang panahon at oras."   Dahil silang lima ang nangunguna sa paglalakad at magkakasama, sabay-sabay na napalingon
Read more
KABANATA LV.2
  Pilit nililibang ni James ang sarili para hindi makatulog katulad ni Kevin. Delikado kasi para sa kanilang lahat na manatiling tulog dahil tandang-tanda nila ang habilin ni Angelica bago sila pumasok sa lugar na ito, na may limang oras lamang sila para magpahinga sa isang lugar dahil kung hindi ay mawawalan na lamang sila ng buhay bigla.  Naisip na rin ni James na magbilang ng damo na kanilang pinagpapahingahan para lang hindi dalawin ng antok. Gusto niya na lang matawa sa sarili dahil sa kaniyang ginagawa. Nawala sa pagbibilang si James nang bigla na lamang siyang batuhin ng maliit na bato kaya't napatingin siya sa gumawa nito.  "Bakit?" tanong niya kay Kevin na sumisenyas sa kaniya na lumapit sa kaniyang pwesto.   Agad naman itong sinunod ni James kahit na may pagtataka sa kaniyang mukha.
Read more
KABANATA LVI.1
After 3 days... "Ano bang nangyayari kay Venuz? Napapadalas na ang kaniyang pagsigaw at panginginig tapos magigising sa pagtulog?" nag-aalalang tanong ni Dexie na abalang nagtatanggal nang bala sa kaniyang tagiliran.Halos mangiwi ang ilan sa kaniyang mga kasamahan dahil pakiramdam nila ay sobrang sakit ng ginagawa niya. Hindi nila alam kung saan galing ang alak na pinambuhos niya sa kaniyang sugat, tila hindi ito nasasaktan dahil nagawa pa nitong magtanung sa kabila ng kaniyang sitwasyon."Sigurado ka bang ligtas iyang ginagamit mo sa pagtanggal ng bala sa katawan mo?" usal ni Marie, ang estudyanteng nakapukaw ng atensyon ni Kurt noong makapasok sila sa lugar.Siya iyong babaeng naka-puting t-shirt at jeggings ang suot, Nagpakilala ito sa kanila bilang isang nursing student, nag-alok din ito kay Dexie na siya ang maggagamot dito pero tinanggihan lamang siya ni Dexie dahil sanay itong siya lang mismo ang gumagamot sa
Read more
KABANATA LVI.2
"Hanggang ngayon pala, mahina ka pa rin." Bakas sa mukha ng babae ang pang-iinsulto nito kay Dexie.Nanggagalaiti namang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Dexie at muling hinarap ang babae. Hanggang ngayon ay umaalab pa rin ang galit sa kaniyang puso lalo na ng makita niyang muli ang mga taong pumatay sa kaniyang minamahal."Mga wala kayong puso!" Sigaw niya at saka muling sumugod."Parehas lang tayo."Mabigat ang hininga ni Dexie dahil muli siyang napahiga at ngayon ay may nakatutok sa kaniyang dagger, nakatukod din sa kaniyang dibdib ang tuhod nito habang hawak ang kaniyang isang kamay kaya't nahirapan siyang makakilos."See? Weak ka pa rin at sisiguraduhin kong hindi ka na mabubu – "Bigla na lamang naagawa ang atensyon ng babae at ni Dexie sa biglaang pagsigaw ni Venuz. Napatingin sila sa gawi nito at nakita ni Dexie na nanginginig itong nakatingin sa kanilang dalawa. Napakunot noo
Read more
KABANATA LVII.1
"Paano ba 'yan mukhang ikaw na lang ang natitira sa grupo mo," nakangising usal ni Dexie sa nag-iisa na lang nilang kalaban."Wala akong pakialam sa mahihinang nilalang na iyon." sagot nito sa kaniya habang nakangisi rin.Natawa na lang si Dexie sa tapang na ipinapakita nito kahit na siya na lamang ang natira sa kaniyang grupo. Pero, hindi niya rin maitatanggi sa kaniyang sarili na masyadong malakas ang taong ito kahit pa duguan na ang kanang braso nito sa kaniyang pagsaksak dahil kinakaya pa rin nitong makatayo ng tuwid.Nagawa pa nitong magbalat nang kaniyang bubble gum at muling ngumuya nito. Nagagawa rin nitong ngumisi na para bang walang iniindang sakit sa braso."Tignan natin kung magawa mo pang maka-ngisi pag nakahandusay ka na sa sahig."Nakahanda na ring sumugod ang iba nang pigilan sila ni Dexie kaya't napatingin sila sa kaniya."Hayaan niyo ng ako ang tumapos nito, nang maipaghiganti ko man lang
Read more
KABANATA LVII.2
"Susundan ko sila, may pakiramdam akong hindi magandang mangyayari," usal ni Alex sa kaniyang mga kasamahan."Sasama na kami, hindi ka namin puwedeng iwan.""Pero Clariss... ""Wala ng pero pero. Sasamahan ka namin ni Thea.""At sinong may sabing maaari kayong maka-alis?" Isang palaso ang mabilis na tumama sa kanilang direksyon na muntik ng tumama sa kanilang mga bungo.""F*ck! Muntik na kami doon ah!" sigaw na usal ni Clariss sa lalaki na nagpakilala na bilang si Eleazar."Ha, patikim pa lang 'yan sa inyo pag sinubukan niyong muli umalis sa kinatatayuan ninyo." Nakangisi pa ito sa kanila habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay."Asar naman, oh!" Napapadyak na saad ni Alex."Binayaran ka ba ng nerd na 'yon?! Sabihin mo sa amin!" Halos magdugo na ang kamay ni Steve sa kaniyang pagkakakuyom ng kamao."Ah, iyong babaeng 'yon ba? Oo. Isa pa, dagdag na rin sa pera
Read more
KABANATA LVII.3
Buhat-buhat ni Kevin si Venuz pangkasal habang tahimik na naglalakad. Napatingin siya sa gawi ni Marie na tahimik lang din na naglalakad katabi niya. Pinaglalaruan nito ang kutsilyong ginamit nito kanina lamang, hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kaniya kung ano nga ba talaga ang katauhan nito."Bakit?" Napaiwas siya ng tingin nang bigla na lamang ito lumingon sa kaniya."W... wala.""Huwag mo sabihing, natatakot ka sa akin gayong parehas lang naman tayo." Nagtataka siyang napahinto at napatingin muli kay Marie."Pero hindi ako ganoong kabrutal pumatay gaya ng ginawa mo." Isang ngisi lamang ang binigay sa kaniya nito at naglakad ng muli.Napa-iling na lamang si Kevin. Pinili nilang hindi na manatili sa lugar na kanilang pinaghintuan kani-kanina lamang dahil sa pag-aakalang baka may mga iba pang sumunod sa kanila."So, saan na tayo nito?""Hindi ko alam. Mabuti pa dito na tayo magpalipas
Read more
KABANATA LVIII.1
"Ano pala nangyari sa pakikipaglaban ninyo sa mga bwisit na butcher na iyon?"Napatingin si Steve kay Kevin dahil sa biglaan nitong tanong. Muntikan niya ng makalimutan ang ginawa nilang pagtakas sa mga iyon."Iyon ba, tinakasan na lang namin 'yong mga yon." Natatawa pang sagot ni Steve."Ano?!" Halos napasigaw na usal ni Kevin."Bingi ka ba, tol? Ang lapit-lapit na natin sa isa't-isa hindi mo pa narinig ang sinabi ko.""G*g* ka talaga. So, ano nga?""Tinakasan nga namin, pare! Bingi ka ba talaga?" Nakatanggap ng batok si Steve sa pamimilosopo nito."Kailan pa kayo naduwag, ha?""Inamo pare, sa dami ng mga lintek na 'yon. Kala mo kaya namin? Tignan mo nga kung iilan na lang kaming lumaban sa mga hayop na 'yon!" Biglang singit ni James sa kanilang usapan.Hinawakan pa ni James ang mukha ni Kevin para ilingon sa kanilang mga kasamahan. Sa limang araw na nagdaan doon niy
Read more
KABANATA LVIII.2
"Mukhang naabala ko kayo sa inyong pagkakasiyahan."Gulat ang rumihestro sa kanilang mga mukha sa paglitaw ni Eleazar kasama ang mga tauhan nito pagkawala ng usok galing sa pagsabog. Nakangisi ito sa kanila ng malawak habang pinaglalaruan ang kunai sa kaniyang kamay. Tila tinatanya rin nito ang tulis ng kunai sa kaniyang kamay."Sh*t, nahanap na nila tayo.""Bakit hindi? Sa lugar na ito hindi kayo basta-basta makakatakas lang sa lugar na ito.""Mukhang wala na tayong takas ngayon, we have no choice but to fight them," saad ni Dexie sa kaniyang mga kasamahan."Sasama ako makipaglaban.""Pero Venuz, halos kakagising mo lang galing sa natamo mo," nag-aalalang usal ni James sa kaniya."Oo nga, babe. Kami ng bahala rito.""Hindi, tutulong ako. Konti na lang tayo kaya kailangan natin lumaban lahat.""Venuz, huwag ka ng makulit. May isang araw pa tayo, malamang meron pa tayo
Read more
KABANATA LVIII.3
Akmang tatayong muli si Eleazar ngunit bigla na lamang lumapit sa kaniya si Dexie at inapakan ang kaniyang dibdib. Hinawakan niya ang pa ni Dexie para maakawala sa pagkaka-apak nito sa kaniya, pero mas diniinan pa nito ang ginawa sa kaniya. Napadaing naman siya sa sakit. "Subukan mong tumayo riyan, sisiguraduhin kong tatarak tong hawak ko sa leeg mo." Nakatutok ngayon sa leeg niya ang katana. "Hindi ka na rin naman makakaligtas pa, ikaw na lang ang natitira sa miyembro mo." Lumingon siya sa kaniyang mga kasamahan. Mga nakahandusay na ang mga ito at wala ng mga buhay pa. Napangisi na lamang si Eleazar at nagawa pa niyang tumawa na para bang nababaliw na. Sa inis ni Dexie ay mas lalo pa nito diniinan ang kaniyang pag-apak. "Stop laughing, old man," usal ni Kurt. Nanlaki ang mata ni Eleazar nang makita nito ang baril na ngayon ay nakatutok na sa kaniya. Napangisi naman si Kurt sa kaniyang naging reaksyon at natawang napa-iling
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status