Semua Bab Mission: Kill Jaguar: Bab 21 - Bab 30
91 Bab
Chapter Twenty-One: You Are Not Alone
"Nondisjunction is a failure of the chromosome pairs to separate during meiosis while Menosomy is..."       Hindi ko magawang makinig sa tinuturo ni Ma'am Yesha dahil ang utak ko ay lumilipad sa kung saan. Napalunok ako ng mariin at napahawak sa kamay ko, pinipigilan ang panginginig na naman nito. Tila ang mga sinasabi ng guro naming nasa harapan ay nilalamon lamang ng kaisipan ko sa nasaksihan ko kahapon.       Si Jax at Leo ba talaga ang nakita ko kahapon? Baka naman napagkamalan ko lang na sila 'yon?        Humugot ako ng malalim na hininga bago ibinuga iyon at tumango-tango sa sariling kaisipan na pilit kong pinapaniwala sa sarili.       Oo, tama. Malabong sina Jax at Leo 'yon. Hindi sila 'yon, Leanne. So please fucking calm down!       Ngunit
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Two: You Should Be Scared Of Him
  Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dacey habang naglalakad na kaming mgakakaiba papalabas ng paaralan. Uwian na at ang d****b ko ay halos sumabog sa mabibilis na pagtibok nito, natatakot na baka makita ko si Jax na may dalang kutsilyo at nag-aabang sa gate upang saksakin ako.       "Leanne, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Ravah nang mapansin nila na halos magtago ako sa likod ni Dacey at ang panginginig ng kamay ko na hawak din ng mahigpit ni Dacey.       Anong nangyayari sa akin?       Hindi ko na rin alam. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat sa sobrang takot. Tila bumabalik ang trauma ko at hindi ko mapigilang magpanic.       Napakaraming estudyante ang kasabay naming lumabas ngayon ngunit natatakot pa rin ako. iniisip na baka wala naman si Jax sa gate at baka narito s
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Three: False Hero Move
"Anak, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Iyon ang agad na itinanong ni Mommy pagkauwi namin sa bahay.       Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay dederetso pa kami sa bahay nina auntie Lei, mabuti na lamang ay hindi. Hindi pa ako handang makita si Leo. Masyado pang sariwa sa akin ang scenario nila ni Jax na nahuli ko na ultimo siya ay hindi ko kayang makita.       Wala sa sarili kong tinanggal ang sapatos ko at deretsong naglakad papalapit sa aking kuwarto ngunit natigilan ako nang biglang may humawak sa aking kamay. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nag-aalalang si Mommy.       Mula kanina ay hindi na nawala sa kaniyang itsura ang pag-aalala.       "Anak, makikinig ako..." marahang sambit ni Mommy habang ang kaniyang mga mata ay kumikislap na dahil sa mga nagbabadya na namang luha.
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Four: I Thought I Lost My Leanne
"Leanne, bakit ka pa pumasok?" nag-aalalang tanong ni Ravah.       Kinabukasan, pagkapasok ko palang ng classroom ay nasa akin agad ang mga mata ng aking mga kaklase habang ang mga kaibigan ko ay sabay-sabay na tumayo sa kanilang mga upuan at lumapit sa akin.       Bahagya akong ngumiti sa kanila.       Umiling ako kay Larra nang akmang kukunin pa niya ang bag ko upang siya na ang maglagay nito sa upuan ko.       "I'm fine. Don't worry," natatawang sambit ko ngunit hindi man lang nabawasan ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.       Pagkaupo ko ay napabuntong-hininga ako.       The truth is until now... I'm not fine.        Pagkatapos kong malaman ang tun
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Five: Jax & Jaguar
"How are you? May masakit pa rin ba sa'yo? Tell me."       Nanatili lamang akong nakatingin kay Sir Leandro nang lumapit siya sa kaniyang maliit na fridge. Pinaupo niya lamang ako rito sa upuan niya mismo habang sunod-sunod ang kaniyang mga tanong. Hindi ko naman magawang sagutin ang kaniyang mga tanong dahil ngayon palang nagsi-sink in sa akin ang lahat.       Papaanong nakalimutan ko na ang first love ko ay isang teacher? Ngayong naaalala ko na ito ay hindi na naman ako makapaniwala sa batang ako lalo na ngayong tila may nararamdaman din para sa akin ang lalaking teacher na 'to.       "Here. Ayos na ba sa'yo kung 'yan lang kakainin mo?" tanong niya matapos niya ilapag ang mga pagkain sa glass table niyang nasa harapan ko.       Nang tingnan ko ang mga pagkain na nilapag niya ay mabilis na kumulo
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Six: Not A Bad People Nor A Murderer
"Leanne, nasa labas si Leo."       Mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking marker nang marinig ko ang boses ni Mommy sa labas ng aking kuwarto. Kagat-kagat ko ang aking labi dahil ramdam ko ang panginginig nito habang ang pawis ko ay tumatagaktak na mula sa aking ulo.       "Leanne?" tawag pa sa akin ni Mommy hanggang sa marinig ko ang pagsubok niya na buksan ang pintuan ng aking kuwarto ngunit siniguro kong naka-lock 'yon upang hindi ako maistorbo sa ginagawa ko.       Nagpatuloy ako sa aking pagsusulat, hindi pinapansin ang sinabi ni Mommy ngunit nang makarinig ako ng tatlong kalampag sa aking pintuan ay napatayo ako sa gulat.       "Leanne?! Are you okay?!" Dinig kong sigaw ni Mommy sa labas ng aking kuwarto habang kinakalampag ang aking pintuan. "Please, answer me, anak!"  
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Seven: Good Luck Then
Buong gabi ay paulit-ulit kong binabasa ang sinulat ni Leo sa aking journal. Halos hindi ako makatulog at tanging 'yon lamang ang tumatakbo sa aking isipan.       Napatingin ako sa orasan.       Pasado alas-dose na ng madaling araw.       "Damn..." bulong ko bago itinakip ang journal sa aking mukha.       That guy raped the girlfriend of their friend. That guy almost killed their friend. That's why Jax stabbed him dahil sino ba naman ang hindi magagalit do'n–       "Ah! Damn it, Leanne!" Sa inis ko ay napabangon ako sa aking kama.       Baka nakakalimutan mong galit ka, Leanne? Bakit parang kumakampi ka na ata kay Jax? Kahit na galit siya ay wala pa rin siyang karapatan na saksakin ang lalaking 'yon! For h
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Eight: What Should I Do?
"Oh, Leanne!"   Nanlaki ang mata ko nang pagkalabas ko pa lamang ng kuwarto ay yakap agad ni auntie Lei ang sumalubong sa akin.   "How are you feeling? Nabalitaan ko kay Lea ang nangyari  sa'yo sa school niyo. Sinasabi ko na nga ba at kaya parang may nakikita akong kakaiba sa'yo. 'Yun pala ay may sakit ka na!" mabibilis na sambit ni auntie Lei habang yakap ang leeg ko at niyuyugyog, panay ang kaniyang pagsinghot kahit wala namang niluluha.   Napangiwi ako.   "Auntie, nasasakal na po ako," sambit ko.   "Oh! I'm sorry!" Mabilis niya akong binitawan ngunit hinawakan naman ng mahigpit ang kamay ko.   "Anong sabi ko sa'yo? Pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka di'ba? Wether it's about school, friends or boys-wait, are you broken hearted?! Is that why you have depression?! Kasi kung sasabihin mong binu-bully ka sa school niyo, e hindi ako manini
Baca selengkapnya
Chapter Twenty-Nine: He's Dating The Nerd
"Ma, alis na po ako!" Mabilis akong tumayo sa kama at lumapit sa pintuan nang marinig ko ang pagpapaalam ni Leo kay auntie Lei. "At saan ka na naman pupunta ikaw na bata ka?! Hindi ka ba mapalagay dito sa bahay?! Imbis na laruin mo na lang ang pinsan mo ay naglalakwatsa ka pa!" Rinig kong sigaw ni auntie Lei. Napangiwi ako sa sinabi ni auntie Lei habang dahan-dahang binubuksan ng maliit ang pintuan. Nakita ko agad ang maangas na pormahan ni Leo habang may dalang... "Gitara? Ano namang gagawin niya sa gitara? Jamming with Black Panther? You gotta be kidding me," bulong ko sa sarili habang hinihintay na matapos si auntie Lei sa pagtalak kay Leo upang masundan ko na siya kung saan man siya pupunta. "Laro? Ano 'yan, bata?" Napatango naman ako sa naging sagot ni Leo, tahimik na sumasang-ayon. Oo nga naman. Ano ako, bata? Para laruin pa ng kapre na 'yan? Baka nga ang laruin pa namin niyan ay saksakan ng kutsilyo! "Kahit na! A
Baca selengkapnya
Chapter Thirty: Dark Forest
"Leanne, saan ka pupunta?"       Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla kong marinig ang masungit na tanong ni auntie Lei. Kakaalis lamang ni Leo at ito na ang pang limang beses na susundan ko siya.       "I'm asking you, Leanne. Humarap ka sa'kin."       Napapikit ako sa inis at binitawan ang hawakan ng pintuan bago dahan-dahang humarap kay auntie. At doon ay nakita ko ang masungit at nagtataka niyang tingin.       "Saan ka pupunta? Bakit sa tuwing umaalis si Leo, umaalis ka rin?" tanong niya habang magka-krus ang kaniyang braso. Ang mga mata niya ay puno ng pagtataka at pagdududa.       Napakurap-kurap ako at napalunok.       Buong akala ko ay hindi niya ako napapansin at nahuhuli pero bakit alam niya n
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
10
DMCA.com Protection Status