All Chapters of The Mafia's Hidden Angel (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
91 Chapters
CHAPTER 10
Maghapon na walang dumating na pagkain. Gutom at uhaw na si Kryzell ngunit walang nakaalala sa kan'ya mula sa loob ng mansion. Kahit ang nobyo na minsan n'yang minahal ay hindi man lang siya naisip na dalawin at dal'han ng kahit tubig man lang.      Mainit sa silid na kinaroroonan ng dalaga. Ang kwarto ay nabububungan ng pinagtagpi-tagping butas na yero. Dati itong tambakan ng mga gamit ngunit dahil sa mga nakaraang sama ng panahon kaya nasira na ang bubong nito at hindi na naipaayos ni Don Matias bago siya namatay.      Pagdating ng gabi ay namimilipit na sa sakit ng tiyan niya ang dalaga. Alumpihit na siya dahil sa madalas na pagtunog ng kaniyang tiyan at panunuyo ng kaniyang lalamunan. Panay ang dasal niya ng himala habang tahimik na umiiyak.      "Hindi nila ako bubuhayin. Ngayon tiyak ko nang ako ang langaw na gustong mawala ni Tita Hilda," umiiyak na sabi ni Kry
Read more
CHAPTER 11
Masama ang tingin ni Kaizer sa babaeng nasa harapan niya. Duguan ito dahil sa saksak sa kan'yang tiyan. Batid ng binata na hindi ganoon kalaliman ang sugat ng babae ngunit may isang bagay na nagpapakaba sa puso niya.      "She's familiar," bulong ng isip ni Kaizer. "Impossible! Simple si Jade at hindi sophisticated na katulad nito."      Walang malay ang nasagip nilang babae. At dahil isang nurse dati si Mer sa isang kilalang hospital ng bansa kaya siya ang humugot ng kutsilyo sa katawan ng dalaga. Naramdaman ni Kryzell ang biglang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang tiyan ngunit para siyang hinihila ng kung ano sa malalim na kadiliman.      Agad na benendahan ni Mer ang sugat sa tiyan ni Kryzell. Mababaw ang sugat nito at hindi umabot sa internal organs ng dalaga kaya batid ni Mer na magiging okay rin ang napulot nilang babae.     
Read more
CHAPTER 12
Ilang araw nang nasa isla si Kryzell ngunit hindi n'ya na muling nakita pa ang lalaki na nag-alok sa kan'ya bilang powerless wife nito. Kapag nagtatanong naman siya sa mga taong nagdadala sa kan'ya ng pagkain ay walang gustong magsalita sa mga ito. Magaling na ang mga sugat ni Kryzell sa kan'yang braso at mukha. Natutuwa siyang hindi malalim ang mga iyon at hindi halata ang iniwang peklat sa kan'yang balat. Ang sugat na nilikha ni Sean sa kan'yang tiyan ay hindi pa lubusan na magaling katulad ng sugat sa kan'yang puso na batid ng dalaga na malalim at malabong maghilom. "Pwede ba akong lumabas ng silid na ito? Gusto ko sanang magpainit kahit sandali lang," tanong ni Kryzell sa isang babae na hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Nagpakilala itong si Tamara, isa sa mga miyembro ng Devil's Angel Organization. "Hindi ko alam kung papayag si boss," sagot ng babae. Mabait si Tamara. Siya ang nag-alaga kay Kryzell noong mga panahon na kailangan niya ng tulong. Hindi masyadong madaldal an
Read more
CHAPTER 13
Walang dinner date na naganap. Nang mapansin ni Kaizer ang luha sa mga mata ni Kryzell ay walang sabi-sabi siyang iniwan ng binata. Naiwan ang dalaga na tulala naman sa damit na dinala ni Tamara.   "Damn it! Ang laki kong gago! Hindi ako pwedeng magpadala sa drama ni Jade Fabian hanggang walang katiyakan na nagsasabi nga siya ng totoo," inis na sabi ni Kaizer habang tinutungga ang whiskey na halos mangalahati na.   "Boss, ano po ang gagawin sa ipina-set-up mo sa tabing dagat?" takot na tanong ni Ruel, isa sa mga magagaling na miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization.    "Kainin n'yo na ang lahat ng pagkain doon!" galit na sabi ni Kaizer.  Pagkatalikod ni Ruel ay agad na tinungga ni Kaizer ang alak na natitira. Bawat paghalik niya kasi sa babaeng nakakulong sa isang silid sa resort na pagmamay-ari n'ya ay nakadarama siya ng ka
Read more
CHAPTER 14
"Teka, ano ang tawag mo sa akin?" kunot-noo na tanong ng dalaga nang makabawi siya. "Alam mo, sir, familiar ka talaga sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita."  Si Kaizer naman ang hindi alam ang gagawin. Nakapamaywang na si Kryzell sa harapan niya kaya medyo dumistansya ang binata. Baka kasi atakihin na naman siya ng dalaga.   "Totoo kayang hindi ako matandaan nito?" bubulong-bulong na sabi ng binata sa sarili n'ya.   Inilagay din ni Kaizer ang mga kamay niya sa kanyang baywang at pinatigas niya ang kan'yang mukha para hindi siya magmukhang talunan sa harap ni Kryzell.   "Ang dami mong tanong! Sa lugar na ito, ako ang boss at kapag sinabi kong akin ang isang babae, akin! Ikaw, akin ka na!   "Gandang-ganda ka talaga sa mukha ko," matulis ang nguso na sabi ng dalaga. "Huwag kang mag
Read more
CHAPTER 15
Nanginginig ang mga daliri ni Kryzell habang hawak ang baril ni Kaizer. Unang beses niyang nakahawak ng baril at hindi niya alam kung paano gamitin iyon ngunit hindi siya nagpahalata sa lalaking ngayon ay asawa n'ya na.   "Huwag mo akong pilitin na ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Hindi mo tiyak magugustuhan iyon," sabi ni Kryzell.   Umaarte siyang matapang na babae na hindi padadaig ngunit ang totoo ay nangangatog ang kan'yang tuhod. Sinamantala n'ya ang pagkatulala ni Kaizer para makalayo rito. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at tumakbo pabalik sa kan'yang silid. Panay ang dasal niya na sana ay huwag siyang parusahan ng lalaki.   Dahil sa ginawa ni Kryzell ay lalong tumindi ang paghihinala ni Kaizer na bahagi nga ng ibang grupo ang asawa n'ya. Sa bilis nitong mang-agaw ng baril at sa galing humawak ay batid niya na sanay si Kryzell sa pakikipaglaban. 
Read more
CHAPTER 16
"Totoo ba talaga ito, boss? Sina Jade Fabian at Kryzell Torquero ay posibleng iisa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mer kay Kaizer. Pabalik na sana ito ng Aklan ngunit sinabihan ni Kaizer na alamin muna niya ang totoo sa pagkatao nina Jade at Kryzell.   "Iyan ang nakuha kong impormasyon tungkol kay Kryzell kaya iyan ang alamin mo. Bumalik ka ulit ng Quezon at mula roon ay baka matapos ka na sa ipinagagawa ko sa iyo," inis na sabi ni Kaizer.   "Sige, boss. Exciting itong trabaho na ito. Kaya pala hindi ko mahanap si Kryzell o maging si Jade dahil iisa sila at kasama n'yo na," bulalas ni Mer.   Habang nakikinig si Kaizer sa sinasabi ni Mer ay lihim niyang pinapanood ang ginagawang pagsanay ni Tamara kay Kryzell kung paano humawak ng baril.   "Umaarte lang ba siyang hindi marunong o sadyang wala talaga siyang alam?" wika ng binata.
Read more
CHAPTER 17
Nagpupuyos sa galit si Kaizer habang pabalik sa kan'yang silid. Masakit ang noo at ilong niya. Alam niyang may pasa siya dahil sa lakas ng pagkakabangga niya sa pinto ng silid ng asawa. Buong akala pa naman niya ay maiisahan n'ya si Kryzell ngunit nagkamali siya.      Magdamag na naglagay ng cold compress ang galit na mafia boss. Hindi siya masyadong nakatulog dahil sa inis at kirot na nararamdaman niya. Uminom si Kaizer ng isang basong alak pero hindi rin nakatulong iyon.      Sa almusal ay mag-isang kumain si Kaizer. Ipinatawag niya si Kryzell pero tulog pa raw ito sabi ni Tamara. Batid niya na iniiwasan lang talaga siya ng asawa kaya hindi na siya nagpumilit. Wala kasi sa guhit ng palad n'ya ang magmakaawa sa babae.      Bago dumating ang tanghalian ay dumating si Mer sakay ng isang chopper. Agad siyang nagbigay ng report sa kan'yang boss na tahimik lamang sa pakik
Read more
CHAPTER 18
Parang babasagin na hiyas na ibinaba ni Kaizer si Kryzell sa kama ng katabing kwarto ng silid n'ya. Hindi talaga pumayag ang huli na madala siya ng asawa sa silid nito. Kinikilabutan kasi siya at parang sinasakal dahil hindi si Kaizer ang nakikita n'ya kun'di ang dating kasintahan na si Sean at si Hilda.   Matalim ang mga tingin ni Kryzell sa asawa niya na sinasamantala naman ang sitwasyon. Nang ilapag kasi siya ni Kaizer ay agad nitong itinukod ang mga kamay sa kama sabay lapit ng mukha sa kan'ya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na nanuot sa kan'yang ilong.   "You're mine," sabi ni Kaizer sabay nakaw ng halik sa labi ng asawa n'ya.   Naningkit ang mga mata ni Kryzell sabay tulak kay Kaizer ngunit hindi natinag ang huli. Pumikit lang ang lalaki sabay halik nito sa may punong-tainga niya. Kinilabutan ang nabiglang babae kaya napasigaw siya. &n
Read more
CHAPTER 19
Napapikit si Kaizer at kahit hindi pa siya gaanong lasing ay sumuray siya. Napakapit din siya sa magarbo niyang upuan upang makakuha siya ng kahit kaunting lakas. Si Mer na nakatayo sa harapan n'ya ay maagap siyang inalalayan para makaupo.   "Damn it! Is she really the daughter of Don Matias?" tanong ni Kaizer sa kanang-kamay niya.   "Opo, boss," sagot ni Mer.   "Tanggalan n'yo siya ng kadena," utos ni Kaizer. "Utusan mo si Tamara na kalagan si Kryzell!"   Mabilis na nawala si Mer. Si Kaizer ay naiwan. Matagal siyang nakatitig lang sa madulas na sahig. Blangko amg kan'yang isip. Hindi n'ya alam ang mararamdaman ngayong napatunayan n'yang nagsasabi nga ng totoo ang asawa n'ya.   Samantala, sa silid ni Kryzell ay pulang-pula ang mukha ng babae. Naiihi na siya at hindi n'ya na matiis iyon. Laki
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status