All Chapters of Into The Dark: Chapter 71 - Chapter 72
72 Chapters
Kabanata 68: Digmaan pt.2
"VOLTER AKONG harapin mo!" pagkuha ko sa atensyon niya. Humarap siya sa akin at ngumisi matapos niyang patayin ang lobong kalaban niya. "Hindi na ako makapaghintay na patayin ka," madiin ko pang dagdag. "The feelings is mutual, Syrie," seryosong ani Volter. Bakas sa mukha niya ang galit at kagustuhang mapatay ako pero hindi ko siya hahayaang gawin iyon. "Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, ako naman ang magwawagi, Syrie. Ikaw naman ang matatalo ko," determinado aniya na marahil ang tinutukoy ay ang pagkatalo ko sa kaniya noon sa isang pagsasanay. Tumawa ako. "Natalo na kita noon sa duelo at sigurado akong magagawa ko uli iyon sa iyo," matapang kong balik. Ngumisi si Volter. "Masyado kang mayabang, Syrie. Tingnan natin kung hanggang saan ka kayang dalhin ng katapangan mo." "Sa tagumpay, Volter. Dadalhin ako ng katapangan ko sa tagumpay laban sa iyo," seryoso kong balik sa kaniya. 
Read more
Finale
HINDI MAIPALIWANAG ang sayang bumabalot sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga lobong nasa village na na tanaw ko mula sa kinaroroonan ko. Ito na iyong pinapangarap kong pagkakataon at sitwasyon. Ang bawat isa ay makangingiti na ng masaya, na walang banta. Na hindi nila kailangang matakot sa banta ng kasamaan. Ang lahat ngayo'y makapamumuhay na ng masaya at payapa. "Nagawa mo, Syrie. Nagawa mong ipaglaban ang lahing pinagmulan mo." Naramdaman ko si Marcus na yumakap sa akin mula sa likod ko. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na si Marcus lang ang nakakapagpabuhay niyon. "Nagawa natin, Marcus. Nagawa nating iligtas ang marami. Nagawa nating ipaglaban ang kapayapaan at ang kabutihan," balik ko. Marahan kong hinaplos ang braso niya habang masaya akong nakangiti habang nakikita ko ang bawat lobo na payapaya nang mamumuhay. "Maraming nangyari, Syrie pero ang lahat ay nakatakdang magtapos sa ganito. Nabulag ka sa
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status