All Chapters of Marriage For Convenience (Taglish): Chapter 61 - Chapter 70
104 Chapters
Chapter 61 - Mall
“Nagbibiro lang ako, hindi mo naman kailangan sagutin ang tanong ko dahil ayokong paulit-uliting saktan ang sarili ko dahil alam ko naman na wala ka talagang nararamdaman para sakin,” mapait niyang sagot sa kanya at pinipilit na ngumiti sa harap nito.   Biglang nabalot ng lungkot ang mukha ni Caspian ng mga sandaling ito ngunit hindi alam ni Steph kung bakit ganoon na lamang ang kanyang reaksyon, “hindi ba dapat ay matuwa siya dahil sa sinabi ko, does it mean na nalulungkot siya para sakin? But that was not possible…” Sabi niya sa kaniyang sarili.   “Th—en… It’s settled?” Tanong ni Caspian sa kaniya.   “No…” Humalukipkip si Steph matapos tanggihan ang tanong ng kanyang mister.   Tinignan ng mister ang mukha ng kanyang misis na parang nagtatanong ngunit wala pa rin itong imik kaya siya na ang nagkusang tanungin kung anong tumatakbo nga ba sa utak ng asawa, “anong ibig mong sabihin sa na hindi pa ito s
Read more
Chapter 62 – Paligsahan sa pagluluto
“Steph’s POV”“Hintayin mo ako, uuwi ako,” yun ang huli kong narinig na sinabi niya sakin at tuluyan ko na siyang tinalikuran na parang wala akong narinig dahil ayoko ng ipakita pa sa kanya ang aking reaksyon kahit ang totoo naman ay natutuwa ako dahil he’s willing to spend Christmas with me. Nagulat ako ng tinulungan ako ng crew sa pagbuhat ng bitbit kong pinamili hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator, “thank you,” nakangiti kong sabi bago pa man sumara ang pinto. “Walang anuman, it is my apology dahil sa mga nasabi ko nung nakaraang araw. Pasensya nap o sa mga pinagsasabi ko,” seryosong sabi ng lalaking mapilantik ang mga kamay. Nginitian ko siya at tinanguan bago tuluyang sumara ang pinto ng sinasakyan kong elevator. I wasn’t planning to go back talaga dito, I am actually planning to spend my Christmas sa family ko but since he insisted n
Read more
Chapter 63 - I don't deserve to be his wife.
“Masarap ba?” Tanong ni Elise kay Caspian ng unahin nitong tikman ang kaniyang niluto.   “It’s good,” sabi niya. Walang planong tikman ni Caspian ang luto ng asawa niya dahil alam niya ang kalalabasang lasa nito ngunit nakita niya ang pag-asa sa mga mata niya at ayaw niyang biguin ito kung sakali man kaya naman tumusok siya ng kaunting karne galing sa niluto ni Steph at nais tikman kahit pa alam na niya na hindi maganda ang lasa nito.   “Taste it, alam kong paborito mo yan,” pag-enganyo ni Steph sa kanyang mister. Napangiwi si Caspian sa kanya sapagkat hindi naman ito ang kanyang paboritong pagkain ngunit hindi niya ito pinahalata dahil ayaw niyang ma-disappoint ang misis. Nais rin sana niyang pagsabihan ang misis dahil sa pakikialam na naman sa kanyang kitchen na kaniyang ipinagbawal rito ngunit hindi na lamang niya ito pinuna dahil pasko naman.   Pinanunuod nina Steph ang pagkain ng kanyang mister ng kanyang nilutong p
Read more
Chapter 64 – Adik sayo
“Steph’s POV”Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya, nagising akong nakatulala lamang sa kisame habang nag-iisip kung sa paanong paraan ako makakabawi sa kanya. Hindi na ako pwedeng magluto muli matapos siyang mapahamak ng dahil sa aking kagagawan, buti na lamang at palaging nariyan si Luigi para alalayan ako sa mga ganitong pagkakataon sa aking buhay. Matagal akong nag-isip ng aking maaring gawin upang makahingi ng tawad sa kanya, nakailang ikot na ako sa aking kama ngunit wala pa ring ideyang pumapasok sa aking isipan kaya naisip kong tumayo na at maligo. Matagal ako sa loob ng banyong konektado lang din naman sa aking kwarto, hinayaan ko na lamang na bumagsak sa aking katawan ang malamig na tubig sa mahabang pagtakbo ng oras hanggang sa may pumasok na ring ideya sa aking isipan. Kaya ang hindi ako sigurado kung mapapatawad niya ak
Read more
Chapter 65 - I get laid
 “Aly’s POV”Kanina pa ako nakatitig rito sa aking kaibigang si Steph na mukhang tuliro at lutang na nakatitig lamang sa kawalan na parang lukaret dahil sa pagngisi nito sa di ko malamang dahilan. “Steph, Steph,” I have been calling her name and knocking on the table para kunin ang kanyang atensyon ngunit hindi pa rin siya kumikibo hanggang ngayon. “Steph, kung hindi mo ako papansinin mas mabuti pang umuwi na lamang ako,” sabi ko sa kanyang habang nakatulala pa rin. Hinawakan niya ang aking kamay nang ako ay tumayo at nagbabalak ng umalis sa coffee shop. Napaupo na lamang ako at hinintay kung kailan niya balak makipag-usap sakin dahil hindi na kami nakapag-usap pa matapos ang kanyang apology na ginawa para sa kanyang mister noong pasko. “Steph, when are you planning to talk to me?” Naiinip kong tanong sa kanya matapos ang napakatagal na oras na pag
Read more
Chapter 66 - Nalasing
FlashbackNapasarap ang pag-uusap ng mag-asawang sina Steph at Caspian at hindi namalayang napasobra na pala ng inom ng alak itong kanyang misis. “Darling, umuwi na tayo,” ani nito. Hinawakan niya ang braso ng kanyang misis para hilahin patayo ngunit inalis agad iyon ni Steph. “Hmmm. Aya—w ko paaa.” Tamad niyang sabi sabay abot muli ng bote ng alak sa mesa ngunit hindi pa man niya ito naiaangat ay nabitawan na niya agad ito at tumaob sa mesa pero wala na itong laman na alak. Nag-angat siya sa mister ng tingin at ngumuso, “gusto ko pa ng isa pa… Gu—gusto ko pang uminom!” Sigaw niya. “No, that’s enough! Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo,” sabi nito saka hinila patayo ang asawa at isinambay ng pabaliktad sa kanyang balikat si Steph.
Read more
Chapter 67 – Baka wala akong karapatan
“Steph’s POV”Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala matapos matagpuan ang aking sariling walang saplot kalapit ang aking asawa sa iisang kama na kapwa hubad rin. Pinamulahan ako ng pisngi ng maalala ang buong detalye kung paano ito nangyari. Hindi pa rin ako makabago sa aking hinihigaan dahil sa sakit ng aking buong katawan at sa pagkakadagan ng kanyang hita sa akin. Masarap ngunit masakit ang aking naranasan n gaming unang gabi ng pagsisiping at hindi koi to kakalimutan kailanman. Minasdan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha at maingat na kinapa ko ang kanyang mukha gamit ang aking daliri, at masayang nakangiti habang ginagawa ito at binabalikan ang kaganapan sa pagitan naming kagabi. Mabilis kong inaangat ang aking daliri palayo sa kanyang mukha at pinikit ang aking mata nang mapansin kong imumulat na niya ang kanyang mga mata. Naaninag ko ang pagtayo niya kahi
Read more
Chapter 68 – You’ll get over it
Nagulat si Aly sa kanyang nakita at lumingon sa spot na natagpuan niya ang asawa ng kaibigan na may kahalikang ibang babae, she sighed in relief thinking that her best friend did not witness what happened. Muli niyang binalik ang kanyang tingin sa kaibigan ngunit ilang minuto lamang ang lumipas nang nawala ang kanyang paningin dito ay nawala na rin ito agad. “Asan na siya? Saan kaya siya nagpunta?” Nagtataka nitong tanong sa sarili habang iniikot ang paningin sa buong paligid. Nakarating si Caspian sa labas ng kampo kasama ang babaeng kanina pa niya kalandian, sobrang dikit ng dalawa sa isa’t-isa na parang ayaw na nitong maghiwalay, ang mga kamay niya ay nasa ibabaw ng bewang ng babae at hinihimas-himas ito kasabay ng paghalinghing ng babae habang ginagawa niya ito. Ang hindi alam ng dalawa ay may nakasunod sa kanila at ito ay ang galit na asawa ni Caspian, binaltak ni Steph ang buh
Read more
Chapter 69 - Walang magawa
 “Caspian’s POV”Alam kong nasaktan ko siya at wala akong magawa upang pawiin ang sakit na kanyang nadarama dahil mas gugustuhin kong kamuhian na niya ako habang buhay kaysa naman patuloy niya akong mahalin dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na maibibigay niya sakin. Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo at parang hinang-hina, mukhang ilang lakad lang ay babagsak na sa lupa. Masakit para sakin ang makitang nahihirapan siya ng dahil sa akin pero wala ng mas sasakit pa kapag mangyari sa kanya ang nangyari noon… Baka mas lalong hindi ko mapatawad ang sarili ko. Napasandal ako sa guard house ng kampo at inalala ang nangyari noon at yun ang panahong gabi gabi kong bangungot. Flashback…“Caspian, I can’t wait to see you soon! Gusto ko sa first break mo magde-date tayo, ha?” Hiling sakin ni Irene mula sa te
Read more
Chapter 70 – Nasaan ka na, Steph?
Hindi mawala sa isipan ni Caspian ang kanyang misis kahit pa ilang linggo na ang nagdaan simula ng huli silang magkausap nito. Alam niyang nasaktan ito sa nangyari noon lalo na at itinanggi rin niya ang nangyari sa kanila, pinalabas niya iyong hindi niya ginusto ang namagitan sa kanila ng gabing iyon. Mahigit dalawang linggo nang hindi umuuwi ng bahay si Caspian upang iwasan ang asawa at hindi na mahulog pang muli ito sa kanya ngunit nag-aalala siya rito dahil hindi rin ito tumatawag o nag-iiwan ng mensahe man lang kaya’t umaga ng sabado ay napilitan siyang umuwi ng walang pasabi. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Caspian ay bumungad sa kanya ang anak ng kanyang commandant na si Elise at kasalukuyang doon pa rin tumutuloy. “Nasaan si Steph?” Tanong ni Caspian, nilagpasan niya ang babaeng sumalubong sa kanya at bago pa man ito makasagot sa tanong niya ay nanakbo na ang lalaki papunta sa kwarto nito up
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status