Lahat ng Kabanata ng The Invisible Love of Billionaire : Kabanata 121 - Kabanata 130
182 Kabanata
Kabanata 66.1
Takot na takot si Samantha Randal habang bumibiyahe papunta sa safe house nila matapos niya na makaalis sa mansyon ni Colton Mijares. Kasama niya ang dalawang tauhan na katulong niya na nagtakas sa mga bata. Hindi alam ni Samantha kung oras na lang ba ang bibilangin niya para sa kan’yang sariling buhay. Hindi niya inaakala na magagawa niya na pasakitan si Atasha ng ganito. Sinulyapan ni Samantha ang dalawang bata na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Masaya pa rin sila na naglalaro at walang bakas ng pagkatakot sa kan’ya. Alam niya na walang kabayaran ang lahat nang ginawa niya, ngunit umaasa siya na maiintindihan nina Colton Mijares at Atasha Andres ang naging dahilan niya sa lahat ng ito. Sa kabila ng takot na nararamdaman ay hindi niya magawa na tawagan o i-text man lamang si Kane. Alam niya na sa ngayon ay sigurado na hawak na siya nina Colton Mijares. Hindi niya inakala na sa dibersiyon na hiningi niya kay Kane ay sariling buhay nito ang ipapain. Mas lalo ang kaba ni Sama
Magbasa pa
Kabanata 67
Paikot-ikot si Colton Mijares sa sala ng kan’yang mansyon. Nangangati na ang kan’yang mga kamay na pasabugin ang ulo ng dati niya na kaibigan. Mag-iisang oras nang patuloy na naghahanap ang kan’yang mga tauhan kasama ang mga tauhan ng mga Altamirano at maski ang ilan sa tauhan ng kapatid niya na si Prinsipe Aldrick pero parang bula na nawala na lamang si Samantha Randal kasama ang kan’yang dalawang anak. Walang nakakaalam kung saan sila nagsuot matapos na kidnapin ang dalawang anak niya. Nagngingitngit ang kalooban niya sa galit at pagkadismaya sa mga pangyayari. Kung sino pa ang lubusan nila na pinagkatiwalaan ay iyon pa ang muli na nagtryador sa kanila. At kung masakit iyon para sa kan'ya ay mas lalo ang sakit na dulot nito kay Atasha dahil itinuring niya na matalik na kaibigan si Samantha. Ngayon ay naiintindihan na ni Colton kung bakit gustong-gusto na hiramin ni Samantha Randal ang kan’yang mga anak. Iisa lamang ang dahilan ng babae, nais niya na makuha ang mga bata. Kung sa ano
Magbasa pa
Kabanata 68
Takot na takot ako habang nasa biyahe kami. Hindi ko alam kung anong lugar ang tinatahak namin. Kagaya nang sinabi ni Lia Madrigal, nagpadala siya ng address ng isang pook kung saan namin makikita muli ang mga anak ko. Kung ano ang nais niya ay isang malaking katanungan pa sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko na hawak ni Lia Madrigal ang mga anak ko. At mas lalo na hindi ko maapuhap ang paliwanag kung bakit niya kasabwat si Samantha sa lahat ng kaguluhan. Isa lang ang tanong na nasa isipan ko sa mga oras na ito, bakit? Panay bakit ang gumugulo sa utak ko pero maski anong rason o dahilan ay hindi ko malaman. Bakit nagawa ni Samantha ang traydurin ako at ilagay ang mga anak ko sa alanganin? Ano ang nagawa ko sa kan’ya para gawin niya ito? Alam niya ang pinagdaanan ko nang mawalay sa akin si Cole. Alam niya rin ang buong kuwento ng paghihirap ko at ng buhay ko, pero sa kabila ng kaalaman na iyon ay mas ninais niya na pahirapan at pasakitan akong muli. Lahat
Magbasa pa
Kabanata 68.1
Mataman kami na pinagmamasdan ni Yulence. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kan'yang isipan. Hindi ko na siya kilala sa ngayon, ibang-iba siya sa Yulence na nakasama ko ng ilang taon. Hindi ko inakala na magagawa niya ang ganito na kasamaan sa amin, partikular sa akin. Lumingon si Lia kay Yulence kaya naman ay tumayo na rin siya buhat sa pagkakaupo at lumapit sa amin. Sarkastiko pa siya na tumawa kay Colton at nang-uuyam na nagsalita, “Ano na ngayon, Colton Mijares? Nasaan ang yabang mo? Sa tingin mo ba ay gano’n ko na lamang tatanggapin ang pagkatalo ko sa'yo? Nagkamali ang iyong ama na paglaruan kami ng nanay ko. Puwes, kayo naman ngayon ang paglalaruan at paiikutin ko sa mga palad ko. Hindi ba masaya? Taguan ng mga anak ang unang laro natin. Sabagay, sanay na sanay naman kayo ni Atasha sa laro na ito." “Tang-ina mo! Kahit kailan ay duwag ka! Hindi ka talaga marunong lumaban ng patas. Ngayon naman kailangan mo pa na gamitin ang mga anak ko para lang sa ipinaglalaban mo! Duwag
Magbasa pa
Kabanata 69
“What the hell?! Aldrick? Ikaw ang nagtraydor sa amin ni Atasha? Bakit mo ito ginawa?” Galit at sakit ang nararamdaman ko mula sa boses ni Colton nang humarap sa amin si Aldrick, ang tao na hindi namin inaasahan na tatalikod sa salitang pamilya. Pareho kami na napatayo ni Colton sa aming kinauupuan, napapailing at bigong-bigo na napaatras kay Aldrick. “A-Aldrick? I-ikaw? Bakit?” Dumaloy ang luha sa mga mata ko kasabay ng maraming tanong sa isipan ko. Hindi ko lubos na maisip kung bakit kailangan niya na idamay ang mga anak ko sa galit niya sa amin ni Colton. Naniwala ako sa kan’ya na magiging maayos ang lahat. Naniwala ako na nais niya na maibalik ang pagkakaibigan namin dalawa. Pero ito sila ngayon, ang mga tao na minsan na itinuring namin ni Colton na mga kaibigan at kapamilya. Sila mismo ang pareho na mga tao na patuloy na nananakit at nagtatraydor sa amin. “How could you?!” Halos hindi na mabanggit ni Colton ang mga salita para sa kapatid. Kung masakit ito sa akin ay mas doble
Magbasa pa
Kabanata 69.1
“Never ever doubt my love for you. Trust me. You can hate me all you want after this, but I need you to trust me.” Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi ni Aldrick kanina lamang. Paano ko magagawa na pagkatiwalaan pa siya sa oras na ito kung buhay ng mga anak ko ang nakasalalay? Paano ko hindi siya paghihinalaan kung binigyan niya ako ng mga rason upang pagdudahan ang katapatan niya sa amin na sarili niya na pamilya? Nang ibulong niya sa akin ang mga salita na iyon ay naramdaman ko ang sinseridad sa tono niya. Pero ano ang dahilan bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Gusto ko siya na paniwalaan pero ang hirap gawin ng bagay na iyon lalo na at mga anak ko ang nadamay at naipit dito. “We’re waiting, Colton. Alam mo na ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang naghihintay.” Muli ang matinis na boses ni Lia na lalo na nagpapainit ng ulo ko. Mabigyan lamang ulit ako ng pagkakataon na makalapit sa babae na ito ay hindi lang mag-asawa na sampal ang aabutin niya sa akin. “Nasaan an
Magbasa pa
Kabanata 70
Labis na tensyon ang namumuo sa loob ng apat na sulok ng bahay na iyon lalo pa nang tutukan ng baril ni Prinsipe Aldrick ang kany’ang nakatatanda na kapatid na si Colton Mijares. Sa nanlalaki na mga mata ay humarang si Prinsesa Atasha sa harap ng kasintahan at sinigawan sa nagpupuyos na tinig si Prinsipe Aldrick. “Aldrick! Tigilan mo na ito. Ano ba ang ginagawa mo?” Pilit siya na inaalis ni Colton sa kan’yang harapan habang si Aldrick ay alerto na nakatingin sa kan'yang mga kalaban. Malalakas na palakpak ni Lia Madrigal ang nagpatigil sa mga paghikbi ni Atasha. “Very well, Atasha. Best actress ka na. Ngunit kahit na ano pa ang gawin mo, this is the end of the line para sa inyo ni Colton. Kaya mas makakabuti para sa lahat na pirmahan na ninyo ang mga dokumento at nang matapos na tayo rito.” “Pirma na, Atasha. Alam mo na wala akong pasensya sa paghihintay. Hindi ako kagaya ng tatanga-tanga ko na step-brother dito. I hate waiting, kaya mabuti pa na pirmahan mo na ang dokumento.” Muli
Magbasa pa
Kabanata 71
Pabalik-balik nang lakad si Samantha sa pasilyo ng ospital. Narito sila matapos na isugod dito sina Colton Mijares at Kane Loyola nang mabaril kanina nina Yulence Villagomeza at Lia Madrigal. Hindi inakala ni Samantha na ito ang kahahantungan ng lahat ng plano nila. Hindi niya akalain na dahil sa sobra na pagkakonsensya ay kaya na isakripisyo ni Kane ang sarili na buhay para sa mga kaibigan at sa babae na mahal. Tandang-tanda pa niya noon araw na kausapin siya nito noon nasa probinsiya pa sila at hingan ng tulong. Kung paano siya nakumbinsi ng lalaki at umabot sila ngayon rito ay hindi pa rin niya mapaniwalaan. “I need your help, Sam. We need your help. Sa huling pagkakataon, tulungan mo kami.” “Tulungan saan? Paano?” “Tulungan mo kami na itakas ang mga anak nina Atasha at Colton?” “Ano?! Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gagawin iyon? At puwede ba, tigilan mo na ang mga masasama na balak mo kina Atasha at Colton. For fuck’s sake, hiwalay na sina Colton at Lia kaya mag-move on k
Magbasa pa
Kabanata 71.1
Kanina pa ako palakad-lakad sa harap ng pasilyo ng ICU. Sa kabilang pintuan ay naroon naman si Samantha at mataman na naghihintay sa paglabas ng doktor at nars. Pareho kami na napatakbo rito kanina nang sumigaw ang mga nars ng code blue. Pareho ang nararamdaman namin na takot at pangamba. Kritikal ang pareho na lagay nina Colton at Kane na pareho na sa dibdib ang naging tama. Si Colton ay napuruhan lalo dahil may tama rin sa kan'yang ulo. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit kinailangan ni Colton na gawin ang mga ginawa niya at iharang ang sarili niya upang saluhin ang bala na hindi dapat sa kan’ya. Alam ko na mali ang isipin ko ang bagay na ito dahil kung hindi niya ginawa iyon ay si Aldrick ang malamang na nasa sitwasyon niya ngayon. Bakit ba kailangan na parati na lang na maging magkaagaw ang magkapatid? Hanggang sa buhay ba naman ay kailangan na isa lamang sa kanila ang matira? Hindi ba puwede na bigyan naman sila ng pagkakataon na silang dalawa ay magkasama? Hindi ko pa
Magbasa pa
Kabanata 72
Nakaalis na sina Icel at Ice at nagpasiya sila na samahan na muna si Samantha na makapagpahinga rin. Simula nang makaalis sila ay naiwan naman si Miguel upang samahan ako na maghintay sa mga doktor upang malaman namin ang lagay nina Colton at Kane. Ngayon ay naiwan ako na mag-isa sandali upang makabili si Miguel ng pagkain namin habang patuloy kami na naghihintay. HIndi ko pa alam kung hanggang kailan ako uupo rito at maghihintay. Wala ako na balak na umalis mula rito hangga't hindi ko nalalaman na maayos na ang lagay ni Colton. “Prinsesa Atasha.” tawag sa akin ni Aldrick. Naging abala rin si Aldrick sa mga pagsasaayos ng ilang papeles para sa kan'yang kapatid at kay Kane. Siya na ang gumawa ng mga bagay na iyon dahil hindi na talaga ako umalis sa may pintuan ng ICU. Kanina nang mag code blue sina Colton at Kane ay pareho kami na hindi mapakali ni Samantha. Halos ilang oras din sila na binantayan at minonitor ng mga doktor matapos na i-revive at mabuti na lamang din na pareho sila
Magbasa pa
PREV
1
...
1112131415
...
19
DMCA.com Protection Status