Lahat ng Kabanata ng Marahuyo: Kabanata 51 - Kabanata 60
84 Kabanata
KABANATA 50
KABANATA 50   Ang mga mata ni Catalina ay napako na sa singsing na nasa daliri niya habang ang kaniyang mga labi ay nakakurba na tila ba siya'y nababaliw na dahil kanina pa ito nakangiti at tumatawa mag-isa. Minu-minuto, palagi niyang tinitignan ang daliri upang masiguro kung naroroon pa ba ang singsing at para mas makampante pa siya, hinahawakan rin niya ito para malaman kung ito ba'y totoo o isa lang ilusyon. " Mama, ano pong nakakatawa sa singsing? " Napatingin siya sa anak nang magtanong ito sakaniya habang nakatingin din sa singsing na suot niya. " Ah wala, masaya lang si Mama, " aniya saka binaba ang kamay para tignan ang ginagawa ni Azalea at Norman sa mesa. Abala ang dalawa sa pag guhit at pagkulay ng mga larawang kanilang kino-kopya mula sa palabas na pinanonood nila. " Gumagaling na kayo sa pagkulay. Wala na masyadong lagpas. " " Tinuru
Magbasa pa
KABANATA 51
KABANATA 51       Isang palahaw ang bumulabog sa Hacienda na nagmumula kay Azalea habang tumatakbo para hanapin ang kaniyang ama. Makailang beses na siyang muntik na matisod subalit hindi iyon naging rason para siya'y tumigil sa paghahanap sa ama.   " Papa! Papa! " tawag niya sa ama subalit imbis ni Rostam ang makita, si Savannah ang nasalubong niya sa pasilyo. " Tita! Tita Savannah, tulungan mo ang mama ko! May kumuha sa kaniyang mga bad guys! "   Nagsalubong ang kilay nito at pinanood ang paglandas ng luha sa pisngi ng bata sa harap niya na animo'y nagmamakaawa para tulungan siya.   " Tita Savannah, p-please po! Hanapin natin ang Mama ko! " pagtangis ni Azalea. Isa siya sa mga nakasaksi sa pagdukot sa kaniyang ina kanina sa harap ng eskwelahan nila. Maraming nakakita subalit walang nagtangkang tumulong dahil sa takot na baka madamay sa gulo. Nagpal
Magbasa pa
KABANATA 52
KABANATA 52  Mula sa ikalawang palapag ng Hacienda kung saan naroron ang kwarto si Savannah, rinig niya ang mga boses sa ibaba na tila ba may nagkakagulong mga tao. Dala ng kuryusidad, tinigil muna niya ang pinagkakaabalahan sa laptop upang sumilip sa nangyayari sa labas at nang dumungaw siya sa railings, doon niya nakita ang mag asawa na sa kaniyang palagay, mabigat at malaki ang pinagtatalunan. Kita niya ang mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi ni Catalina habang ang kambal niya ay tila problemado at di makagalaw sa kinatatayuan nito.  " Bakit di mo saakin sinabi? Bakit mo inilihim saakin 'yong ganitong bagay, Rostam? " halos mabasag na ang boses ni Catalina dahil sa sakit na nararamdaman ng puso n'ya. Mabigat at tila ba pinipiga ito dahil sa katotohanang nalaman niya mula pa sa ibang tao. " Hayaan mo muna ako magpaliwanag--" " Hindi ko kailang
Magbasa pa
KABANATA 53
KABANATA 53  Hindi malaman ni Catalina kung anong ikikilos niya sa mga oras na ito. Naroroon sa kusina ang ina para ipag timpla siya ng maiinom habang nakaupo naman siya sa sopa sa sala at nag iisip kung saan siya magsisimula. Hindi niya maramdaman ang presensya ni Bruno dito sa loob na ipinagpasalamat na rin niya dahil bawas ito sa iisipin niya. Tumayo siya at planong mag tungo sa kusina, saglit niyang inilibot ang tingin sa sala at napatingin sa cabinet nang makita ang litrato nila ni Azalea. Nilapitan niya ito at doon napagtanto na kuha ito noong kaarawan ng anak niya. Hindi niya alam na kinunan sila ng litraro ng ina. " Nakapag hapunan ka na ba, Cata? " Naalis ang tingin niya sa litrato nang marinig ang boses ng ina. May bitbit itong tray na may lamang pagkain at maiinom. " Ito kumain ka na muna. Bagong luto lang ang pasta at habang mainit-init pa, sumubo ka na. "
Magbasa pa
KABANATA 54
KABANATA 54     Maingay at nagkakatuwaan sina Esteban, Dario at ang iba nilang kasama sa isang mesa kung saan naglalaro ang mga ito ng baraha. Kagaya ng nakasanayan, malalaking pera ang tinataya ng bawat isa dahil na rin sa malaki ang pinupusta sa kanila.   " Siraulo, huwag kang madaya! Nawala nga si Baron, ikaw naman ang pumalit, " ani Dario kay Esteban saka binaba ang baraha niya upang ipakita sa kalaban na panalo na naman siya. " Oh p*ta, wala ng aawat! Akina mga taya niyo! "     " Aba, nakakapagtaka naman at kanina ka pa nananalo? Sunod-sunod na! " Nagkakamot na ulo na wika ni Esteban na sinang-ayunan naman ng iba na kanina pa rin natatalo sa mga taya nila.   Magaan ang hangin sa silid kung saan sila naroroon subalit naramdaman nila ang bigat nang dumating ang isang taong di nila alam kung dapat pa rin ba nilang pakisamahan.  
Magbasa pa
KABANATA 55
KABANATA 55       " Hindi mangyayari ang sinasabi mo, Rostam. Hindi ko hahayaang gawin mo ang bagay na 'yan, " may awtoridad na wika ni Angelo nang marinig ang desisyon ng kaniyang pamangkin patungkol sa binabalak nitong pag bitiw sa kaniyang pwesto sa organisasyon. " Inuulit mo lang ang pagkakamaling ginawa ng iyong ama. Tatalikuran mo ang una at orihinal mong pamilya para lang sa mag-iina mo? "   Hindi nagsalita si Rostam kaya lalong gumuhit sa mukha ni Angelo ang pagka dismaya niya. Naglakad ito palapit sa pamangkin at diretso itong tinitigan sa mga mata.   " Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon mo dahil ako na ang nagsasabi sayo, hindi ito ang paraan para iligtas mo ang mag-iina mo. Hindi ito ang nararapat na solusyon sa mga suliraning kinahaharap mo, " aniya habang nakikipagsukatan ng tingin sa pamangkin. " At hindi rin ito magugustuhan ng mga tao mo dahil para mo na
Magbasa pa
KABANATA 56
KABANATA 56       " Mayroon akong gustong dispatyahin. Hindi ko lang sigurado kung kailan pero disidido akong gagawin kong shooting target ang katawan n'ya oras na dumating na ang nakatakdang oras para sa kaniya. "   Iyon ang eksaktong salita na binitawan ni Lorenzo kay Savannah noong panahong nalasing silang dalawa at kamuntikan nang may mangyari sa kanila. Tandang-tanda ni Savannah ang bawat detalye ng gabing iyon dahil kahit nakainom, nasa tamang pag iisip pa rin siya noong mga oras na iyon.     " Pwede ko bang malaman ang dahilan? " tanong niya kay Lorenzo na unti-unting nalalason ng alak.   " Paghihiganti. Gusto kong pag bayaran ng taong 'yon ang ginawa niyang pag sira sa buhay ko. Gustong kong ipatikim sa kaniya ang impyerno at oras na mangyari 'yon, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "
Magbasa pa
ESPESYAL NA KABANATA 1
ESPESYAL NA KABANATA 1       " Teacher! Finish na po ako mag color! " ani Azalea matapos kulayan ang mga larawan sa isang pahina ng aklat na kanilang inaaral. Tumayo siya sa kinauupan niya upang puntahan ang guro na nasa harapan. " Teacher, maganda po color ko? "   " Tignan nga natin. " Kinuha ng guro niya ang aklat para makita kung tapos na nga ba talaga ang estudyante niyang palaging nauuna sa pagpapasa. " Wow, tapos na nga. Ang ganda ha? Kaunti na lang 'yong lagpas-lagpas mo at dahil diyan very good ka kay teacher. "   " Yey! " Pumalakpak ito at agad nilahad ang kanang kamay niya senyales na handa na siyang matatakan ng very good. Natawa na lamang ang guro saka binigyan ng isang tatak ang likurang bahagi ng palad ni Azalea.   " Kuya Norman! Tignan mo may very good ulit ako! " Lumapit siya kay Norman na tutok na tutok sa ginagawang pagkukulay.
Magbasa pa
ESPESYAL NA KABANATA 2
ESPESYAL NA KABANATA 2     Panay ang singhot at punas ni Azalea sa kaniyang ilong habang nilalagyan ng band-aid ang gasgas sa kaniyang tuhod. Hindi ito kalakihan subalit dahil sa maputing balat ng bata, kahit malabo ang mata ay makikita ang sugat na natamo niya sa pakikipag away kanina.   " Ayan, okay na. Gagaling na rin siya mamaya kapag di na umiiyak si Azalea, " wika ng kaniyang guro saka niligpit ang first aid kit.   " Teacher, nasaan po si kuya Norman? " tanong niya habang tinitignan ang disenyo ng band-aid na inilagay sa tuhod niya. " Bati na po ba sila ni Jethro? "   " Hmm, bati na silang dalawa. Bati na rin kayo ni Jethro, hindi ba? "   Tumango siya. " Nag sorry na po siya saakin kaya okay na po kami. Pinahiram rin niya ako ng toys kaya bati na po kami, teacher. "   " Oo tama 'yan. Basta kapag may nang
Magbasa pa
KABANATA 57
KABANATA 57       " Mama! Papa! " abot langit ang ngiti ni Azalea nang makita ang magulang niyang nag aabang sa labas ng gate ng kanilang eskwelahan. Tumakbo siya palapit sa mga ito para salubingin ng yakap at ipakita ang mga tatak sa kamay bilang achievements niya ngayong araw.     " Wow naman, very good na naman ang baby girl ko. " Pinisil-pisil ni Catalina ang pisngi ng anak niya saka nilingon si Rostam na sandaling isinandal ang tungkod na dala bara buhatin si Azalea. Naghilom na ang parte ng kaniyang hita kung saan siya tinamaan ng bala subalit kailangan pa rin ng tungkod bilang suporta sa paglalakad niya dahil minsan, sumusumpong ang kanang paa dahilan kaya hirap pa siyang kumilos.   " Saan mo gustong pumasyal ngayon? Aalis tayo para i-celebrate ang achievement mo, " anito na lalong kinatuwa ng anak nila. Marami itong binaggit na lugar na gustong puntahan
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status