Share

KABANATA 53

KABANATA 53

Hindi malaman ni Catalina kung anong ikikilos niya sa mga oras na ito. Naroroon sa kusina ang ina para ipag timpla siya ng maiinom habang nakaupo naman siya sa sopa sa sala at nag iisip kung saan siya magsisimula. Hindi niya maramdaman ang presensya ni Bruno dito sa loob na ipinagpasalamat na rin niya dahil bawas ito sa iisipin niya.

Tumayo siya at planong mag tungo sa kusina, saglit niyang inilibot ang tingin sa sala at napatingin sa cabinet nang makita ang litrato nila ni Azalea. Nilapitan niya ito at doon napagtanto na kuha ito noong kaarawan ng anak niya. Hindi niya alam na kinunan sila ng litraro ng ina.

" Nakapag hapunan ka na ba, Cata? " Naalis ang tingin niya sa litrato nang marinig ang boses ng ina. May bitbit itong tray na may lamang pagkain at maiinom. " Ito kumain ka na muna. Bagong luto lang ang pasta at habang mainit-init pa, sumubo ka na. "

<
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status