All Chapters of The VonTobel's Heir : Chapter 41 - Chapter 44
44 Chapters
Kabanata 32
  Nagising siyang may nakapulupot sa kan’yang bewang, nilingon niya iyon at nakita si Ivo na mahimbing ang tulog. Sa sobrang himbing ay napapahilik ito, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki para makatayo siya. Ayaw niyang makita siya ng lalaking ganito dahil sobrang nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin kay Ivo, pakiramdam niya maling-mali ang ginawa nila. Siya ang may kasalanan ng lahat kung pinahinto niya lang si Ivo ay baka hindi ito nangyari. Pa-ika-ika siyang naglakad palabas, maswerte siya’t hindi nagising ang lalaki. Pagod na pagod ito dahil madaling araw na rin sila natapos. Napapikit siya ng mariin, iba’t-ibang posisyon ang ginawa nila, tama nga ang lalaki, hindi siya nito tinigilan. Para silang lasing na lasing kahit hindi naman sila nakainom.Nasa wastong pag-iisip sila kagabi mind subalit sinunod pa rin nila ang init ng katawan. Sa pagbukas
Read more
Kabanata 33
Mabilis silang nakauwi sa probinsya nila, kahit na naguguluhan ang kambal ay sumama na rin ito sa kan’ya. Wala siyang sinayang na oras dahil alam niyang magigising na si Ivo, Mabuti na nga lang ay hindi siya nahirapang maghanap ng masasakyan papunta sa probinsya nila. Ilang oras din ang byahe kaya pagod-pagod sila. Agad siyang nag-text kina Amy at Vanessa na ligtas silang nakauwi sa probinsya. Hawak-hawak niya ang dalawang anak niya palabas ng Bus. Huminga siya ng malalim nang maaninag niya ang bahay nila sa harap niya. Maganda ang bahay nila, sementado na ito at may tindahan sa harapan, bagay na ipinagmamalaki niya dahil kahit papaano ay may naipundar siya bilang manager sa coffee shop para sa mga magulang niya. Iyon nga lang ay kahig-isang tuka pa rin sila dahil may maintenance ang kan’yang ama. Lahat ng pinapadala niya ay nagagastos sa mga gamot ng kan’yang ama. Buong byahe ay kinakabahan siya, marami na rin ang sumasagi sa kan’ya
Read more
Chapter 34
“Alam mo ba, iyong anak ni Mela na si Gianna, umuwi na pala rito sa atin. Nakita ko kanina’t pinapaliguan ang dalawa niyang anak sa may poso nila. Makikiigib sana ako kaso namataan ko silang naliligo roon,” bulong ng isang matandang babae sa tambayan, mismo sa labas ng bakuran nila Gianna. Tinapik naman ng isang matanda ang babae kaya napa-aray ito. “Ano ka ba, marinig nga kayo, nasa harap kayo ng bahay nila,” saway ng isa kaya napairap ito sa kan’ya. “Ay kumare, totoo naman, nasaan kaya ang ama? Bali-balita rito na nabuntis daw iyan at tinakasan ng lalaki. Kawawa naman, maaga kasing naglandi eh, ‘yan tuloy ang napala,” natatawang sagot ng isa. “Mas malala pa nga ata ‘yong anak mo, Marites dahil kabit siya ni Kapitan Tarug!” Sumama ang mukha ni Marites sabay hampas sa kan’yang kaibigan na si Sharon. “Hoy! Mas maswerte pa naman ang anak ko dahil kahi
Read more
Chapter 35
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo. “Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila. “R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito. “Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status