LOGINSi Gianna Marie Falcon ay galing sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ay matindi ang pagpupursigi niya upang makaahon sila sa kahirapan. Kaya no’ng niyaya siya ng kaniyang Tiya Sabel na maging isang stripper sa isang prestihiyosong club ay kaagad niya itong tinanggap kahit labag ito sa kalooban niya. Doon ay nakilala niya ang isang mala-adonis na pangangatawan at pantasya ng mga kababaihan,siya ay si Ivo Stephan VonTobel isang bilyonaryo at may-ari ng respetado at sikat na kompaniya sa buong Pilipinas. Si Ivo ang naging una’t huling costumer ni Gianna, una palang niyang nakita ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit may anong kiliti sa kaniyang puso kapag nakikita at nakadikit ito sa kaniya. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila, gabing hinding-hindi niya malilimutan kailanman. Ngunit paano kaya kung bumunga ang gabing pinagsaluhan nila? Dalawang cute na tsikiting at kamukha pa ito ng ama nila. Sila ba ang magsisilbing paraan upang sila ay magkasamang muli, o hahayaan lang ni Ivo ang mag-iina niya dahil may asawa na siya?
View MoreKabanata 38 Ilang araw ring nanatili si Ivo sa lugar ni Keanna. Tansa nga ng lalaki, tatlong araw siyang natulog sa kan’yang kotse bago siya pinahintulutang pumasok at matulog ng mga magulang ni Keanna sa bahay nila. Okay lang naman sa kan’ya iyon at naiintindihan niya, naalala pa niya ang paguusap nila ng tatay nito. Ni hindi nga siya nakaramdam ng takot at kaba dahil siya naman ang boss ng kanilang kompanya ngunit sa pagkakataong nakausap niya ang tatay ni Gianna, roon lang niya naramdaman ang takot at kaba. Takot na baka hindi siya tanggapin at baka pagmumurahin siya ng ama ng babae pati na ang kaba na baka sabihin nitong layuan niya ang anak nito. Napahinga siya ng malalim at napapikit, tila ba inaalala ang pag-uusap nila ‘nong nakaraan. “Maupo ka.” Iyan ang unang sinabi ng ama ni Gianna sa kan’ya, sa pagbuka pa lang ng bibig ng matanda ay bigla na lamang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Malugod niya naman itong sinunod at umupo sa harapan nito. Nasa labas ang matanda’t na
Ivo Vontobel Ang totoo, matagal na niyang alam na niloloko lang siya ni Shania, hindi niya lang maamin ito sa sarili niya. She really loved her, iyon ang totoo. Minahal niya ito ng totoo, at sa pangalawang pagkakataon, binigo na naman siya ng babae. He acted that he doesn’t know everything, he tolerated his wife’s doing. Ni hindi nga niya kinonfront ito dahil alam niyang nagbago na ang babae. Yes, nagbago nga at alam niyang iniwasan na nito ang lalaking kasama nito palagi noon but everything changed nang dumating ang kan’yang mga anak at si Gianna. He was confused lalo na sa nararamdaman niya. He loves his wife, he’s sure of that but everytime he see Gianna and his children nakakalimutan niya ang asawa niya. Jerk man siya kung iisipin pero iyon ang nararamdaman niya. Matagal na siyang niloloko ng asawa but he’s blinded by his love or should he say he’s guilt. Alam niya kasing malaki ang effort ni Shaniah na mapaibig siya, ginawa nito ang lahat para lamang makalimutan si Gianna at
Walang nagawa si Ivo kung ‘di ang umalis sa bahay ni Gianna. Gusto pa sanang kausapin nito ang mga magulang ng babae ngunit pinilit talaga ni Gianna na huwag munang gawin iyon dahil alam niyang lalala lang ang lahat. Gusto niyang kausapin muna ang mga magulang para magpaliwanag. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay bumungad sa kan’ya ang magulang niyang seryosong nag-uusap. Nang makita siya nito ay agad na umupo ang mga ito ng tuwid. “Hindi ka namin pinalaking mang-aagaw Gianna kaya sana’y maintindihan mo kami ng ama mo. Ayaw ka lang naming masaktan, anak ka namin at malaki ang pagmamahal namin sa iyo lalo na sa mga apo ko. Kalimutan mo na ang lalaking iyon at alam kong makakalimutan din ng kambal ang ama nila.” Hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin, gusto niyang tumutol. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang kalimutan ang lalaki dahi mahal na mahal niya ito. “Alam ko ang mga tinginang iyan, Gianna. Hindi ako papayag na sumama kayo sa lalaking iyon, kapag ginawa mo iyan ma
“Ano ang nangyayari rito, Gianna? Sino iyang lalaking iyan?” Galit at pasigaw ang boses ng ama niya nang lumabas ito ng bahay. Kasama nito ang kan’yang ina na nakakunot din ang noo.“Sino iyan, Gianna?” tanong ng kan’yang ina kaya napangiwi siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, kinakabahan siya dahil sa ibinibigay na tingin ng kan’yang magulang sa kan’ya pati na kay Ivo. Napalingon siya sa paligid, kita niya ang pilit na pakiki-usyuso ng mga kapitbahay nila sa kanila.“R-Roon po tayo mag-usap, ‘Nay, ‘Tay, marami pong mga tao sa labas,” mahinahong saad niya sa magulang ngunit umiling ito.“Hindi! Rito tayo mag-usap, sino ang lalaking iyan?” madiing tanong ng kan’yang ama kaya napapikit siya. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Ivo. Lumapit ito sa kan’ya at hinawakan ang kan’yang kamay para pigilan.“Magandang um
Biglang nagulat si Gianna dahil sa paglabas ng kanilang anak. Hawak-hawak niya ang pisngi na ngayon ay humahapdi dahil sa ginawang pagsampal ni Ivo sa kaniya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang kasalanan niya, nagsasabi lang naman siya ng totoo at hindi man lang naniwala si Ivo. Ano nga ba ang laba
Kasalukuyan silang naghihintay kay Shania sa mismong lugar kung saan nila sinurpresa ang babae noon. Mag-aalas nuebe na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang babae. Halos minu-minuto ay tinatawagan ni Ivo ang number ng kaniyang asawa ngunit nakapatay lang ang cellphone ng babae.Huminga s
“Mabuti na ang kalagayan ng bata, painumin niyo lang siya ng gamot, magiging okay na rin ito kinabukasan,” saad ni Doctor Mendez sa kanila ni Ivo. Hindi kasi mapakali ang lalaki kaya pinatawag nito ang family doctor nila. “Maraming salamat po, Doc Mendez,” saad ni Ivo. Tinanguan niya ang Doctor at n
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin umuuwi si Shania. Halos araw-araw ay hinahanap ito ni Ivo, araw-araw ay nakikita niya itong umiinom na para bang wala ito sarili, halos gabi-gabi ay nasa counter ito, tumatambay. Hindi pa naman niya napapabayaan ang kambal, halos palagi itong nag-bo-bo












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore