All Chapters of Debt Repayment (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20
68 Chapters
Ang Sakit Ng Nakaraan
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito? "Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako. "Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. "Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla. "Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil ha
Read more
Care
- Jasmine Point Of View - Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko? "Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred.  "Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko.  "Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi. "Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya.  "Linggo ng
Read more
Vince Khael
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!" Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon."Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko."Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil."Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas
Read more
Friendship
Jarred Point Of ViewKitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince?"Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya.Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya."Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya. Nang m
Read more
Concern
Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine.Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck! Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Ka
Read more
Dignidad
Jarred Point Of ViewKanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga. "Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko sa kaniya."Good Morning din Babe. Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya sa pinalambing na boses."I miss you Babe. Pupunta ako mamaya sa opisina mo. Oka
Read more
Pakikipaglapit
Jasmine'sPOV Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maihanda ang pananghalian ni Jarred. Nagtungo ako sa kwarto tsaka tinungo ang banyo para naligo. Nang matapos maligo, lumabas ako ng banyo at nagbihis. Plain black shirt at ripped jeans ang aking isinuot. Hindi ko naman kailangan magpaganda dahil maganda na ako. Napangiti ako sa isiping iyon. Nagbubuhat lang ng sariling bangko. Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako, nagtungo ako sa kusina para kunin ang inihanda kong pananghalian ni Jarred na nakalagay sa paper bag. Binitbit ko iyon at lumabas ng bahay.  Nagulat ako nang madatnan ko si Khael na nakatayo sa gilid ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Si Jarred ba ang sadya niya? Pero imposible iyon, dahil alam niya kung anong oras pumapasok si Jarred. Lumingon siya sa gawi ko. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. "Jasmine." wika niya habang titig na titig sa akin. Nagul
Read more
Tattoo
Jarred'sPOV Pagkatapos kong pirmahan ang dokumento na ipinasa sakin ng HR Department, bumaling ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa kanang bahagi ng aking opisina. 11:30 na ng umaga, baka on the way na si Jasmine. Hindi ko mapigilang mapangiti nang pumasok siya sa isip ko. Ipinilig ko ang aking ulo at nawala ang ngiti sa aking mga labi nang maisip ang dahilan kung bakit ko siya ini-hire na katulong. Hindi dapat ako maging malambot. Napabuntong-hininga ako at tinawagan ang Head ng HR Department gamit ang telepono na nasa gilid ng mesa. Sinagot iyon ni Ms. Vasquez, wala si Iya dahil nag-lunch siya. Bakit ko pa hihintayin na gawin iyon ng Sekretarya ko kung pwede ko namang gawin. "Good day Sir Racqueza. Ano po maipaglilingkod po sa inyo?" tanong ng nasa kabilang linya na si Ms. Vasquez. Dalaga pa ito, minsan may nakapagsabi sa akin na may crush siya sakin. Maganda si Ms. Vasquez, pero hindi ako pumapatol nang empleyado. "Tapos ko
Read more
Move-On
Jasmine'sPOV"Salamat Khael sa paghatid at salamat din sa libreng lunch. Babawi ako sa susunod." aniko nang itinigil ni Khael ang kotse niya sa gilid ng gate ng mansiyon ni Jarred. Humarap sakin si Khael na may nakapaskil na matamis na ngiti sa mga labi."So, may next time pa?" tanong niya sakin habang titig na titig sa aking mga mata at naroon pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. "Oo naman! Basta treat ko ah." aniko. Tumaas ang sulok ng labi niya."Sure. Salamat din kasi pinagbigyan mo ako na makasama ka ngayon." aniya sa seryusong boses. Wala na rin ang ngiti niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang inaarok ang emosyon sa aking mga mata."You're welcome, ngayon ko lang naranasan ito simula ng maghiwalay kami ni Jarred. I never dated guy. Simula noong naghiwalay kami. Ibinuhos ko na ang atensyon ko sa pag-aaral, para makalimutan siya. Hindi ako gagamit ng ibang tao para lang makalimot. Hindi ako ganung klaseng babae, ayaw kong maka
Read more
Competition
Jarred'sPOVMabuti nalang nasalo ko si Jasmine. Kung hindi ako lumapit, baka bumagsak na siya sa sahig. F*ck! Pinangko ko siya at lumabas ng kusina, at umakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kwarto niya. Hindi ko maiwasang mag-alala. Oo, inaamin ko hindi pa rin talaga nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Na kahit tinatakpan ko iyon ng galit, hindi pa rin maipagkakaila na nagmamalasakit pa rin ako sa kaniya.Nang makarating ako sa kwarto niya inilipag ko siya sa kama at ini-on ang aircon. Pagkatapos, kinumutan ko siya. Dala ba ito ng sobrang pagod kaya siya nahilo? Hindi ko maiwasang maguilty. Masyado ba ako naging marahas? Dahil sa kagustuhan na makapaghiganti, hindi ko inisip ang kalusugan niya. Marahan akong napasabunot sa aking buhok. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang kaniyang noo. Hindi siya gaanong mainit. Pinatay ko ang aircon, para pagpawisan siya. Pinakatitigan ko siyang muli. Biglang pumasok sa isip ko an
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status