All Chapters of Debt Repayment (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 40
68 Chapters
The Fear
Jarred'sPOVNatigilan si Jasmine nang tanungin ko sa kaniya iyon. Humarap siya sakin na kagat-kagat ang labi at parang nahihiya. "Sige, saan ba tayo mag-uusap?" tanong niya."Dito nalang sa salas. Ahm, tungkol ito kanina. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo, Jasmine. Oo, alam ko na bayad ang araw mo. Pero kung para sa kalusugan mo, hindi naman kaya ng konsensiya ko na pagtrabahuhin ka habang may sakit ka. Oo, galit ako sayo noon. Pero may puso pa rin ako, Jasmine. May nagawa ba akong mali para sabihin mo yun sa harapan nila?" mahinahon kong tanong. Pero sa loob-loob ko nadudurog ang puso ko habang iniisip ang nangyari kanina.Okay naman kami kanina noong hindi pa kami kumakain, nginingitian pa niya ako, pero simula noong pumasok ako sa kusina at nagsimula na kaming kumain. Hindi na niya ako pinapansin at hindi nakaligtas sakin na iniiwasan niyang tumingin sakin. Wala akong maisip na dahilan, bukod sa nagkausap ka
Read more
His Feeling
Jasmine'sPOVNang matapos kami ni Ate Tessa sa pagligpit sa mga pinamili niyang groceries, sinimulan na namin maghanda para sa hapunan. Alas-kwatro na rin kasi ng hapon. Ayaw man ni Ate Tessa na tulungan ko siya, dahil sabi niya magpahinga nalang daw ako, nagpumilit pa rin ako dahil kaya ko naman na walang ginagawa. Hindi naman mabigat ang mga gagawin. Hinayaan nalang ako ni Ate Tessa.Habang naghihiwa ng karne, pumasok sa isip ko ang nangyari kanina samin ni Jarred. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil dun. Nasaktan rin ako sa naging reaksiyon niya, para bang hindi niya gusto ang nangyari. Dahil ba sa natukso lang siya? Umuukilkil sa isipan ko ang sinabi niya na mali ang ginawa namin. Paano naging mali iyon? Wala akong kasintahan at ganun din siya. Sabagay, kaibigan lang ang turing niya sakin. Nang halikan niya ako kanina at agad ko namang tinugon, doon ko napagtanto na mahal ko pa rin siya. Na kahit anong iwa
Read more
The Truth
Jarred'sPOV Nang makalabas ako ng kwarto, tinungo ko ang gilid ng terrace sa may tabi ng sliding glass door ng kwarto na komokonekta sa terasa. May maliit na cabinet roon na nkaasabit na may lamang sigarilyo. Kumuha ako ng isa at tinungo ang dulong bahagi ng teresa. Sinindihan ko ang sigarilyo at sinimulang hithitin iyon. Ito ang madalas kong ginagawa kapag sobrang na-sstress ako, pero madalang lang akong mastress ng sobra. Kung sa kompanya naman ay hindi ako gaanong na-sstress dahil mapagkakatiwalaan ang empleyado ko at maganda ang takbo ng  kompanya.  Higit sa lahat, magaling ang mga empleyado. Hindi naman ako basta-basta nag-hihire ng kung sino-sino lang. Binabackground check ko rin, baka mamaya lalaban pala iyon na may balak magmanman. Huminga ako ng malalim, hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina. Dahil sa pagkalito, pagkainis at selos na lumukob sa aking pagkatao. Ang sekretong inililihim ko at hindi pa da
Read more
Deuce Fight
Jasmine'sPOV Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jarred sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganun ang epekto ng tatlong katagang iyon. Kailan lang noong hiniling ko na sana marinig ko iyon mula sa kaniya.  Ngayon, paulit-ulit ko na naririnig mula sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng aking puso ko ng mga sandaling iyon. Para bang hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Sh*t! Tumikhim si Jarred at ipinaghila ako ng upuan. "Maupo ka, Jasmine." aniya. Doon lang bumalik ang aking kamalayan sa kasalukuyan.Nginitian ko siya. "Salamat." ani ko at umupo sa upuan.  "Walang anuman." aniya at hinila ang upuan niya patungo sa tabi ko. Kumuha siya ng dalawang plato na nasa gilid ng mesa. May disk cabinet roon na may katamtamang laki. Inilapag niya ang isa niyon sa harapan ko at ang isa naman ay sa harapan niya. Kinuha niya ang lunch box na naglalaman ng kanin at nilagyan ang plato ko, ganun din ang plato niya. Ti
Read more
Come Back
Jarred'sPOVNagising ako na may kadiliman na sa labas ng kwarto. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa wall, alas-sais y medya na ng gabi. Pagkadating namin ni Jasmine, natulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina sa opisina. Konting-konti nalang makukuha ko na ang loob ni Jasmine. Konting-konti nalang makukuha ko na siya.Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto tsaka tinungo ang kusina. Natigilan ako ng makita si Jasmine na abala sa pagluluto. Nakatalikod siya, kaya kitang-kita ko ang kaniyang tattoo sa kaniyang batok dahil naka-bun ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng sando na kulay cream na hapit sa katawan at litaw na litaw ang kurba ng kaniyang katawan.Mas lalong lumitaw ang angkin niyang kaputian dahil sa suot niya. Bigla siyang humarap na ikinagulat niya, nang makabawi sa pagkagulat ay ngumiti siya sakin. Ayun na naman ang mabilis na panpintig ng aking puso, kapag ngumingiti
Read more
Impulse Of Emotion (SPG)
Jasmine'sPOV Tinugon ko ang mapusok na halik ni Jarred. Ninamnam ko ang tamis ng lasa niyon na nanunuot sa aking labi. Ipinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas pinalalim pa halik. Sigurado na ako sa desisyon ko. Binibigyan ko ng pagkakataon ang aming mga sarili na maging kami ulit at ipagpatuloy ang pagmamahalan namin. "Oh, Jasmine." ungol ni Jarred na mas lalong nagpalagablab sa init na aking nararamdaman. Tumayo si Jarred kaya napatayo na rin ako. Hinawakan niya ang aking bewang. Humiwalay siya at tinitigan ako. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Nakipagtitigan rin ako sa kaniya. Hinaplos niya ang aking mukha. Napapikit ako sa sensayong lumukob sa aking pagkatao dahil sa haplos niyang iyon. "I want you, Jasmine." aniya. Nagmulat ako ng mga mata at tinitigan siyang muli. Napalunok ako dahil sa intensidad ng kaniyang pagkakatitig. Nang hindi ako sumagot, nagsalita ulit siya. "Pleas
Read more
God's Purpose
Jarred'sPOV HINDI ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Jasmine habang siya'y natutulog. Mukhang napagod siya sa ginawa namin. Ilang ulit na nag-isa ang aming katawan ngayong gabi. Hindi ako gumamit ng proteksiyon, handa naman akong panagutan siya kung sakali man na magdalang-tao siya.  Hinalikan ko siya sa noo, at bumaba ng kama at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng aming pinagkainan at dinala iyon sa kusina para hugasan.  Habang hinihugasan ang pinagkainan, biglang pumasok sa isip ko si Vince. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na nagkaayos na kami? Sigurado naman na maiintindihan niya iyon. Oo, at pinayagan ko siyang ligawan si Jasmine. Ngunit, puso na ang nagdikta sa aming dalawa ni Jasmine para magkaayos kami. Huminga ako ng malalim at tinapos na ang ginagawa. Walang maidudulot na maganda ang pag-iisip ng kung ano-ano. Tsaka ko n
Read more
Cleft Of Passion
Jasmine'sPOV Kitang-kita ko sa kislap ng mga mata ni Jarred ang pananaghili. Tumayo ako at biglang napakapit sa kaniyang balikat ng maramdaman ang kirot sa aking pagkab*bae. Nakatulong ang pagligo ko ng maligamgam na tubig para mawala kahit papaano ang kirot.  Mabilis ang mga kamay ni Jarred, hinawakan niya ang aking bewang para hindi ako matumba. "Bakit kailangan mo pang tumayo? Pwede ka naman sumagot habang nakaupo." aniya na kababakasan ng pag-aalala ang bakas ng kaniyang mukha.  Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pag-alala na ipinapakita niya sakin. Ngayong maayos na kami, maranasan ko na kung paano mag-alaga ang isang Jarred Racqueza  "Ayos lang. Gusto ko habang sinasabi ko ang mga sasabihin ko ay magkapantay ang ating mga mukha at nakatitig ako sa iyong mga mata, Jarred." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Sinalubong niya ang aking titig. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang a
Read more
Hindrance to Amour
Nang marating ko ang kusina. Kinuha ko ang cellphone sa suot na shorts at tinawagan si Celine. Gusto ko mailabas ang inis na nararamdaman, at si Celine lang ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Nakakailang ring palang ay sinagot na niya ang tawag."Yeah, Bes! Good afternoon. Kamusta? Namimiss mo na agad ako? Pupunta naman ako diyan mamaya eh." aniya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."Nandito ang kaibigan ni Jarred na si Sean! Naiinis ako! Kaya tinawagan agad kita para mailabas ko yung nararamdaman ko! Argh!" Hindi ko na talaga napigilan ang inis na nararamdaman. Hindi naman gaanong kalakasan any boses ko at baka marinig nila."Ano ba ang nangyari? Mayabang ba?" tanong niya. Oo nga pala, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na nagkaayos na kami ni Jarred. Balak ko kasing sabihin yun mamaya pagdating niya kaso masasabi ko ata ng wala sa oras."Ahem, nagkaayos na kami ni Jarred." an
Read more
Changed (Slight SPG)
NAGPATULOY ang pag-uusap namin ni Celine, hanggang sa napunta kay Sean ang usapan na kaagad ko namang ipinaliwanag, maging ang paghingi ni Sean ng paumanhin. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan namin. "Ikaw? Wala ka bang ikwekwento sakin?" tanong ko kay Celine. Natigilan  siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. Kinain ako ng kuryusidad sa naging reaksiyon niya, mukhang may itinatago si Celine."Celine, diba walang lihiman? Don't tell me, naglilihim ka sakin?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Naglihim pala ako sa kaniya, pero kailangan kong ilihim eh.Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata, nabahala ako kaya agad ko siyang niyakap. Bigla siyang humagulhol sa aking balikat. Hinagod ko ang kaniyang likod, para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nang tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya. Kumuha siya ng tissue
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status