Napapitlag si Theodore sa tawag ni Noemi, bumalik sa kasalukuyan at biglang naalalang muli ang nangyari sa kanila ni Ella.Habang nasa opisina, kaharap ang mga papeles at kontratang ilang beses na niyang nabasa, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanya ang isang eksena. Ang bahagyang paghinga ni Ella, ang pagkapit nito sa manggas ng kanyang polo, at ang sandaling umabot ang kanyang mga labi sa dibdib ng dalaga bago sila napahinto.Isang pakiramdam ng panghihinayang at kakaibang init ang bumalot sa kanya, na kahit pilit niyang itaboy ay muling bumabalik. Hindi ito dapat mangyari. Hindi sa ganitong paraan. Paulit-ulit niyang binitiwan sa sarili ang paalala.“Late na tayo Theo, tara na,” tawag ni Noemi sa kanya“Okay, let’s go,” matipid na sagot niya, ngunit hindi niya mapigilang mapailing nang bahagya.Napatingin siya sa bintana ng opisina, tumitig sa mga ilaw ng lungsod na parang hinahanap ang sagot sa isang tanong na wala pa siyang kakayahang sagutin.Pagdating sa mansyon, hindi agad siy
Last Updated : 2026-01-14 Read more