MasukNang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
Lihat lebih banyak"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, pabigla bigla ang desisyon mo?"
Mula sa likuran ay narinig niyang sambit ni Theodore.
Kasalukuyang siyang naghuhugas ng pinagkainan dahil kakatapos lamang magdinner ng pamilya.
Bumisita si Rico sa kanila nang malaman na plano na niyang humanap ng malilipatan.
Dahil mabait naman ang amo nilang babae, ang mama ni Theodore, inimbitahan itong doon na maghapunan.
Nagtatakang napalingon siya upang humarap dito ngunit di niya namalayan na kaunti na lamang ang pagitan nila. Madilim ang anyo nito at hindi niya maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig ng mga mata nito.
Bahagya siyang napaurong at napakapit ang mga kamay sa lababo sa kanyang likuran.
Ang napakaliit na pagitan nila ay mas lumiit pa dahil sa muling paglapit nito.
"Why are you doing this to me Ella?" garalgal nitong bulong sa kanyang tenga.
Ang kaninang galit nitong ekpresyon ay napalitan ng lungkot.
Anong ginawa ko? May nagawa ba akong mali?
"Sir hindi ko po kayo maintindihan", nagugulumihanang sagot niya rito.
Hinaplos nito ang kanyang mukha habang nakatitig ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang mga balikat.
Bahagyang namula ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng puso niya.
"Please don't leave, I want you stay by my side." Bahagya itong yumuko at lalong nagkalapit ang mga mukha nila.
Naguguluhan man ay inosente siyang sumagot sa amo habang bahagyang iniiwas ang mukha.
"Hindi pa po ako aalis sir, wala pa po akong ma..." hindi na niya natapos ang sasabihin.
Sa isang iglap ay nagawa nitong hawakan ang kanyang pisngi,iniharap siya nito at banayad idinampi ang malambot nitong mga labi sa kanya. Sa una'y mabagal lamang ang paggalaw nito hanggang sa tuluyan na itong naging mapusok.
Parang tumigil ang lahat ng mga oras na iyon at gusto niyang kurutin ang sarili upang masigurong hindi siya nananaginip lamang.
Totoo ba ito? Si sir Theodore, bakit niya ginagawa ito?
Hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang gumaganti sa mainit nitong mga halik. Pinagsalikop niya ang basa niyang mga kamay sa batok ng binata. Hinawakan nito ang kanyang baywang at inilapit sa katawan nito. Yumakap siya rito habang patuloy ang paggapang ng mga kamay nito sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Akmang iuupo na siya nito sa ibabaw ng lababo ay bigla siyang natauhan.
Nasa kusina lamang sila at maaaring may bigla na lamang pumasok. Narito rin si Rico at paano kung abutan sila doon ng mama ni Theodore, ni tiya Cele... at ni Nadia! Biglang nanlaki ang kanyang mata. Nagmamadali siyang lumayo kay Theodore at nagtatakbo patungo sa kanyang kwarto.
Anong ibig sabihin nun, so hindi lang ba talaga ako? May pagtingin din ba si sir Theodore sa akin? Para saan ang mga halik na iyon, pangalawang beses na iyon.
Muli ay kinurot niya ang sarili.
No, imposible, isa lang akong kasambahay. Hanggang dun lang talaga ang pagtingin niya sa akin.
Kinontra niyang muli ang sarili.
Pero bakit niya ako hinalikang ulit? At anong ginawa ko sa kanya gaya ng paulit ulit niyang sinasabi?
Kinapa ni Ella ang kanyang dibdib, hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok nito, bahagya ng humupa ang pamumula ng kanyang pisngi.
Dinama niya ang kanyang mga labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam niya pa ang mga labi ng binata.
Ano bang ginawa ko para gawin niya sa akin yun? Paano ko siya haharapin bukas?
Pabagsak siyang humiga sa makipot niyang kama, buti na lang wala si Nadia, kundi, hindi ako makakatulog sa kakatanong niya.
Tuluyan na siyang nakatulog nang may ngiti sa mga labi.
Hindi lang iisang beses na nangyari ang halik na 'yun.
Dapat ko na bang isipin na mahal din niya ako?
Napapitlag si Theodore sa tawag ni Noemi, bumalik sa kasalukuyan at biglang naalalang muli ang nangyari sa kanila ni Ella.Habang nasa opisina, kaharap ang mga papeles at kontratang ilang beses na niyang nabasa, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanya ang isang eksena. Ang bahagyang paghinga ni Ella, ang pagkapit nito sa manggas ng kanyang polo, at ang sandaling umabot ang kanyang mga labi sa dibdib ng dalaga bago sila napahinto.Isang pakiramdam ng panghihinayang at kakaibang init ang bumalot sa kanya, na kahit pilit niyang itaboy ay muling bumabalik. Hindi ito dapat mangyari. Hindi sa ganitong paraan. Paulit-ulit niyang binitiwan sa sarili ang paalala.“Late na tayo Theo, tara na,” tawag ni Noemi sa kanya“Okay, let’s go,” matipid na sagot niya, ngunit hindi niya mapigilang mapailing nang bahagya.Napatingin siya sa bintana ng opisina, tumitig sa mga ilaw ng lungsod na parang hinahanap ang sagot sa isang tanong na wala pa siyang kakayahang sagutin.Pagdating sa mansyon, hindi agad si
"Hon, napakaswerte namin ng inay at kuya, dahil hindi lang ikaw ang napakabuti sa amin, pati si tita!", yumakap si Kiara na tila ba nananaginip dahil sa tinatamasang 'instant' na ginhawa sa buhay.Gumanti naman si Theo ng yakap habang naaaliw sa reaksyon at kasiyahan sa mukha ng pinakamamahal na nobya."Sabi ko naman sa'yo hon, I will do anything for you", sabay halik sa noo ng dalaga.Kinabig ni Kiara ang binata at isang matamis na halik ang iginawad niya sa mga labi nito.Agad namang napalingon si Theo sa paligid at baka naroon pa ang kanyang mama at ang nanay at kuya ng nobya. Nang mapagtanto ng bintana na wala na silang kasama sa bahay, doon lamang niya ginantihan ang halik ng dalaga. Binuhat niya ito at dinala sa kwartong nakalaan para rito.Nagmamadaling naghubad ang dalaga, ito na rin ang nagtanggal ng butones ng polo ng binata. Isinunod ng dalaga ang kanyang bra na kung bakit ba sa mga oras na iyon ay napakahirap tanggalin. "f**ck!", di sinasadyang nasambit ng dalaga sa gitna
"Leo, alam mo ba kung saan nakatira ang pamilya ni Kiara? Gusto ko sanang puntahan siya sa mismong bahay nila. Palage kong sinasabi na gusto kong dumalaw sa kanila pero palage niyang tinatanggihan." Hindi kumibo agad si Leo sa tinuran ng binata. Maging siya ay hindi rin basta nakakapunta sa bahay nila Kiara, dahil sa takot niya sa kuya nitong basagulero. Ang inay naman nito ay sugarol at lasinggera. Madalas na naaawa siya sa dalaga dahil sa pamilyang mayroon ito, kaya alam niyang gumagawa rin ito minsan ng mga bagay na labag sa kalooban nito. "Alam ko Theo, pero sa palagay ko ay igalang mo nalang ang pasya ni Kiara. Kung ayaw ka niya papuntahin, maaaring mayroon siyang dahilan." wika ng binata. Napaisip naman ang binata sa sinabi ng dating kababata. "Sige Leo, sa tingin ko nga ay igagalang ko na lang ang desisyon niya. Pasasaan ba at mapapatawad niya rin siguro ako." umaasang tugon nito. *** "Anak, ano? Pumayag ba si Theodore sa hiling ko? Ihahanap niya ba tayo ng mat
“Hon, nakiusap ang inay baka raw maihahanap mo kami ng ibang matitirahan. Pero magbabayad kami sa’yo buwan-buwan. Wala lang talaga kami sapat na halaga para makalipat.” ani KiaraMalamlam na tinitigan ng binata ang dalaga saka sumagot dito.“Hon, how many times do I have to tell you that you can ask me anything you want. Walang kahit anong kapalit.” mahinahong tugon ng binataLihim na nagdiwang ang kalooban ng dalaga. Malapit nang unti unting maisakatuparan ang kanilang mga plano.“Thank you hon. Alam mo ba, gsto ko na talagang makaalis dun. Ang baho baho kase at ang mga tao kung makatingin, para na akong hinuhubaran, lalo na dun sa dinadaanan ko na eskinita, tuwing uuwi ako galing trabaho.” wika ng dalagaHinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Nakaupo sila noon sa tapat ng restaurant na pinagtatrabuhan ng dalaga. Kung saan sila unang nagkakilala.“What if dun nalang sa malapit sa bahay namin kayo lumipat. I’ll ask mama if she can find a decent home for you and your family. Para rin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan