After a week of staying in Korea, umuwi na rin ako sa Manila. The plane has landed pero nanatili muna akong nakaupo. Ayaw kong makipagsiksikan. Kinuha ko sa bag ang cellphone ko dahil tumutunog ito, and there. . . Levy was calling me. Siguro’y nasa labas na sila kasi ang sabi nila kahapon ay susunduin nila ako ngayon.“Ano? Nakaupo ka pa rin d’yan?” bungad niya sa akin.I rolled my eyes and chuckled. “Alam mo namang ayaw kong makipagsiksikan, eh.”“Tama ‘yan, friend. Huwag kang makipagsiksikan sa mga taong ayaw naman sa ‘yo.”Kumunot ang noo ko at napangiwi. Napansin kong kaunti na lang sila kaya tumayo na ‘ko at kinuha ang handbag na nasa overhead locker. Nahirapan pa ‘kong kunin ‘yon kaya inipit ko sa tenga ang cellphone tsaka iyon binuksan.“Ako na, Miss.” a baritone voice spoke.“Oh, thanks.” I stepped back and let him get my travel bag.
Magbasa pa