All Chapters of Mr Greyson's Child: Chapter 21 - Chapter 30
37 Chapters
Chapter 21: Tantrum
AKALA ni Ambirelyn matapos nilang magsalo ng lalaki sa hapag kainan at nakapag-usap sila ng matiwasay ay iyon na ang simula ng mabuting pagsasama nila pero akala niya lang pala. Bakit? Dahil tatlong araw na itong hindi umuwi, namumuti kada gabi ang mga mata niya kakahintay rito. Hindi naman niya ito makontak sapagkat wala man siyang numero nito. Naiintindihan naman niyang napaka-hectic ng schedule ng isang billionaire na tulad nito pero sana naman maisip nitong may naghihintay na rito umuwi."AHH!!!!!!!!" tili niya sa loob ng kwarto nila.Oo, dito pa din siya namamalagi kasi nga, iyon ang gusto ng lalaki. Umupo siya ng maayos at pilit na pinapakalma ang sarili kahit gustong-gusto na niyang mag-pagulong-gulong sa ibabaw ng kama sa tindi ng inis niya na hindi niya mawari kung saan nag gagaling. Basta inis na inis siya sa lalaki to the point na gusto niya kurutin at kagatin."Teka 'di kaya—ay pisteng yawa ka!" gulat na bulalas niya nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Muntik
Read more
Chapter 22: Escaping from the mansion with my friend
EXCITED na inalis ni Ambirelyn ang suot na apron ng mabasa niya ang message ni Nicole nasa labas na daw ang mga ito. Pigil niya ang sariling mapatalon sa tuwa sa sobrang kasiyahanan na nararamdaman ng mga sa sandaling iyon. Miss na miss niya lang kasi ang mga kaibigan niya kaya ng magsabi ni Nicole na pupuntahan siya ng mga ito sa mansion ng lalaking ama ng anak niya ay tuwang tuwa talaga siya."NICOLE!!!" tili niya ng makita ang kaibigan na naka sunod sa isa sa mga yaya ng mansion."Ito naman maka-react, akala mo naman ilang taon hindi ng kita ah—""I miss you too, Elle," putol niya sa sinasabi ng kaibigan."Aw, I miss you too," sagot nito at niyakap siya at yumakap naman siya pabalik."Tama na muna ang drama, nagugutom na kami pakainin mo muna kami," singit ng bakla niyang kaibigan.Natawa siya. "Oo na po, hali kayo sa kitchen, nagluto ako ng Maruya," naka ngiting anyaya niya at ginaya ang mga kaibigan sa sala.***"ANG yaman talaga ng ama ng anak mo bakla, ang laki ng mansion na ito
Read more
Chapter 23: Making him Angry
NASA gitna na sila ng daan ni Angelo, hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti habang tinatanaw ang mga kalyeng dinadaanan nila."Salamat talaga ah, buti ka pa pinapakinggan mo ako, iyong apat kasi ayaw akong paniwalaan kesyo daw kasi para din naman sa safety ko at sa baby ko ang manatili ako sa loob ng malaking bahay na iyon. Hindi ba nila naiisip na nakakabaliw makulong sa bahay na iyon maghapon? Mas gusto ko pa dun sa apartment ko 'e, kaya't tuwang tuwa talaga ako ng pumayag kang ilayo ako dun," basag niya sa katahimikan.Tumingin sa kanya si Angelo sakto din kasi tumigil sila dahil sa traffic light. "No problem, basta ikakasaya mo handa ako tulungan ka, Ambi." Ngumiti ang lalaki.Ngumiti siya ng matamis at inalagay ang kamay sa balikat ng kaibigan. "Yiee kaya'y ikaw talaga pinaka-close ko sa kanila e, naiintindihan mo ako."Matagal siyang tinitingan ng lalaki na tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang mukha bigla tuloy siya naasiwa."Ba't ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanon
Read more
Chapter 24: He hurt my friend and me
MAPALAD ang mga ngiti ni Ambirelyn nang sa wakas ay papasok na sila sa village na tinitirahan niya. Apartment ang tawag niya sa bahay na tinitirahan niya dahil hindi naman siya ang tunay na may ari kundi isa lamang siyang pamansamantalang taga alaga sa bahay. Ang may ari ay nasa States nakatira, iniwan ang bahay na iyon sa kanya, ito'y simpleng bahay lamang, hindi mo maitutulad talaga sa mga exclusive village sapagkat magkadikit-dikit ang mga bahay na tipong pati ungol mo ay maririnig sa kabila. Ang may ari ay isa sa mga manunulat na under sa kanya, sa katunayan ay sinabihan na siyang huwag na lamang magbayad ng renta ngunit nagpumilit siya magbayad kahit 1000 a month lang. Noong una ay hindi ito pumayag ngunit kalaunan ay pumayag na din. Napakurap-kurap siya nang matanaw niya na ang street kung saan ang apartment niya. Hindi niya alam pero parang tumalon ang puso niya nang mga sandaling iyon"Oh, how I miss this place, it's been a while..." pabulong na sabi niya sa hangin at pumikit.
Read more
Chapter 25: Rinso Advices
WALA NA talagang pag-asang magkakasundo sila ng lalaki sapagkat ilang araw na hindi sila nag-uusap at wala siyang planong humingi ng sorry kahit matubuan pa ng pakpak ang baboy. Walang kapatawaran ng ginawa nito sa kaibigan niyang si Angelo at sa kanya. Ilang araw na din siyang nagkukulong sa silid ng lalaki habang ito ay nasa library nito natutulog iyon ay ayon sa mayordoma. Hindi siya kumain pag-alam niyang nasa bahay ang lalaki, ayaw niya makita ang pagmumukha nito. Naalala niya pa ang nangyari noong gabing nangyari ang kaguluhan sa harap ng apartment niya.TUMIGIL na ang kotse ng lalaki sa parking space ng mansion, mapait na ngumiti siya. Here she is again, bumabalik sa kanyang napakalaking hawla kasama ang halimaw na nasa tabi niya. Walang imik nakiramdam siya na hindi ina-angat ang ulo sa pagkayuko mamaya pa ay narinig niyang bumukas ang pintuan na nasa gilid niya. "Hindi ka pa ba baba?"Hindi siya umiimik, wala siyang planong kausapin ang lalaki, baka mag-away lang sila uli at
Read more
Chapter 26: Harana
NAKAUPO si Ambirelyn sa may kalakihang sofa sa loob ng kwarto ni Mr Greyson na inuukupahan niya ngayon. Nililinisan niya ang kaniyang mga kuko, hindi niya alam pero she just feels to do it. Mayroon mga pagkaing nakakalat sa may gilid niya, pa-simple niyang binili iyon dati at tinago. Wala siyang planong gutumin ang sarili dahil lang sa galit sa lalaki at saka kawawa naman ang anak niya if magpapagutom siya. Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata nang may narinig siyang nagbubulungan sa labas ng pinto. Tumayo siya at lumapit sa may pintuan para masiguradong tama ang hinala niyang may nag-uusap sa labas nun."Do I really need to sing this kind of song?"Napataas ang kilay niya nang makilala niya ang boses ng nagtanong. It's Mr. Greyson's voice. Ano na naman ang pakulo nito at nasa labas ito ng pintuan niya."Yes, sir. You need to do it para patawarin ka ni Ms Mangsanay."Umangat ang gilid ng labi niya sa sinabi ni Rinso. So, ito siguro ang may pakana ng lahat, dahil napaka-impossible nama
Read more
Chapter 27: Arrangements
PAGKAUPO nila ay kaagad siyang tumingin sa gawi ng lalaki at hindi niya maiwasang mapahanga sa angking kagwapuhan nito lalo pa kung naka-side view at naka-serious mode ito."I have a business trip in France tomorrow," panimula ng lalaki at tumingin kanya.Napakurap-kurap naman siya ng kanyang mga mata at pinikalma ang sarili. "Ano naman ngayon sa akin if may business trip ka?"Bumuntonghininga ang lalaki. "I'm planning to bring you with me. Sabi ko nga kanina may paraan akong naisip para hindi ka ma-bored rito at ito na iyon, you will go with me.""So, gagawin mo akong parang asong sunod-sunuran sa kanyang amo ganun ba?" nakataas kilay na tanong niya."Of course not, kailan ka ba sumusunod sa akin? Hindi ba't lagi kang sumasaway at saka hindi lang naman business trip pinunta ko doon, dadalhin kita sa farm ng lola ko para naman ma-relax ka, you can stay there if you want while I'm doing my job."Natahimik siya sa narinig at matagal na minasdan ang lalaki. Minsan ang bait nito sa kanya m
Read more
Chapter 28: Kiss me, honey!
HUMINGA siya ng malalim at napalunok nang lumapit na ang lalaki sa kanya, hindi niya alam pero pakiramdam niya'y maiihi siya sa kaba. Nakakahiya man aminin pero ngayon lang talaga siya mahahalikan ng lalaki na walang epekto ng alak ang sistema niya. Nanigas ang katawan niya nang hawakan ng lalaki ang magkabilang balikat niya at tinitingan siya sa mata."What happen?" nagtatakang tanong nito nang iniwas niya ang kanyang mukha nang nilapit na ng lalaki ang mukha nito sa kanya para hulihin ang labi niya.Napakamot siya sa kanyang ulo hindi niya alam kung ginawa niya iyon dahil may kuto siya o dahil nahihiya siya."Ano kasi, parang hindi ko ata kaya, pwede bang ako na lang ang lumapit? Pumikit ka na lang ako na bahala gumalaw," giit niya na hindi tumitingin sa mukha ng lalaki.Akala niya'y tatayo ito at iiwan siya sa silid na iyon ngunit nagulat siya nang narinig niyang tumawa ng mahina ang lalaki kaya't napatingin siya sa gawi nito."Bakit ka natatawa?" inis na tanong niya. Hindi niya ala
Read more
Chapter 29: Paglilihi
HINDI maiwasan ni Ambirelyn napangiwi ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha at lalo ng imulat niya ang kanyang mata dahil damang-dama niyang mahapdi ang mga mata niya, marahil dahil nga hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa paghiga ng bigla na lamang may kumatok, kumunot ang kanyang noo, kay aga-aga 'e may bibisita na agad sa kanya. Nakasimangot na tumayo siya at naglakad palapit sa pintuan upang buksan ang kung sino man ang nangahas na bisitahin siya umagang-umaga. Pagkabukas niya ng pintuan ay bumukad sa kanya ang nanlalaking mga mata ng mayordoma."Susmaryosep, 'neng, anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong nito sa kanya.Napakamot siya sa kanyang ulo sa naging reaksyon ng mayordoma. "Bakit po?" Imbis na sumagot ay hinila siya nito papasok sa loob ng silid na inaakupahan niya at dinala siya sa loob ng banyo, walang imik na sumunod na lamang siya sa matanda. Wala siyang lakas para makipagtalo rito ng mga sandaling iyon."HOLY SHIT! SINO I
Read more
Chapter 30: Don't you dare!
SARAP NA SARAP si Ambirelyn sa pagnguya sa nilagang saging habang nakaupo sa may upuan ng eroplano kung saan tanaw niya ang nag-gagandahang tanawin, lalo na ang ulap na kay ganda pagmasdan."Hmmm, ang sarap talaga, perfect combination talaga ang ang nilagang saging at taho, hindi talaga ako nagkamaling bilhin ito," tuwang-tuwang komento niya at nagbalat uli ng saging at dinala iyon sa kanyang bibig. Nang mailunok na niya ang saging ay inabot niya ang taho na mainit-init pa, nakalagay sa tasa na may kalakihan. Sumimsim siya roon habang ang mga mata ay nasa umuusok na nilagang mais na siya mismo ang nagluto bago sila sumakay sa eroplano. Binaba na niya ang tasa at ngumisi at akmang aabutin ang mais na tila ba inaakit siyang abutin ngunit bago pa man umabot ang kanyang kamay sa naturang mais ay may tumampal na sa kamay niya kaya't napasimangot na tumingala siya para tignan kung sino ang may ari ng kamay."Ano naman ba problema mo at pinapakialaman mo na naman ang pagkain ko," angil niya
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status