Bingi ang buong arena sa hiyawan, pero kay Atanasha lang nakapako ang paningin ni Red. Kita niya ang kislap sa mga mata ng asawa, ang pagsabay nito sa kanta, at ang malawak na ngiti na bihira niyang makita. Pero nabura ang lahat ng iyon nang sumingit ang boses ni Silva sa gilid."Atanasha, gusto mo bang sumama sa backstage later? I can get you a picture with them. Even their signatures, if you want."Ramdam ni Red ang pag-akyat ng init sa kanyang batok. Hindi man lang ba tinitignan ng lalaking ito ang singsing sa daliri ni Atanasha? O sadyang wala itong pakialam na nasa tabi lang siya?"Seryoso ba yan? Of course! I’d love to! Thank you, Mr. Silva!" Halos tumalon si Atanasha sa tuwa.Hindi na nakapagpigil si Red. Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Atanasha, sapat na para maramdaman ng asawa ang nagngangalit niyang presensya."You can't, my love. We’re having dinner somewhere private after this, remember?"Malamig ang boses ni Red, pero ang mga mata niya ay diretsong nakatusok kay Silv
Last Updated : 2022-01-26 Read more