“Baby,” wika ni Letitia gamit ang kalmadong tono saka umupo sa tabi ng kama ni Alexander,”hindi kami ang mommy and daddy mo.” Hinawi niya ang buhok ni Alexander at hinalikan ang noo nito. ‘There's no way na kami ang mommy and daddy mo, hindi kami kasal at hindi kami magpapakasal. Isa pa, product ng love ang baby, hate ang nararamdaman namin para sa isa't isa,’ wika ni Letitia sa kaniyang sarili saka pilit na ngumiti. “M-Mommy... Ang sakit po ng katawan ko,” naiiyak na wika ni Alexander, nakatingala lamang siya kay Letitia habang pinipigilang lumuha. “Shh, it's okay. I'm here, tatawagin lang muna namin ang doctor para ma-check ka, all right?” sabi ni Letitia sa kaniyang pamangkin, hinawakan niya ang kamay nito saka mahinang pinisil. Tumango lang si Alexander at inilipat ang kaniyang paningin sa binatang nakatayo sa kabilang bahagi ng kama niy
Baca selengkapnya