Share

CHAPTER 2: Mommy and Daddy?

“W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Letitia sa kaniyang ina, lumipat ang kaniyang tingin sa kaniyang ama at sa ina nila Andrew.

No! No! Hindi ito totoo, hindi pa patay ang ate niya, hindi pa siya patay.

“Mom. Ano ba naman kayo, prank ba ito? Wala akong oras makipagbiruan. Tama na,” ani Letitia, pilit na kinukumbinsi ang kaniyang sarili na biro lang ang sinasabi ng kaniyang ina.

“Anak... Si A-Alex,” utal-utal na wika ni Marrisa habang siya ay humihikbi, tumayo siya at hinawakan ang kamay ng anak na ngayon ay nanginginig na.

“A-Alex? Kasabwat niyo? Asan na ba 'yang pamangkin ko? You got me, huh. Ang galing niyo umarte, I mean si tita Andrea talagang magaling, sikat na actress nga siya eh. Nasaan ba ang camera?”

Hindi umimik ang kaniyang ina o kaya ang kaniyang ama, nanatili lang silang tahimik habang magkayakap at inaalo ang isa't isa.

Tumayo si Letitia at nagmamadaling tumakbo papunta sa room 104, mabilis ang tibok ng puso niya, at nanginginig ang mga tuhod niya, hindi na rin normal ang paghinga niya pero pinilit niya pa rin makarating sa room 104.

“Letitia!” sigaw ni Andrew habang inaalalayan ang kaniyang ina.

“Okay lang ako, Andrew. Sundan mo si Letitia, baka kung anong mangyari sa kaniya,” ani Andrea sa kaniyang anak, habang pinupunasan ang kaniyang luha.

“Pero mo—” 

Hindi natapos ni Andrew ang kaniyang sasabihin nang magsalita muli ang kaniyang ina.

“I'm all right. Sundan mo na si Letitia, go,” wika ni Andrea saka tumayo at kinuha ang cellphone sa bag.

“Tsk. Letitia!” sigaw ni Andrea para tawagin si Letitia.

“A-Alex... O-Oh my... Ano ba ang nangyari?!” nag-aalalang wika ni Letitia, napahawak siya sa pader nang maramdaman niyang manghina ang kaniyang mga tuhod.

Nakaratay at walang malay ang pamangkin niyang si Alexander sa hospital bed at marami itong benda sa kaniyang katawan. 

Si Alexander ang nag-iisang anak ni Lea at Andrei. Mabait at malambing itong bata, masiyahin at malusog kaya marami ang natutuwa rito. Sa katunayan nga'y lagi itong sinusundo ni Letitia para isama sa mall o sa parke para igala at maglaro. 

Mahal na mahal si Alexander ng kanilang pamilya, lalo na ng kaniyang mga magulang na si Lea at Andrei. Si Lea ay ang nakatatandang kapatid ni Letitia at si Andrei naman ay nakababatang kapatid ni Andrew.

Lumaki si Alexander na puno ng pagmamahal nila Lea at Andrei kaya ngayong wala na sila ay ano na lamang ang mangyayari kay Alexander?

“Dapat... Pupunta sa isang business trip si Andrei at isasama niya si Lea pati si Alexander. Nabangga ang sinasakyan nilang kotse mula sa harapan, dahil sa lakas ng impact ay tumalsik pa ang kotse na sinasakyan nila. Si Andrei at si Lea, dahil siguro nasa driver and passenger seat sila ay mas malaki ang naging pinsala. Si Alexander naman, luckily, nasa likod siya at maayos ang seat belt. He's in a critical condition nang dalhin siya rito pero ngayon, safe na siya.”

“Alam mo?! Eh, bakit hindi mo sinabi sa akin?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!” galit na tanong ni Letitia kay Andrew.

“Kung sinabi ko 'yon sa 'yo sa telepono ay baka humahagulgol ka na roon at hindi ka na makapunta rito. Hindi ba't kapag malungkot ka, alcohol at party ang tinatakbuhan mo,” malamig ang boses na wika ni Andrew habang tinititigan ang kaniyang pamangkin.

Tinignan lamang siya nang matalim ni Letitia at sumagot. “Kahit na! Iba naman ito! Dapat sinabi mo! Isang tanong, yung nakabangga? Nahuli na ba? Na saan na?” sunod-sunod na tanong ni Letitia.

“Unfortunately, hindi pa rin. Sa tingin ko, planado ito at hindi aksidente lang. Matapos sila banggain nung driver ng kotse, agad siyang umalis na para bang walang nangyari,” paliwanag ni Andrew saka umupo sa upuan na nasa likod lamang nila.

Tumayo sa harap niya si Letitia at namaywang pa bago magsalita. “Here we go again, Mr. Detective. 'Wag ka ngang masyadong suspicious d'yan. Ganoon naman lahat ng hit and run, eh. Makakabangga tapos bye na, parang walang nangyari,” wika ni Letitia at saka lumakad papalapit sa kaniyang mga magulang.

MAKALIPAS ang isang linggo ay nailibing na ang bangkay nila Andrei at Lea. Marami ang nabigla at nalungkot nang malaman nila ang nangyari sa mag-asawa ngunit mas marami ang nangangamba para sa kapakanan ni Alexander na ngayo'y ulila na at hindi pa rin iminumulat ang mata.

‘Alexander... Don't worry, you are not alone,’ wika ni Andrew sa kaniyang sarili.

Nag-umpisang lumakad si Andrew palabas ng kaniyang opisina dala ang kaniyang ibang gamit, pupunta na kasi siya sa ospital upang palitan si Letitia sa pagbabantay kay Alexander. 

Paglabas ni Andrew ng kaniyang opisina ay agad siyang sinalubong ni Sebastian, ang kaniyang matalik na kaibigan simula pagkabata pa. Dala nito ang kaniyang cellphone at may pinapanood.

“Sebastian, tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” saway niya sa kaibigan, saka nagpatuloy sa paglalakad. Isang hakbang na lamang ay malalagpasan niya na ito.

Hinawakan ni Sebastian ang kaniyang braso para pigilan si Andrew at saka ipinakita ang cellphone at nagsalita. “Look! Hindi ba si Letitia ito? Yung nakababatang kapatid ni Lea?” tanong ni Sebastian sa kaniya.

Tumaas naman ang kilay niya sa tanong nito. “Hindi ko alam at wala akong pakielam, 'wag mo na sayangin ang oras ko,” malamig ang boses na wika ni Andrew.

“What? Bakit ba ang init ng dugo mo sa kaniya? May ginawa ba siya sa 'yo?” nagtatakhang tanong ni Sebastian sa kaniyang kaibigan, ”o baka naman ikaw ang may ginawa?”

“Ako? May ginawa? Ano naman ang gagawin ko sa babae na 'yan?” inis na wika ni Andrew, ”akin na nga 'yan, ano ba ito?” wika niya matapos agawin ang telepono ni Sebastian.

“Edi panoorin mo para malaman mo,” sagot naman ni Sebastian saka ipinasok sa bulsa ang kaniyang kamay at ngumuso.

“Gael Chavez debut celebration in Tia's nightclub. Ang saya!” basa ni Andrew sa caption ng isang post habang nakataas ang kilay.

“Gael Chavez? Sino naman 'yon? Singer? Artista?” nagtatakhang tanong ni Andrew saka tumingin sa kaniyang kaibigan na nakatitig lamang sa kaniya.

“No? Panoorin mo nga, ang dami mo pang sinasabi, eh.”

Ibinalik ni Andrew ang kaniyang paningin sa telepono at pinindot ang video. “Ano na naman kaya ang ginawa nito?” iritableng bulong ni Andrew sa kaniyang sarili at itinuon ang atensyon sa video.

“Shut up! Ano ba ang gusto mo, huh?! Drinks?! Money?! Gold digger!” wika ng lalaki na nasa video.

“Hindi ako celebrity or kung ano pero alam kong walang ganito sa debut celebration,” wika ni Andrew saka bagot na tinignan ang kaniyang kaibigan.

“Manood ka na lang, okay?”

Umiling si Andrew at pilit na ibinalik sa video ang kaniyang atensyon. “Sure, whatever.”

“Jaya and Aida, kaibigan ko sila. Those two... Laging magkadikit, hindi mo mapaghihiwalay kahit anong gawin mo and then all of a sudden, nagbago na sila. Nagtataka nga ako at bakit parang hindi na sila nag-uusap then nalaman ko na dahil pala 'yon kay Gael Chavez, Aida's boyfriend and Jaya's fiance. Nag-iisip nga ako kung paano ko sila mapag-aayos kanina tapos dumating ka at.”

Rinig ni Andrew na wika ng isang pamilyar na boses.

“Yes, this is Letitia. Boses pa lang nakakairita na, siya nga 'yan.” Aktong ibabalik na ni Andrew ang cellphone ni Sebastian nang bigla itong magsalita.

“Panoorin mo lang,” sabi ni Sebastian.

Hindi na nagsalita pa si Andrew at tinuloy na lamang ang panonood sa video.

“Shut up! Ano bang pakielam mo?! Umupo ka na lang d'yan at mag-abang ng bagong bibili ng drinks mo! Bitch!”

“Yes, yes! Gagawin ko 'yon. I'll make sure na mamaya, ang bibili ng drinks ko ay hindi kuripot at manloloko like you,” sagot ni Letitia sa lalaki habang tumatawa.

Naghiyawan naman ang mga tao sa club dahil sa sinabi ni Letitia.

Tumaas lang ang kilay ni Andrew sa narinig niya. “Ano naman 'yon? Bakit kailangan sumigaw?” iritable niyang wika habang nakakunot ang noo.

“If manloloko ka, make sure na hindi magkakilala at kung lalandi ka pa, make sure ulit na hindi ulit magkakilala. Hina mo, eh. Practice ka pa, kung may mukha ka pang ihaharap ngayong sikat na sikat ka na.”

Biglang natahimik at ilang mahihinang bulong na lamang ang naririnig sa video matapos ibuhos ni Letitia sa ulo ng lalaki ang natitirang inumin sa baso niya.

“Did she just... Oh my... OMG!”

“Oops, she did it.”

Itinaas naman ni Letitia ang kaniyang basong walang laman at matamis na ngumiti. “Let's celebrate Mr. Gael Chavez's debut as a rookie but deadly asshole! Your drink is on me!” tuwang-tuwa niyang bati.

Sa isang iglap ay naghiyawan muli ang mga tao at kasabay nito ang pagbalik ng musika sa nightclub ni Letitia.

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

“Tia!”

Hiyaw ng mga tao habang pinapanood si Tia sumayaw sa dance floor.

“Who's Tia? It's me! Who's Tia? That's me!” masayang wika ni Letitia, hindi tumitigil sa pagsasayaw.

Pinatay na ni Andrew ang telepono ng kaibigan at ibinalik ito bago siya nag salita. “Hindi ba tinatanong mo ako kung bakit mainit ang dugo ko sa kaniya? Sige, sasagutin na kita. I hate her kasi ganito siya.”

Napataas naman ng kilay si Sebastian sa sinabi ni Andrew. “Huh? Baki— All right. Sabi mo eh, hindi na ako magtatanong pa. But, for me? Gusto ko ang ganiyang babae, palaban,“ wika ni Sebastian saka ipinasok sa bulsa ang telepono niya.

“Tsk. Kung ganito ang gusto mong babae then magpatingin ka na. Sira na ang ulo mo,” sabi ni Andrew, bakas ang inis sa kaniyang boses at mukha, kunot noo at mapanghusgang mga mata.

“Hey! Sobrang harsh mo na. Alam mo bang the more you hate, the more you love? Malay mo siya pala ang the one mo, 'di ba?”

Natawa naman si Andrew sa sinabi ni Sebastian. “Kung siya ang babaeng para sa akin ay mas gugustuhin ko pang barilin ako sa Luneta,” sarkastikong wika ni Andrew saka lumakad papalayo.

“Sige ka! Baka magsisi ka niyan sa huli! Ikaw rin!” sigaw ni Sebastian sa papalayo na niyang kaibigan.

‘Hell no! Magpapa-party pa ako kung mawawala siya sa landas ko.’

PAGDATING ni Andrew sa Ospital ay ipinarada niya ang kotse sa parking lot saka lumalakad papunta sa entrance ng ospital.

Bago pa siya makarating sa entrance ay nakita niya ang imahe ng isang pamilyar na babae, nakatayo at may kausap na isang lalaki, tumatawa pa ito na para bang wala siyang iniwan na pasyente.

“This woman.” 

Napailing naman si Andrew at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Nang malagpasan niya ang dalawa ay lalong napakunot ang noo niya.

“Nababantayan kaya niya ng maayos si Alexander? O baka naman gumagala lang siya rito,” bulong na tanong ni Andrew sa kaniyang sarili habang diretso ang tingin sa daan.

“FYI— I mean, for your information ngayon lang ako bumaba. Bumili kasi ako ng pagkain, and to answer your question, yes! Nababantayan ko ng maayos ang aking mahal na pamangkin.”

Napatigil at talon naman si Andrew dahil sa gulat. “Fuck!” malakas niyang sigaw na nakaagaw pansin ng mga nurse, doctor at ibang pang tao sa paligid nila.

‘This woman!’

“What the hell?! 'wag ka ngang manggulat!” inis na wika ni Andrew, kunot ang noo at matalim niyang tinitigan ang babae sa harap niya.

“What? Hindi ko naman alam na magugulatin ka pala, Drew.”

“Don't call me Drew, hindi tayo close.” Tinalikuran na ni Andrew si Letitia at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad.

“Kung ayaw mo ng Drew, then asshole na lang.”

“Hindi ba't 'yan na ang bansag mo kay Gael Chavez?” bagot na tugon ni Andrew kay Letitia.

“Oh?! Napanood mo pala 'yon. Ano, kumusta? Ang galing ano? Cute yung reaction niya,” masayang wika ni Letitia habang pumapalakpak.

“Masaya? Cute? No! Mali ang ginawa mo sa kaniya.”

“What? What's wrong? Tinawag kaya niya akong bitch, hmp.” Pinagkrus ni Letitia ang kaniyang mga braso at ngumuso na parang bata.

“So? Hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para ipahiya mo siya,” wika ni Andrew para depensahan ang una niyang sinabi.

“Hindi lang naman 'yon. Niloko kaya niya ang mga kaibigan ko, engage na pala siya kay Jaya tapos niligawan niya pa si Aida and then kagabi, sinubukan pa niya akong landiin. Deserve niya mapahiya or else tuloy-tuloy pa ang panloloko niya.”

Napatigil naman si Andrew sa paglalakad at humarap kay Letitia. “Really? Hindi alam ng kaibigan mong fiance ng isa mo pang kaibigan si Gael Chavez? That's impossible,” sabi ni Andrew bago umirap at nagpatuloy sa paglalakad.

“D-Did he just? Inirapan niya ako?! This piece of shit!” galit na wika ni Letitia saka hinabol si Andrew at hinatak, ”what do you mean, huh?! Na baka alam talaga ni Aida ang totoo ang pinatulan niya pa rin si Gael?! Ano ba ang pinapalabas mo?! Sulutera ang kaibigan ko?!”

Hindi umimik si Andrew at binawi lamang ang kaniyang braso mula kay Letitia.

‘Huwag ka ng sumagot, huwag mo na siyang pansinin kasi nagsasayang ka lang ng oras mo.’

“Hoy! Kinakausap kita! Sumagot ka nga! Ano ang gusto mong palabasin?! Hah!” 

‘One ay isa, two ay dalawa, three ay tatlo, four ay apat.’

“Hoy Andrew Avellino! Anak ni Andrea Avellino na kapatid naman ni Andrei Avellino! Sagutin mo ang tanong ko o ipagkakalat ko sa buong mundo na bakla ka!” 

Huminto naman si Andrew at humarap kay Letitia, ngumisi siya saka nagsalita. “Oh? Edi sabihin mo. Hindi naman totoo kaya hindi ako apektado,” matapang at punong-puno ng kumpiyansa niyang wika habang nakangisi.

‘Akala mo ba matatakot mo ako? Akala mo lang 'yon.’

Ngumisi lang din si Letitia at sumagot sa kaniya. “Ohh? Really? Okay then, bukas, nasa news ka na!” wika ni Letitia habang nakangisi at hawak ang telepono.

Tinalikuran lamang siya ni Andrew at nagsalita. “Do whatever you want, you crazy woman.” Lumakad na si Andrew at lumiko bago siya muling natigilan  nang marinig na nagsalita si  Letitia.

“Hello? Oh! Yes! This is Letitia Ellis. May news ako para sainyo,” masayang wika ni Letitia, ”Andrew Avellino is gay! Isipin niyo, lagpas trenta na siya pero no girlfriend since birth, ni babaeng na i-issue sa kaniya wala. Balita ko pa, bihira lang daw ang babae sa kumpaniya niya at ito pa! Hanggang ngayon, virgin pa siya. If gusto niyo ng evidence then may ipapadala ako, oh? Sure! Thank you! I'll see you,” dagdag ni Letitia bago ibaba ang tawag at ibulsa ang cellphone niya.

‘D-Did she just... Dinamay niya ang kumpanya ko?!’

“Are you crazy?! Bawiin mo nga ang mga sinabi mo!” galit na saway ni Andrew kay Letitia.

Tinignan lamang siya ni Letitia na para bang siya ay nagtatakha. “Why? Akala ko ba hindi ka apektado kasi hindi naman totoo?” inosenteng tanong ni Letitia.

“I'm not! Ang kumpanya ko ang apektado! Bawiin mo ang sinabi mo!”

“What are you saying? Confident na confident ka nga, eh. Sabi mo hindi ka apektado kasi hindi naman totoo so, deal with it.” Ngumisi si Letitia at lumakad, nilagpasan lang niya si Andrew na hindi makapagsalita.

‘Fuck!’

Hinabol ni Andrew si Letitia at hinila ang kaniyang braso. “Bawiin mo ang sinabi mo o kakasuhan kita ng Oral Defamation, Slander, Cyber libel, Coercion o Unjust Vexation.” 

Ngumisi lamang si Letitia at marahas na hinila pabalik ang braso ni Andrew. “Sure! Go on! Kasuhan mo ako! Asan ang ibedensya mo?!”

Tumalim lang lalo ang tingin ni Andrew kay Letitia at binitawan ito. “You better watch your back, Letitia. Hindi pa tayo tapos,” nagbabantang wika ni Andrew.

Ngumisi naman at kumindat si Letitia bago biglang napalitan ng naluluhang mata at nakakaawang ekspresyon ang kaniyang mukha. “A-Are you threatening me? H-Help! Anyone! Pinagbabantaan ako ng isang lalaki rito!” sigaw ni Letitia.

Agad naman hinatak ni Andrew si Letitia at hinala papunta sa kwarto ni Alexander. “What are you doing?! Baliw ka ba?!”

Natawa naman si Letitia. “Maybe? Baliw kasi ako sayo,” wika ni Letitia saka siya kinindatan.

Kumunot naman ang noo ni Andrew at binitawan si Letitia. “Seriously? You're so creepy.”

“Thank you,” pasasalamat ni Letitia, saka minasahe ang pulsuhan na hinatak ni Andrew.

Napako naman ang tingin ni Andrew sa pulsuhan ni Letitia. “That's not a compliment,” sagot naman ni Andrew saka siya umiwas ng tingin.

Nang marating nila ang kwarto ni Alexander ay nagulat at natuwa naman sila nang makita nilang gising na ito at sinusubukan nitong tumayo.

Napatakbo naman si Letitia sa tabi ni Alexander at pinigilan ito. “Baby! You're awake! Huwag mo munang puwersahin ang sarili mo! Humiga ka lang,” nag-aalalang wika ni Letitia saka ito inalalayang humiga.

“How are you feeling, big boy?” tanong naman ni Andrew sa kaniyang pamangkin habang nakangiti, hindi man niya maipakita na siya'y masaya, natutuwa siya at gising na si Alexander.

“What are you doing, bakla?! Tumawag ka na ng doctor!” sigaw ni Letitia kay Andrew.

“I'm not gay—”

Hindi na natapos ni Andrew ang kaniyang sasabihin nang biglang magsalita si Alexander.

“M-Mommy? Daddy? Nasaan po tayo?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status