Share

CHAPTER 5: Hateful

“WHAT?!” sabay na sigaw ni Andrew at Letitia nang kanilang marinig ang suhestyon ng ina niya.

‘Marriage? Why do we have to get married?!’ wika ni Andrew sa kaniyang sarili saka tumingin sa dalagang nasa tabi lamang niya.

Lumipat ang kaniyang paningin sa ina na nakaupo at umiinom ng kape. “Mom?! Marriage? Hindi po 'yon puwede!” wika ni Andrew habang nakakunot ang noo at bakas sa kaniyang mukha ang 'di pagpayag.

“Tama! Hindi po 'yon maaaring mangyari! Wala akong balak at ayokong magpakasal at kung magpapakasal man ako,“ wika ng dalaga saka ito tumingin kay Andrew at nanuro. “Never and I mean never! Siyang magiging option o masasama sa choices ko!” 

Tumaas ang kilay ng binata sa mga sinabi ni Letitia ngunit makalipas ang ilang sandali'y ngumisi ito at saka nagsalita. “Oh? Really? Well then that's great! Kasi wala ka rin naman sa options ko, hindi ko naman kasi tipo ang baliw na babaeng katulad mo,” sarkastiko niyang wika habang may nakakaasar na ngisi sa kaniyang mga labi.

Tumawa lamang ang dalaga habang umiiling at pumapalakpak.

‘What the hell? Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Baliw nga talaga siya.’ Napailing-iling na rin lamang si Andrew sa inasta ni Letitia.

Patuloy lamang si Letitia sa pagtawa at pag-iling nang magsalita siya. “Wala ako sa options mo?” wika niya bago tumawa nang mas malakas, “may options ka ba? Saka saglit nga, ang lakas mo namang magsabi na may options ka. Wala ngang gustong pumatol sa iyo, eh!” nang-aasar na wika ni Letitia, ngumisi ito bago kuhain ang isang baso sa harap niya para uminom.

Lalo namang nalukot ang mukha ng binata, umiigting ang panga at masama ang tingin nito kay Letitia bago siya magsalita. “Really? Paano mo naman na sabi? Hindi mo ba alam na maraming babae ang nagkakandarapa para lang makausap ako?” sabi niya na para bang siya ay nagyayabang habang nakataas pa rin ang makapal niyang kilay.

“Hah! Mom, Dad! Did you hear him? Oh my gosh! Ayon na ba 'yon? Nagbibiro ka ba?!” wika ni Letitia saka tumingin sa kaniyang mga magulang habang siya ay nagpipigil ng kaniyang tawa.

‘This woman! Is she mocking me?!’

“Tanga! Hindi dahil sa may gustong kumausap sayo ay may options ka na! Malay mo, one time thing lamang ang gusto nila o baka naman inaalok ka ng insurance!” dagdag pa niya gamit ang nang-aasar na tono.

‘Of course, she is!’

Huminga si Andrew nang malalim para pakalmahin ang sarili at hindi rin nagtagal ay bumalik na sa seryosong ekspresyon ang kaniyang mukha. “Isipin mo ang gusto mong isipin at tumawa ka lang nang tumawa d'yan! Hindi ko naman kailangan ang opinyon at ang paniniwala mo, sino ka ba?” iritable nitong wika.

“Oh?! Galit ka na niyan? Okay, sige. Naniniwala na ako, may mga humahabol sayo na mga babae. Apat ang paa, higit sa lima ang bundok tapos lawlaw?” nang-aasar at tumatawang sabi ni Letitia, inuumpisahan na namang inisin ang binata.

“What?!” nagtatakhang tanong ni Andrew, nakataas na naman ang kaniyang kilay.

“Omo! Mr. Perfect?! Hindi mo ba alam 'yon? Kawawa ka naman. Sige, sirit ka na, hah! Aso 'yon, aso na lang kasi ang hahabol sa 'yo, eh.”

‘Kung ang misyon nitong babaing ito sa mundo ay inisin ako ay aba, mission cleared na, dati pa. This woman never failed to annoy me. Kapag gumagalaw siya, kqpag nang-aasar siya, kapag nagsasalita siya, at kapag humihinga siya naiinis ako! Her whole existence annoys me! I don't know why and I don't give a damn. Letitia and I will never get along, that's that.’

Huminga na lamang si Andrew nang malalim at pinigilan ang sarili na sumagot. Magsasayang lamang siya ng laway at oras kung papansinin niya pa ito kaya naman itinuon niya na lamang ang atensyon niya sa kaniyang ina.

“Mom. I'm sorry, I can't marry her, I don't want to marry her. Mas pipiliin ko pang tumalon at malunod sa ilog kaysa pakasalan ang baliw na babaing ito,“ wika ni Andrew saka lumipat ang paningin sa magulang ni Letitia. “No offense po, Mr and Mrs. Ellis,“ dagdag niya pa.

‘I can't marry this woman. I will never marry her.’

Tumango lamang ang mga magulang ni Letitia at ibinaling ang atensyon kay Andrea.

“Get married? Bakit kailangan nilang magpakasal, Andrea?” tanong ni Marrisa.

“Alexander called you mommy and daddy, right?” sagot naman ng ina niya habang nakatingin kay Andrew.

Ipinagkrus niya ang kaniyang mga braso saka seryosong tinignan ang kaniyang ina bago magsalita. “Yes,” maikli niyang sagot sa tanong ni Andrea.

“Alexander thinks you are his father and Letitia is his mother because you looks exactly like your brother and Letitia looks like Lea. Siguro ay medyo naguguluhan pa siya o baka isa ito sa epekto ng amnesia? I'm not sure but one thing is for sure, Alexander thinks of you as his mother and father so you have to act like his parents until he regains his memories,“ mahabang paliwanag ni Andrea na nagpatahimik naman sa kanilang lahat.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kwarto, walang gustong magsalita dahil hindi rin nila alam kung ano ang kanilang maaring sabihin.

‘Getting married? To Letitia? Act like Alexander's parents until he regains his memories? Shit. I love my nephew but this is too much. Do I really have to sacrifice my life? My dreams? We can help Alexander without getting married. Ano ba ang iniisip ni mom?!’ wika ni Andrew sa kaniyang sarili saka tumingin kay Letitia. ‘Getting married to this woman will be the last thing I would do. Kahit magunaw ang mundo hindi ko 'yon gagawin.’

“Ano na lang ang mangyayari sa apo ko?”

“Marriage is a serious matter, Andrea. Hindi 'yon basta-basta,” sabi naman ni Leonardo.

‘That's right. Marriage a serious matter, marriage is sacred. Getting married because of something that is not love is purely disgusting. I won't be marrying Letitia.’

“Naiintindihan ko naman ang gusto niyong sabihin, tita. Gusto rin naman naming tumulong at maging maayos ang kalagayan ni Alexander tulad niyo pero hindi ba't parang sobra naman na ata kung kakailanganin naming magpakasal para lang umaktong magulang ni Alexander. Wala na bang ibang paraan?” mahinahong tanong ni Letitia kay Andrea.

Tumaas naman ang kilay ni Andrea sa inakto ni Letitia. ‘Letitia? Calm and understanding? Don't make me laugh.’

“As of now, wala akong maisip na ibang paraan. Kayo ba mayroong naiisip?” pabalik na tanong ni Andrea sa dalaga.

Hindi nakasagot si Letitia at napakagat na lamang sa kaniyang labi.

Ilang minuto silang natahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Matapos ang ilang minuto ay binasag ng ama ni Letitia ang katahimikan at ito ay nagsalita. “Mukhang wala na nga tayong ibang magagawa,” nanghihinayang nitong wika saka siya tumingin sa kaniyang bunsong anak.

“Anak... Pwede ba tayong mag-usap?” dagdag pa nito.

Matapos ang ilang sandali ay tumayo si Letitia at lumabas na ang mag-anak sa silid upang mag-usap.

“Mabuti pa't maghanda ka na para sa kasal niyo ni Letitia,” wika ni Andrea ng walang kabuhay-buhay habang iniinom ang kape na hawak niya.

Umupo naman si Andrew sa katapat na upuan ng ina niya. “Mom. I don't want to marry her, I won't marry her,“ sabi naman ni Andrew.

Patuloy lamang sa pag-inom si Andrea at hindi niya pinansin ang sinabi ng kaniyang anak. “Do you want a church wedding or garden wedding?” tanong ni Andrea.

“Mom!”

“If not then we'll ask Letitia what she wants. Pero para sa akin, mag west na lang kayo dahil mas mabilis 'yon,“ dagdag niya pa.

“Mom! I told you! I won't marry her!” pag-ulit na wika ni Andrew.

Walang emosyon siyang tinignan ng kaniyang ina sa mata. “You will, Andrew. You will marry Letitia whether you like it or not.” Tumayo si Andrea at isinukbit ang kaniyang bag sa kaniyang braso.

“Mom! Can you please stop?! I want to get married pero sa babaing mahal ko! I won't marry Letitia! She's... The complete opposite of my ideal woman!” seryosong wika ni Andrew saka tumayo.

‘Ako ang magpapasya kung sino ang papakasalan ko and I won't marry Letitia, whether you like it or not.’ 

Humarap si Andrea sa kaniyang anak at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Really? Letitia is not your type? So what? Ano ang kinalaman ng tipo mo sa marriage niyo?” ani Andrea habang nakataas ang kaniyang kilay.

Napangiwi naman si Andrew sa sinabi ng kaniyang ina. “Dati ko pa ito sa 'yo sinasabi. I will marry someone I love, hindi kung sino lang and please, stop it. You want me to get married so I could act like Alexander's father? So I could act like Andrei?! For fuck's sake, I have a life!” inis na wika ni Andrew sa kaniyang ina, umaasa siyang magigising ito sa kaniyang kahibangan at titigilan ang pagpilit sa kaniya.

“Marry someone you love? Are you kidding me? Wala ngang may gustong kumausap sa 'yo. Mabibilang ko sa isang kamay ko ang mga babaeng nakakausap mo na hindi tungkol sa trabaho.”

“Mom! Hindi ibig sabihin no'n ay puwede mo na akong ipakasal sa kung sino-sino, hindi ibig sabihin no'n puwede mo na akong ipakasal sa isang baliw na babae para maalagaan ko ang anak ni Andrei!” malakas ang boses na wika ni Andrew. 

“I can, Andrew. Kayang kaya ko, at gagawin ko.”

Napahilamos naman ng mukha si Andrew. “You don't get it do you? Mom, I have a life. I want to help my nephew pero hindi sa ganitong paraan. Maraming paraan, hindi ko kailangang pakasalan si Letitia,“ sabi ni Andrew, sinusubukang baguhin ang isip ng kaniyang ina.

“Ayokong makitang malungkot o nahihirapan ang apo ko, handa akong gawin ang lahat para sa kaniya so no. We will stick to my plan, you will get married to Letitia and that's final. Don't be selfish.”

“Hah! Selfish? Ako pa ang selfish? Mom, sabihin mo nga. Tell me the truth, are you really doing this for Alexander? Or are you doing this kasi gusto mong umakto akong si Andrei?”

”Yes! I want you to get married for Alexander's sake. Yes! I want you to act like his father, I want you to act like Andrei! Yes! You have a life but that life,” madiin na wika ni Andrea bago siya lumapit kay Andrew, ”ako ang nagbigay sa 'yo niyan,“ malamig ang boses na wika ni Andrea saka niya mahinang tinulak si Andrew.

“Oo! Ibinigay mo sa akin itong buhay na 'to at nagpapasalamat ako dahil don. Binuhay mo ako pero parang wala lang din naman ako sa 'yo, eh.”

“If you're half as good as your brother then maybe, just maybe makukuha mo rin ang atensyon ko pero hindi. The only thing na mabuti sa 'yo ay ang mukha mo, you look exactly like your brother, use it para may pakinabang ka naman.”

Napayuko naman si Andrew bago agad na tumingala. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay ganito pa rin ang ina niya.

“Wow! Kahit hindi ito ang first time, nagugulat pa rin talaga ako. Ayaw mo talaga sa akin at hindi mo talaga 'yon itinatago. Wala ka pa rin talagang ipinagbago, mom. Ang tingin mo pa rin pala sa akin ay substitute, pamalit sa paborito mong anak!” madiin niyang wika, mahina siyang tumatawa ngunit pumapatak na ang kaniyang luha.

Hindi natinag si Andrea sa mga sinabi ni Andrew, pinanood lamang niya itong mahinang umiyak gamit ang malamig at walang emosyon niyang mata. Hindi naman ito ang unang beses nag-drama ang anak niya. “Ikaw rin, hindi ka pa rin nagbabago. Makasarili at wala ka pa ring kwenta.”

Bumaba ang tingin ni Andrew at nakita niya ang walang emosyong ekspresyon ng kaniyang ina. Malakas siyang tumawa at napatakip sa kaniyang bibig. Hindi na ito bago pero gano'n pa rin ang sakit.

 “Makasarili? Walang kwenta? Sige, okay. Alam ko namang gano'n ang tingin mo sa akin, una pa lang. Sa lahat naman ng ginawa ko, wala kang na-appreciate, eh. Mali ko lang naman ang pinapansin mo. Lahat nga ata nagawa ko na para lang pansinin mo ako, ma-appreciate mo ako, maging proud ka sa akin, o kahit tanggapin mo ako bilang anak mo. Wala eh, hindi sapat, Kasalanan ko ba 'yon? Kasalanan ko bang nabuhay ako? Kasalanan ko bang nagmahal ka ng may asawa na?! KASALANAN KO BANG NABUNTIS KA AT AKO ANG NAGING BUNGA?!” malakas na sigaw ni Andrew habang mariin na nakapikit ang kaniyang mata. 

Rinig niya ang malakas at mabilis na tunog ng paglakad papalapit ni Andrea sa kaniya dahil sa takong ng kaniyang ina. Hindi pa man niya naimumulat ang kaniyang mga mata ay malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang pisngi.

“HOW DARE YOU SPEAK TO ME THAT WAY?!” malakas at galit na sigaw ni Andrea.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status